Alfred Vargas vows to help Cherry Pie Picache seek justice for slain mom

For all his exposure as district representative and actor, Alfred Vargas is not social media savvy. Neither a ’friend’ nor a tweeter, he is also not an Insta clicker. He says he’ll get around once he overcomes his fear of bashers. "Ang sakit nilang magsalita na parang… sa panahon ngayon, parang ang hirap ’pag mapagtripan ka."


Sa kauna-unahang pagkakataon sa Quezon City, magbibigay ng report ang isang congressman.

Sinimulan ito ni Representative Alfred Vargas ng District 5 ng naturang lungsod, kung saan sakop nito ang Novaliches.

Ginanap ang 1st Congressional Report to the People of Novaliches sa Rosa Susano Elementrary School, noong Sabado ng hapon, September 27, kung saan kasama ni Alfred ang kanyang maybahay na si Yasmine Espiritu.

Dinaluhan ito nina Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, Anjo Yllana na konsehal ng naturang distrito, at Pasig Congressman Roman Romulo kasama ang asawa niyang si Shalani Soledad-Romulo, dating konsehala ng Valenzuela City.

Pahayag ni Alfred tungkol sa kanyang initiative, "Naisip ko naman, for the first time in the history of Quezon City at ng Novaliches, ay ang mag-report ang congressman sa tao.

"Kumbaga, iri-report natin kung ano ang nagawa natin, kung ano ang nangyari at kung ano pa ang plano in the near future.

“Yearly na po ang report na, sa tingin ko, deserving naman ang mga tao.

"Kailangan yung public servant nila, yung ibinoto nila ay mag-report sa kanila para may ideya din ang mga tao kung ano ang performance natin."



DEATH PENALTY. Kabilang sa mga isyung napag-usapan sa 1st Congressional Report ang tungkol sa iminumungkahi ni Cherry Pie Picache na pagbabalik ng death penalty.

Isa si Alfred sa dumalaw sa burol sa ina ni Cherry Pie dahil naging close din sila pagkatapos nilang magsama sa ilang pelikula sa Seiko Films.

Isa siya sa nagkondena sa paraan ng pagpaslang sa ina ni Cherry Pie at nangako raw siya sa aktres na tutulong siya para malutas ang naturang krimen.

Pero pagdating sa isyung pagbabalik ng death penalty, safe ang sagot ni Alfred.

Aniya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m open to discussions dun sa pagbabalik ng death penalty.

"Kasi madali lang naman ’yan, pagdating sa Plenary, pagbotohan lang naman ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa tingin ko, ang mas malalim na i-address natin, yung peace and order.

“Kung papa’no natin mari-reform ang ating Armed Forces, ang ating kapulisan.

“Bukod dun, paano natin maibabalik ang moralidad ng lipunan.

"Paano natin mapalakas ang pamilya.

“Kasi ngayon, dati tayo, sama-sama pa tayo kumakain mga magulang at saka mga anak.

“Ngayon, yayain mo pa mag-dinner ang mga anak mo, mas pipiliin pa ang mag-Facebook o mag-D.O.T.A.

“Dati, tayo pa ang nagmamakaawa sa mga magulang natin na makapagtapos ng pag-aaral.

"Ngayon, ang magulang pa natin ang nagmamakaawa sa atin na makapagtapos ng pag-aaral.”

INTERNET. Dito pumasok ang usaping matinding impluwensiya ng Internet sa mga kabataan.

Sobrang apektado raw si Alfred nang minsang may pinuntahan siyang isang burol sa kanyang distrito.

Kuwento niya, “Meron residente sa aking distrito na may dinalaw akong patay, five years old na babae.

“Tinanong ko kung bakit siya pinatay.

"Iyon pala, naglalaro sila ng kaibigan niyang lalaki, nagkapikunan sila.

"Sinaksak siya ng maraming beses ng barbecue stick, umuwi raw ng bahay na duguan.

“Dun medyo na-awaken ang sense of urgency ko tungkol diyan, dahil sa Internet makikita natin lahat ng…

"Exposed ang lahat ng bata sa pornography, sa violence, sa bad influence.

“Although dun din nakukuha yung research sa education, dun din ang mga magagandang advice.

“Sa tingin ko, kailangan din magkaroon ng konting regulation pagdating sa mga bata.

“Kasi tayong mga adults, ’di naman natin naabutan ’yan, e.

"It just scares me very much as a father kung hindi mai-regulate ‘yan.”

Kaya inaayos daw ng legislative team niya ang pagsumite ng bill na kung puwede i-regulate ang paggamit ng kabataan ng Internet.


NOT INSTA SAVVY. Itinuturing ni Alfred na makaluma pa rin siya.

Hanggang ngayon ay gamit pa rin daw niya ang cellphone number niya nung nasa kolehiyo pa siya at matagal na raw ang iPhone 4 na gamit niya. Hindi na raw siya nagpapalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon din ay wala siyang kahit anong social media account, gaya ng Facebook, Twitter, at Instagram.

Sang-ayon naman daw siyang sa panahon ngayon ay kailangan talaga natin ng social media, at hinihimok nga raw siya ng staff niya at ng kanyang asawa na magkaroon ng kahit Instagram account lang.

Pahayag ng 32-year-old na kongresista ng Quezon City, “I believe in the power of social media, definitely.

"Sa panahon ngayon, parang ang hirap na mag-survive kapag hindi ka in tune with social media.

“That’s why, yun nga, kinukulit din ako ng mga supporters at ng mga staff ko.

"Sabi nila, mag-launch na raw ako ng Instagram at saka ng kung anu-ano sa social media.

"Para at least aware sila sa kung ano ang mga ginagawa natin.”

Ang isa pa raw sana sa gusto niyang iwasan, kung sakaling meron siyang social media account, ay ang bashers.

“Minsan, aminin ko sa inyo, nakakatakot din ang mga bashers, ’no?

"Yung grabe, ang sakit nilang magsalita na parang… sa panahon ngayon, parang ang hirap ’pag mapagtripan ka.

"Ang sasakit ng mga sinasabi nila."



BONIFACIO. Sinagot din ni Alfred ang tungkol sa pelikulang Bonifacio, na ginagawa ni Robin Padilla para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Si Alfred ang huling gumawa ng pelikula tungkol kay Andres Bonifacio, Ang Supremo.

Sabi ni Robin sa isang panayam, hindi pa raw talaga napanood sa mga ilang pelikula tungkol kay Bonifacio ang tunay na nangyari sa buhay ng ating bayani.

Umiikot ngayon sa iba’t ibang paaralan ang Ang Supremo para mapanood ng mga estudyante.

Sabi ng actor-politician tungkol sa isyu, “Siguro panoorin natin, ako gusto kong panoorin.

“Narinig ko rin yung sinabi niya [Robin], talagang na-spark ang curiosity ko.

“Pagdating ng filmfest, ’yan ang una kong panoorin kasi excited ako sa film na yun.”

Aminado si Alfred na hindi talaga nailahad ang lahat tungkol sa buhay ni Bonifacio sa pelikulang pinagbidahan niya dahil mahirap pagkasyahin sa isa’t kalahating oras na pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagpapasalamat siya kay Robin na ginawa niya ito dahil bukod kay Jose Rizal, dapat na mabigyan daw ng ganung pagpapahalaga si Bonifacio.

“Advocacy ko talaga si Andres Bonifacio, ever since idolo ko siya.

"Para sa akin, dapat na magkapantay sila ni Jose Rizal pagdating sa billing kung sino talaga ang national heroes,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN