Derrick Monasterio admits he likes Yassi Pressman’s sister, but he’s not courting her

Derrick Monasterio is setting aside studies to focus on his acting career, having realized that opportunities coming his way are too too good to pass up. "Sabi ko sa sarili ko, ’Aba, kailangan pala talagang seryosohin ko ’to!’"


Nagbago na ang desisyon ng Kapuso young actor na si Derrick Monasterio na mag-quit sa showbiz sa susunod na taon.

Nag-aalala raw siya na baka mawalan siya ng career kung sakaling ituloy niya ang kanyang plano.

"At saka, naisip ko rin, magku-quit ako, baka hindi na ako makabalik, ’di ba?

"Knock on wood, gusto ko rin kasing i-maximize ang time ko sa showbiz.

"Sabi nga, strike while the iron is hot, ’di ba?

"Natututunan ko na ring mahalin ang aking trabaho.

"Kasi nung dati, parang laro lang siya.

"’Tapos nung maranasan ko ang maraming opportunities, sabi ko sa sarili ko, ’Aba, kailangan pala talagang seryosuhin ko ’to.’"

Ang plano kasi ni Derrick pagka-graduate niya ng high school ay kumuha ng kursong aviation sa kolehiyo. Ito rin daw ang kagustuhan ng kanyang ama.

Noong bata pa kasi si Derrick ay hilig na niyang maglaro ng airplane toys.

Pero aniya, "Kasi si Mommy [Tina Monasterio], parang ayaw na rin niya.

"Kasi may nabalitaan siyang marami raw na mga piloto ngayon ang natetengga lang ang flights.

"Dalawa na ang nagsabi sa kanya, kaya yun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick last Wednesday, September 24, sa Mexicali restaurant, sa SM North Edsa, Quezon City.

IS IT ISSA? Kasunod nito ay kinumusta ng PEP kay Derrick si Issa Pressman, ang nakababatang kapatid ng Kapuso star na si Yassi Pressman na pumasok na rin sa show business.

Si Issa ang nababalitang girlfriend ngayon ni Derrick.

Pabirong bulalas ng Kapuso teen actor, "Sino po yun?

"Hindi, friend ko po siya.

"Kami? Hindi pa po kami.

"Madalas lang kaming lumalabas kasama ang mga kaibigan namin.

"Nagkakilala kasi kami sa Boracay, naging close, ganun."

Ang balita ay madalas silang magkasama, kahit nga raw sa showbiz events na pinupuntahan niya.

Paliwanag naman ni Derrick, "Kasi nga friends kami, ’di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero aminado ang 19-year-old actor na gusto niya ang kapatid ni Yassi.

"Yeah, I like her.

"Masarap po siyang kasama, walang awkward moments, masaya.

"Actually, marami kaming... alam mo yun, yung halos pareho ang likes and dislikes namin.

"Kaya siguro click kami.

"Si Barbie [Forteza], ganun din naman kami noon, ’di ba?

"Pumupunta kami sa functions, kumakain kami sa labas.

"Meron din naman akong ibang showbiz friends na nakaka-date ko."

Pero nililigawan ba niya si Issa?

Tugon ng Half-Sister actor, "Hindi pa po natin masasabi na ganun kasi bago pa lang kaming naging close.

"Hanggang ngayon ay single pa rin ako kaya ’di ko rin masasabi kung ano ang kapupuntahan ng closeness namin ni Issa.

"’Di ko rin talaga masasabi."



ABOUT BARBIE. Hindi kaya nasasaktan ang onscreen partner niyang si Barbie Forteza sa mga pangyayari?

Pagsisiguro naman ni Derrick, "A, hindi po.

"Hindi naman siya masasaktan kasi yung relationship naman namin is a working relationship."

Pero nali-link din sa kanya si Barbie romantically, on and off camera.

Paliwanag ni Derrick, "Pareho ko silang kaibigan, e.

"Wala naman ako siguro na karapatang mamili kasi magkaiba sila ng personality.

"And yung personality na yun ay may kanya-kanya kaming pagma-match sa isa’t isa.

"Minsan nagtatanong siya, pero kilala naman niya si Issa, e.

"Close naman sila, nag-uusap minsan ’pag nagkikita."

Wala naman daw selosan na nangyayari.

Nakangiting saad niya, "Wala naman kasi mga bata pa po kami.

"Wala pa sa isip namin yung mga pagmamahal na ganyan.

"Sa trabaho lang muna kami naka-focus.

"Siyempre, masarap isipin na pareho ko silang friend, ’di po ba?

"Siguro, ganun na lang muna, kasi wala naman kaming time.

"Focus muna talaga muna sa work, ayun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN