Carl Guevara stands by his statement on past relationship with Kris Bernal

Carl Guevara on lesson learned from his relationship with Kris Bernal: “Siguro, para sa akin, kung magkakarelasyon ka sa isang tao, yung maaamin ka. Kasi ang hirap kasi yung pagiging sweet mo sa isang relasyon, ‘di mo nailalabas, ang hirap nun.”


Pinaninidigan ni Carl Guevara ang kanyang mga naging pahayag tungkol sa natapos na nilang relasyon ni Kris Bernal.

Ito ay sa kabila ng paglalabas ng hinaing ni Kris kaugnay ng pagsisiwalat ni Carl sa ilang detalye tungkol sa kanilang relasyon.

Read: Kris Bernal to ex-boyfriend Carl Guevara: "Alam mo yung totoo, alam mo yung nangyari, alam mo yung dahilan kung bakit nawala."

Saad ni Carl, “Sa akin, sinabi ko lang naman ang totoo.

“Halos lahat naman alam na, e.

“Sa akin kasi, two years talaga kami, kahit on and off, kasama naman sa relasyon yun.

“Wala namang relasyon na pulido, na ‘di nag-aaway.

“Sa akin naman, kahit sino, nakikita nila, e…

“Minsan nagmumukha na nga akong sinungaling.

“Hindi ko alam ang isasagot ko, hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Kung ma-hurt siya, sorry, yun lang totoo para sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carl sa pocket presscon na inihanda ng PPL Entertainment Inc. kanina, September 30, sa Kanin Club restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.



KRIS’S DENIAL. Inamin ni Carl na nasaktan siya sa pagde-deny sa kanya noon ng dating kasintahan.

“Sa akin, siyempre nakaka-hurt.

“Kahit nga iba kong mga kaibigan, nahe-hurt din para sa akin.

“Inintindi ko yun for two years, pero ngayong bandang huli na, ako naman ang dapat masunod.

“Ang sinabi niya sa akin, dahil sa career niya, sa management, sa loveteam niya.

“Nung pumasok ako, dun, itinatago ako.

“Pero siyempre, kahit paaano, masakit din sa akin.

“Nung time na yun, mahal ko siya, so siyempre lahat gagawin mo.”

Dagdag niya, “Hindi naman sa ‘di pinagmamalaki.

“’Pag nagpu-post siya sa Instagram niya, kasama niya ako, nagde-date kami, nakikita rin kami ng tao na kaming dalawa lang.”



WHO PAYS THE BILL? Ano naman ang reaksiyon ni Carl sa kumakalat na balitang si Kris daw ang madalas gumagastos ‘pag lumalabas sila noon at hirap siyang maglabas ng pera?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mariing tanggi niya, “Ay, hindi, hindi!

“Hindi sa sinasabi ko, ha, pero nung birthday niya, yung Singapore trip namin, regalo ko sa kanya yun.

“Kasama yung brother niya, pati yun sinagot ko.

“Yung sa Japan, kasama namin family niya, sinagot ko ang sarili ko.

“Trip ng family niya yun, isinama ako ng nanay niya.

“Most of the time, ako, kasi ako yung lalaki.

“Pero siyempre, minsan siya naman ang nagpiprisinta.”

Giit pa ni Carl, “Never ako nagpalibre sa kanya na sa akin galing, never akong humingi ng kahit ano sa kanya.

“Siya naman minsan ang kusang nagreregalo.

“Sakto lang, kasi sa akin, basta bigay ni Kris, okay lang.

“Nung Christmas, binigyan niya ako ng shades na Ray-Ban.

“Siguro parehas, pero siyempre ako ang lalaki, kaya mas ako ang gumagastos.”



NO RECONCILIATION. Bagamat may espesyal pa rin daw siyang nararamdaman para kay Kris, tanggap ni Carl na malabo na silang magkabalikan.

Saad niya, “Siyempre, kahit papaano, mayroon pa rin, pero naka-move on na rin ako.

“Three months na wala na kaming usap. Hindi ko pa nga siya nakikita uli.

“Simula nung nag-break kami, wala na talaga kaming usap.

“Tinanggap ko na kasi masyadong kumplikado.”

Pero bukas naman daw siyang maging magkaibigan silang muli.

“Open naman ako sa ganun. Friendship, okay sa akin.

“Siguro ‘pag tumatagal, kasi naging parte ng buhay ko si Kris.”

Ano ang aral na natutunan ni Carl sa nangyari sa kanila ni Kris?

Sagot niya, “Siguro, para sa akin, kung magkakarelasyon ka sa isang tao, yung maaamin ka.

“Kasi ang hirap kasi yung pagiging sweet mo sa isang relasyon, ‘di mo nailalabas, ang hirap nun.”

Parehong sa breakup nauwi ang relasyon niya kina Daiana Menezes at Kris Bernal. Hindi kaya naiisip ni Carl na mas maganda kung non-showbiz na lang ang susunod niyang makarelasyon?

Sagot niya, “Minsan naiisip ko non-showbiz para mas tahimik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pag showbiz kasi maraming restrictions, maraming bawal.”

May bago na ba siyang idini-date?

“Wala, wala pa rin. Kahit ka-text, wala.

“Sa akin kasi, hindi ganun kadali na porke’t nag-break, para makalimutan mo, hahanap ka ng liligawan.”

Handa na ba siyang magmahal uli?

“Wala pang plano,” sambit niya.



BLOOMING CAREER. Hindi man suwerte sa lovelife, hataw naman sa kanyang career ngayon si Carl.

Sunud-sunod ang mga proyektong pinagkakaabalahan niya sa TV5 at paminsan-minsan ay lumalabas din siya sa GMA Network.

Wattpad, Trenderas, ‘tapos magiging regular din ako sa Lokomoko

“Masaya, masaya ako sa ibinibigay sa akin ng TV5, sunud-sunod, tatlo agad yung shows.

“Wala akong contract sa TV5, siguro depende sa manager ko.

“Kung ano ang gusto ni Perry [Lansigan], kung saan niya ako papa-sign-in ng contract, yun ang gagawin.

“’Tapos minsan nagge-guest pa rin ako sa GMA, minsan sa Maynila, Wagas, ‘tapos yung mga game shows.

“Okay naman sa akin na walang contract para nakakaikot ako sa ibang istasyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN