Sylvia Sanchez to take a break from soaps after Be Careful With My Heart

In three months that she will be away, Sylvia Sanchez will make up for lost time with the baby of the family, Xavi. Travel is also part of the family in December. She also vows to lose weight so she’ll look good when she’s ready to go back to work.


Titigil muna sa paggawa ng teleserye ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez.

Personal ang dahilan ni Sylvia na ibinahagi niya sa Happy Ever After ending presscon ng morning drama series nilang Be Careful With My Heart sa ABS-CBN last week.

Paliwanag ni Sylvia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Gusto kong magpahinga for three months.

“December kasi magbabakasyon kami.

"Since November 28 naman ‘to matapos, I’m sure ang taping niyan, mga hanggang 26, 27.

"’Tapos mga January, mag-a-abroad kami, pamilya.

"Kasi tuwing December, umaalis kami.

“Magdya-Japan kami sa December. Ten days, mga ganoon, bandang New Year."

Dagdag niya, “Sa January, gusto ko munang magpahinga.

"Ibig kong sabihin, ‘wag muna mag-soap.

"Kasi for two years and a half, soap ako, ’tapos nag-pelikula.

“So, dumating ako sa point na na-miss ko yung mga anak ko, lalo na si Xavi, four years old, ang bilis lumaki.

"Na-miss ko‘yun kaya gusto kong i-enjoy.

“Ngayon, si Arjo, si Ria, may sarili nang mundo. Hindi na nagpapaalam, nagsasabi na lang, ‘Aalis na ako,’ yung ganoon.”

Apat ang anak ni Sylvia at ng mister niyang si Art Atayde—sina Arjo, na isa sa mga bida ng drama series na Pure Love, Ria, Gela, at bunsong si Xavi.

"Si Xavi na lang ang bata. Na-learn ko ‘yan ngayon kay Arjo na habang bata, i-enjoy mo."

Mag-aartista na rin ba si Ria?

“Nag-go-see na siya, nagsusubok na siya. Nag-i-start na siya.

“Kung saan siya matanggap, di okey,” sabi ni Sylvia.



SLIM, NEW LOOK. Sobrang nag-enjoy si Sylvia sa Be Careful With My Heart, kaya lang, stressful daw talaga ang araw-araw nilang taping bukod sa physically draining ito.

"Yung katawan ko, gusto ko muna ipahinga para pagbalik ko, fresh ulit.

"Ayoko namang mag-jump ulit ng panibagong show na pareho ng mukha, pareho kataba.

"Gusto ko pagbalik ko, medyo may kapayatan, iba naman ang style ng buhok.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pataba raw siya nang pataba, "Ayoko noon, ‘no!

"Pero siyempre, kung halimbawa MMK [Maalaala Mo Kaya] or Wansapanataym, yung mga ganoon, oo.

“Ibig kong sabihin, pahinga lang ako sa paggawa ng soap, yung regular taping.

"Kasi sa ngayon, ano’ng maio-offer kong bago na maigsi ang buhok ko ’tapos ganito ang katawan ko? ‘Di ba, wala?

"So, three months yun.

"And at the same time, gusto kong i-enjoy ang pamilya ko muna.”

Kaya ba niyang pumayat in three months?

“Kaya ko yun kapag seseryosohin, pumapayat naman ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN