Solenn Heussaff admits struggling with her Tagalog lines: “Super-iniisip ko dalawang beses bago ako magsalita.”

Solenn Heussaff says she’s her own worst critic: “I mean, I’m very critical with myself. I am my own worst critic. I always critique na negative. Every time I watch a movie, I like cringe, ‘Ohhh ayoko!’”


“Hanggang ngayon nahihirapan pa ako sa Tagalog lines so every time may Tagalog lines, super-iniisip ko dalawang beses bago ako magsalita.

“Tapos yung lumalabas medyo pangit pa rin,” ang natatawang sinabi ni Solenn Heussaff sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng horror movie na T’yanak noong September 23 sa Antipolo, Rizal.

Pero sa kabila nito, marami ang nakakapansin na humuhusay na si Solenn sa pag-arte.

Sa mga drama at horror na eksena niya sa T’yanak ay napapabilib niya kahit ang mga direktor nilang sina Peque Gallaga at Lore Reyes.

Ayon kay Solenn, “I don’t know. Ako, I’m super-thankful and every time I watch a movie [of mine], I really like to see what I did wrong.

“I mean I’m very critical with myself. I am my own worst critic. I always critique na negative.

“Every time I watch a movie, I like, cringe, ‘Ohhh ayoko!’

“But you know, I just try to be myself. At hindi ako yung type na kahit yung personality ko sa totoong buhay hindi ako super, ‘Oh my God!’

“Hindi ako ganyan so kahit sa mga acting ko, I won’t be O.A. kasi hindi ako ganoon sa totoong buhay. Minsan yung mga tao they speak so loud. Ako, actually, medyo super-monotone yung voice ko.

“Kaya sa dubbing inaayos ko yun.”

Ang T’yanak na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos ay ipapalabas sa SM cinemas sa October 29.

Kasama rin sa cast sina Tom Rodriguez, Miss Liza Lorena, Adrian Cabido, at si Sid Lucero.

Ano ang dream role ni Solenn?

Pakli niya, “Well kung fantaserye, gusto kong maging sirena. I know it’s so old but yung Splash [na movie], yung kay Darryl Hannah. I wanna do something like that.”

Sa darating na Halloween presentation ng GMA na Elemento ay gaganap bilang water nymph si Solenn kaya ikinatuwa niya iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL STRUGGLING WITH HER TAGALOG. Pero may pagdadalawang-isip pala si Solenn tuwing gumagawa ng teleserye.

“Yung problem, ayoko mag-teleserye masyado. Mahirap para sa akin. Kasi yung mga [Tagalog] lines, on the day itself, tapos 60 sequences a day. Hindi ko kaya talaga mag-memorize.

“Hindi ko kaya at ayoko maging cause of delay, ayoko maging... baka mairita yung mga co-actors ko. So okay lang pag guest role lang ako or maliit na role sa teleserye.

“It’s good practice naman para sa akin. Pero movie, gusto ko kasi yung script, meron two months before [shooting] e, ganun.

“You can really learn it. Yung mga konti lang na sked, mga dalawang lines inaaral ko like two weeks before. Sila [her co-stars], dun lang mismo sa set,” at natawa si Solenn.

ILUSTRADO. Masaya ba siya na sa bayani-serye ng GMA na Ilustrado ay gaganap siya bilang isang French woman na si Nellie Boustead?

Sabi niya, “Happy ako. Mas happy ako dati kasi dapat French yung salita ko. Ngayon sabi nila Tagalog na lang.

“Ayaw nila ng subtitles.”

Angkop na may "accent" ang pagbigkas niya ng Tagalog kasi isang French woman ang gagampanan niya.

“Oo, pero you know it’s like... they should still understand me speaking Tagalog with a French accent, so dapat maayos.”

Bida rin sa Ilustrado sina Alden Richards bilang si Jose Rizal, at si Kylie Padilla bilang si Leonor Rivera.

Co-host din si Solenn ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa MP Featuring Sports Science.

SEXY IMAGE. Sexy at maganda ang aktres kaya pantasya ng maraming lalaki si Solenn.

Matagal ba siyang nag-aayos para maging laging maganda at sexy?

Pag-amin ni Solenn, “Ako, I really don’t care. I mean siyempre naman... I want to be healthy, I want to look good for my boyfriend, ganun, but I’m not the type na mag-e-extra effort.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na [may] super-diet all the time or laging mag-aayos.

“Pag wala akong trabaho, as in naka-tsinelas lang ako, walang makeup walang ayos ang hair.

“Hindi ako pumupunta sa mga events, I’m not the type to show [off], ayoko yung mga [bars]. Hindi ako masyadong sociable.

“Sociable naman ako, I can get along with anyone but I’m not the type na... ’Pag may event, mas gusto ko yung chill sa isang tabi, ayoko yung dressing up kasi I do it every day naman sa work.

“So pag walang work, gusto ko chill.

“At baka iyon yung gusto ng mga boys sa akin, na I don’t care.”

Ano naman ang masasabi niya sa mga nagku-comment na siya raw ay "naturally beautiful and sexy."

“Naks!

“Actually, I don’t think so.

“Feeling ko kasi yung mga guys they always see me when I’m working, so siyempre naman lagi akong nakaayos. Pero feeling ko pag nag-walk in ako sa isang bar, tapos wala akong makeup at naka-T-shirt lang, feeling ko walang titingin ng dalawang beses,” at tumawa si Solenn.

STAYING IN SHAPE. Maganda ang katawan ni Solenn pero ito ay malakas kumain.

Natatawa niyang amin, “Yeah, super-takaw ako!

“Well, matakaw ako pero I watch what I eat, balanced lifestyle lang, so pag nag-cheeseburger ako ng isang araw, yung next day, puro vegetables, ganun. Tapos, exercise every day.”

Nakakatulong din daw ang pagiging endorser niya ng Calayan Surgicentre.

“Ngayon busy [ako] sa shootings so wala akong masyadong time mag-workout so tinry ko yung [Solenn Sexy Laser] nag-work naman. Nag-firm ako sa side. Kasi wala akong bewang so I need to shape up a little bit.

“Pero lahat non-invasive. Yung lipo, yung ganun, ayoko yun. Ayoko yung may injection or surgery, ako yung machine lang, yung parang umiinit,” detalye pa niya.

Endorser rin siya ng Solenn French Facial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN