Andrea Torres flattered to be compared to KC Concepcion

Hindi raw naisip ni Andrea Torres na kinaiinggitan siya ng kapwa niya Kapuso stars dahil sa pagpapahalagang ibinibigay sa kanya ng GMA management.


Hindi raw nararamdaman ni Andrea Torres na kinaiinggitan siya ng kapwa niya Kapuso artists dahil sa pagpapahalagang ipinapakita sa kanya ng GMA Network.

“Wala naman akong napi-feel kasi, in fairness naman po sa GMA, lahat friendly, love love love lang, sabi nga nila.

"So, magaan naman kasama lahat ’tsaka nagtutulungan lahat.

"May mga nakilala na rin ako na naging close friends ko na."

Sa grand launch ng pinagbibidahang afternoon soap ni Andrea na Ang Lihim Ni Annasandra kagabi, October 1, isang bonggang stage set-up at production number ang inihanda para sa mga dumalong miyembro ng press.

Ayon sa mga press na um-attend ng launch, first time daw itong ginawa ng GMA management para sa isang afternoon show ng network.

Sabi ni Andrea tungkol dito, “Nagulat nga po ako, e.

"Kasi yung mga dati kong ginawang soap, hindi ganito yung presscon, iba, iba siya.

"Pero ang sarap lang pakinggan na from the press na, para sa kanila, ibang level yung show.

“Siyempre po, very grateful.

"Ako naman, everytime na may chance ako na mag-thank you sa mga tao, mag-thank you sa Panginoon sa lahat ng blessings ay ginagawa ko.

"So, worth it lahat ng pagod, worth it lahat ng hirap, worth it din lahat ng years na hinintay ko for this.

"So, ano talaga, ’pag may pasensiya ka, may makukuha kang reward talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa grand launch ng Ang Lihim ni Annasandra kagabi, sa Area 05 events place, sa Tomas Morato, Quezon City.

Sa October 6 na mapapanood ang afternoon soap na ito, kung saan gumaganap si Andrea bilang isang “awok” o aswang.

Makaka-love triangle ng 24-year-old actress sina Mikael Daez at Pancho Magno.

Read: Andrea Torres and Mikael Daez paired anew in Ang Lihim ni Annasandra



CRIS VILLONCO. Kasama rin sa cast ang singer-theater actress na si Cris Villonco, na first time lalabas sa isang teleserye. Gaganap siyang kontrabida sa pagmamahalan nina Andrea at Mikael sa istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa trailer pa lang, kitang-kita na ang kamalditahan ni Cris.

Read: Cris Villonco works on her first teleserye via Ang Lihim ni Annasandra

Sabi ni Andrea tungkol sa kanyang co-star, “Nakakadala siya ‘pag in character na siya.

"’Pag siya si Cris, sobrang bait ni Cris.

"Pero ‘pag in character na siya, nadadala na ako, natatakot talaga ako sa kanya, naiiyak…

"Minsan may mga scenes na hindi naman ako dapat umiyak, pero naiiyak na ako kasi ang sungit-sungit niya.

“Nakakatuwa, at saka ang galing-galing ni Cris. Ang galing-galing niya!”

FLATTERED. Marami naman daw ang nagsasabing may pagkakahawig si Andrea sa Kapamilya actress-TV host na si KC Concepcion.

Saad niya, “Meron po mga nagsasabi.

“Siyempre nakaka-flatter po kasi isa yun sa mga tinitingala ko naman talaga sa showbiz.

"So, nakaka-flatter po kapag sinasabi nila yun. Happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN