Richard Gomez on The Naked Truth controversy: "Sana huwag na nating palakihin."

Richard Gomez on critics of Coco Martin’s segment in The Naked Truth: "Yung mga lumalabas na isyu, ’eto, this is my opinion, alam naman natin na malapit na ang eleksiyon. So, yung mga party-list group, sila yung maiingay, sila yung mga naghahanap ng issue. Ganun lang kasimple yun."


Si Richard Gomez ang kauna-unahang celebrity endorser ng local clothing brand na Bench.

Hindi rin nawawala ang aktor kapag nagdaraos ng denim and underwear fashion show ang nasabing brand, na pag-aari ni Ben Chan, kada dalawang taon.

Ngunit ngayong taon ay hindi rumampa si Richard, bagamat nanood pa rin siya nang itanghal ang The Naked Truth sa Mall of Asia Arena, noong September 20.

Sa nakaraang fashion show ng Bench ay lumikha ng kontrobersiya ang pagrampa ni Coco Martin, kung saan may hawak siyang lubid na nakatali sa leeg ng isang foreigner female model.

Binatikos ito ng ilang grupo ng kababaihan, partikular na ang Gabriela at ang Philippine Commission on Women, dahil nakakababa raw ito ng dignidad ng mga babae.

Read: Coco Martin apologizes for offensive circus act in The Naked Truth

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kay Richard sa presscon ng pelikulang The Janitor kahapon, October 1, sa Dolce Latte restaurant, hiningi ang opinyon niya sa kontrobersiyang nilikha ng pagrampa ni Coco.

Saad ng aktor, “Well, Bench fashion show is a show.

“Wala namang totoo dun kung hindi yung mga taong naglalakad. Lahat ito ay kathang-isip.

“Yung mga lumalabas na isyu, ‘eto, this is my opinion, alam naman natin na malapit na ang election.

“So, yung mga party-list group, sila ang maiingay na naghahanap ng isyu.

“Ganoon lang kasimple yun.”



NOT A BIG ISSUE. Tinanong ng PEP si Richard kung nagkaroon ba siya ng discomfort habang pinanonood ang naturang segment ni Coco sa The Naked Truth.

Sagot niya, “Wala.

“E, paano kung yung lalaki ang itinali natin? Meron bang rightist group para sa mga lalaki?”

Diin pa ni Richard, “It’s a show. It’s a circus, it’s a movie, ‘di ba?”

Hindi dapat palakihin?

“Oo, huwag na nating pansinin.

“At sana, ito na ang maging end ng issue na yun, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bench is a very good brand. Bench is very helpful to a lot of people.

“Bench is one of the biggest in the fashion industry. Bench is doing this for us.”

Noong Martes, September 30, ay nagpatawag ng presscon ang kampo ni Coco at dito ay binasa ang official statement ng aktor kung saan siya humingi ng paumanhin.

Sa palagay niya, dapat bang humingi ng paumanhin si Coco?

Sagot ni Richard, “Dapat hindi siya mag-sorry. Walang dapat mag-sorry.

“Maraming importanteng bagay na dapat nating bigyan ng focus.

“‘Eto, ine-entertain nila tayo. Ipinapakita nila na ano ba ang fashion for this coming season.”

Kung nagkataong rumampa siya sa The Naked Truth at sa kanya ipinagawa ang naturang segment, gagawin niya?

“Gagawin ko rin,” mabilis niyang sagot.

May ilang komento naman na kaya raw naging ganoon ang konsepto ng fashion show ngayong taon ay dahil foreigner ang nagdirek nito.

Sabi naman ni Richard, “Well, it is a show.

“Palagi namang may foreign, technical group involved kapag gumagawa ang Bench.

“Para sa akin, tigilan na natin ‘to, huwag na nating palakihin.

“Unless, gusto niyo pang pasikatin ang Bench.

“But, other than that, kung naghahanap lang tayo ng way para pasikatin ang mga party group na maingay, huwag na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN