Gabby Eigenmann takes on late dad Mark Gil’s role as father to younger siblings

Gabby Eigenmann says sad feeling about the loss of their father, Mark Gil, won’t easily fade. "Pero pinag-usapan nga namin, always put God first para at least mas mapadali ang pagmu-move on natin. It’s not gonna be easy. But we should pray and ask for guidance."


Sa pagpanaw ng kanyang amang si Mark Gil, inaako na ni Gabby Eigenmann ang tungkulin bilang isang ama sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Ito raw ang napag-usapan ni Gabby at ng kapatid niya sa ama na si Sid Lucero.

Ayon kay Gabby, “Sabi ko nga, we’ll always support each other.

“We’ll always try to guide each and everyone kasi we draw strength from each other.

“When someone’s down, we don’t stay down, we try to lift them.

“Ngayon, may kanya-kanyang issues na dumarating sa buhay, sabi ko nga, kanya-kanya rin kaming way on how to move on, how to deal with it.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Gabby sa pocket press conference para sa nalalapit na pagtatapos ng afternoon soap na Dading, noong Biyernes, September 26.

Bukod kina Gabby at Sid, naulila rin ni Mark ang mga anak na sina Ira, Maxene, Andi, at Stephanie.

Kamakailan lang, nasubok daw ang kanilang pagiging “ama” sa kapatid nilang si Andi dahil sa napabalitang pakikipaghiwalay nito sa boyfriend na si Jake Ejercito.

Kasunod pa nito ay ang pagkaka-link ni Andi sa dating PBB Teens housemate na si Bret Jackson, na nanliligaw sa kanya.

Read: Andi Eigenmann reveals reason for breakup with Jake Ejercito; admits Bret Jackson is courting her

Bilang kuya, sabi ni Gabby, kainausap at binigyan niya ng payo si Andi.

Sabi ni Gabby, “Hindi naman mawawala ’yon bilang ako yung kuya, ako yung eldest.

"And not just o Andi or Maxene, even to Sid Lucero.

"Sabi ko [kay Sid], ’Hey, tayong dalawa na ang bahala rito, kasi dad’s not gonna be around anymore. Aside from being their brothers, we’ll be their father also.’

“Nag-usap naman kami [ni Andi], sana magkaroon ng resulta.

“I know it will. It’s just that I don’t wanna say that it’s her way of coping.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LIFE GOES ON. Sa ngayon, nagpapasalamat si Gabby na mayroon siyang trabaho dahil nagiging abala siya, na isang paraan niya para mag-move on sa pagkawala ng kanyang ama.

Sabi ng Kapuso actor, “May kanya-kanya tayong way of grieving, e.

“Like, sa bawat member ng family, may kanya-kanya tayong way para maka-move on.

“Most of us are in the business. It’s not what you call distraction. But at least, you keep yourself busy and you’re doing what you love.

“And what my dad love is to entertain people, so medyo ’yon ang nagda-drive sa amin to move on.

“At the end of the day, when I go home, nagtatawagan kami, malungkot, nakaka-miss.”

Dagdag pa niya, “I miss watching him on TV, too. Sabi ko nga, hindi na mawawala ’yon.

“I posted a picture of him, greeting him... I just look at his picture... It’s either I cry or I smile or I do both. I do it every day.”

Noong nakaraang linggo, nagsama-sama ang magkakapatid—maliban kay Ira na bumalik na sa Amerika—kasama ang iba pa nilang kapamilya sa Montemar, Bataan.

Dito ay ipinagdiwang nila ang ika-53 kaarawan sana ni Mark noong September 25.

Kuwento ni Gabby, “Ang gusto lang naman niya is just to celebrate his life.

"Kung puwede lang na overflowing ang alcohol, that’s what he loved, e.

“Sabi ko nga, ’Let’s just celebrate and have fun.’”

Hindi raw maiiwasan na makakaramdam pa rin sila ng kalungkutan.

Sabi ni Gabby, “We’ll always have our moments naman kapag tayo na lang mag-isa sa ating mga tahanan.

“Hindi naman mawawala ’yan.

"Pero pinag-usapan nga namin, always put God first para at least mas mapadali ang pagmu-move on natin.

“It’s not gonna be easy. But we should pray and ask for guidance.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN