Lauren Young not on speaking terms with Elmo Magalona: “I like it that way.”

Lauren Young on former boyfriend Elmo Magalona: “Well, ano lang, civil lang. I mean, I say hi to him, but I don’t have anything to tell him, so I don’t talk to him.”


“Wala pa,” nakangiting sagot ng Kapuso star na si Lauren Young sa tanong kung may bago na siyang boyfriend.

Nakita kasi namin ang ilang posts niya sa kanyang Instagram account na may kasamang lalaki, na kung susuriin ang posts niya, puwedeng isipin na sila na ng guy.

Ngunit paglilinaw ni Lauren, “Wala pa, we’re just dating. He’s my friend.”

Pero sino ang guy na yun?

“Siyempre, ayoko naman kasi... I respect his privacy kasi, he’s not from showbiz.

“All I can say is, I’m very happy with my personal life. I’m happy professionally as well.

"He keeps me inspired and motivated."

Gaano na sila katagal na nagde-date ng sinasabi niyang kaibigan na ito?

“Secret, wala nang details.

“Hindi na ’ko magbibigay ng details, ever!” pabiro niyang pag-iwas.

Bito namin sa kanya, hindi naman talaga siya nagbibigay ng detalye pagdating sa lovelife niya.

“A, oo nga,” natatawang pagsang-ayon ni Lauren.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lauren sa press conference ng bago niyang primetime series sa GMA, ang Hiram Na Alaala.

OKAY WITH JANINE. Kinumusta naman namin si Lauren tungkol kina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Si Elmo ay dating boyfriend ni Lauren, sa kabila ng pareho nilang itinanggi ang kanilang relasyon noon.

Ani Lauren, “Okay lang.

"Janine is okay with me and I really like Janine, and I’m working with her mom.”

Kasama ni Lauren sa Hiram Na Alaala ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon.

Dagdag ni Lauren, “She’s been so nice to me and she says hi to me.”

ON BULLYING. Hiningi rin namin ang reaksiyon ni Lauren sa sinasabi ng ilan na hindi naman talaga siya nakakatanggap ng anumang pamba-bash mula sa fans ni Janine o ng loveteam ngayon nina Janine at Elmo, taliwas sa pahayag niya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng Kapuso actress, “Ako naman kasi, I really stand by my own ano na...

"I really don’t believe in bullying talaga because I know what it’s like to be bullied.

“Not only online, but sometimes, in real life as well.

“You know, kapag bata ka, ’di ba?

“So, I don’t want other people to feel what I felt. Ayoko lang ng ganun.

"And my fans, you know, I’m very thankful na sinusuportahan nila ang sinusuportahan ko.

“Alam nila na kapag ayoko, ayoko.

“And minsan, kapag nakikita ko rin sa Twitter na may sinasabi silang medyo bastos or out of line, you know, I go out my way to be a good role model and I tell them.”



NOT TALKING TO ELMO. Kumusta naman sila ni Elmo?

“Si Elmo, hindi ko na siya kinakausap... I like it that way,” pag-amin niya.

Sa kabila ng kanyang pag-amin na hindi na niya kinakausap si Elmo, ang ina nitong si Pia Magalona pa rin ang talent manager ni Lauren at matalik din niyang kaibigan ang mga kapatid ng actor-rapper na sina Maxene at Saab Magalona.

Paliwanag ni Lauren, “E, iba naman yung relationship namin nina Max at saka nina Saab at saka ni Tita Pia.”

Hindi naapektuhan ang relasyon niya sa tatlo sa nangyari sa kanila ni Elmo?

Sagot niya, “Professional kasi kami ni Tita Pia.

"We’re very close rin in real life, but she understands.

“Kasi Mo and I, that’s over now.

"And Elmo, right now is not my friend, so I don’t want to talk about that.”

Posibleng nagkikita sila ni Elmo sa Kapuso network. Hindi sila nagpapansinan?

Aniya, “Well, ano lang, civil lang.

"I mean, I say hi to him, but I don’t have anything to tell him, so I don’t talk to him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN