Dennis Trillo flattered by positive feedback on his Naked Truth appearance

Dennis Trillo on walking the ramp in his undies for the first time: “Natutuwa ako at finally nangyari yun, tapos na. Kasi dati, hindi ko ma-imagine ang sarili ko na gagawin yun in front of daan-daang mga tao. Pero salamat na lang at nangyari yun, mas naging kampante ako, mas nagkaroon ako ng konting confidence. Kaya ko naman palang gawin yun.”


Kabilang si Dennis Trillo sa mga artistang rumampa sa The Naked Truth, denim and underwear fashion show ng Bench, noong September 20 sa Mall of Asia Arena.

Kaya naman hindi maiwasang kunin ang kanyang opinyon kaugnay ng isyu tungkol sa kontrobersiyal na pagrampa ni Coco Martin na may hila-hilang babae na tila isang alagang hayop.

Sa naturang segment ay gumanap si Coco na isang circus master at ang foreign model naman ay gumanap bilang isang pusa.

Binatikos ng ilang women’s group, kabilang na ang Gabriela at ang Philippine Commission on Women, ang nasabing tagpo.

Read: Coco Martin apologizes for offensive circus act in The Naked Truth

Sabi ni Dennis tungkol sa isyung ito, “Well, I’m sure lahat naman yun ginawa for the sake of art.

“Wala naman sigurong may gusto na ipakitang masama o i-degrade ang kababaihan.

“Gayunpaman, sobrang proud pa rin ako at nakasama ako sa show na yun.

“First time kong gawin yun sa buong career ko. Salamat sa Bench.

“And I’m sure wala naman silang intensiyon sa ipinakita nilang display sa mga models o sa mga artista na rumampa doon.”

Ibig sabihin, sinusuportahan niya ang Bench sa isyung ito?

“Of course, of course,” mabilis niyang sagot.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa press conference ng pelikula niyang The Janitor kahapon, October 1, sa Dolce Latte restaurant, sa may Quezon City.



ONLY THE START. Sa The Naked Truth ay rumampa si Dennis nang naka-underwear lamang, na unang beses niyang ginawa sa buong career niya.

Naitanong ng PEP kung willing ba siyang magpa-sexy ulit sa susunod na Bench fashion show.

Tugon ng Kapuso hunk, “Yun pa lang ang first time kong ginawa, e.

“So, sa palagay ko, yun pa lang ang simula.

“Ayoko namang maging first and last ko yun.”

Ano ang pakiramdam sa unang pagrampa niya na naka-brief lamang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Dennis, “Natutuwa ako at finally nangyari yun, tapos na.

“Kasi dati, hindi ko ma-imagine ang sarili ko na gagawin yun in front of daan-daang mga tao.

“Pero salamat na lang at nangyari yun, mas naging kampante ako, mas nagkaroon ako ng konting confidence.

“Kaya ko naman palang gawin yun.”



HOT ITEM ON THE NET. Kasama ni Dennis na rumampa sa The Naked Truth ang kaibigan at “leading man” niya sa hit primetime series ng GMA na My Husband’s Lover na si Tom Rodriguez.

Sabi ni Dennis, “Oo nga e. Masaya kaming pareho, lalo si Tom excited siya.

“Hindi nga niya alam yung mga pinaggagawa niya [sa show].”

Pagkatapos ng fashion show ay bumalandra sa ibang websites at blogsites ang mga larawan nina Dennis at Tom habang rumarampa.

Flattering ba na pinagpipiyestahan ng marami ang sexy photos nila?

“Nakaka-flatter naman,” sagot ni Dennis.

“Medyo awkward lang, pero nakaka-flatter pa rin, in a way.

“Nakakatuwa pa rin dahil napapansin nila yung pinaghirapan namin.

“Dahil para ma-achieve mo yung ganung physique, kailangan maghirap ka, magpagod ka sa workout, ipagpawis mo, diet.

“Kaya nakakatuwa na yung mga tao, na-appreciate nila lahat yung mga pinaghirapan mo.”

May mga nagsasabi namang totoo ang “bukol” niya, samantalang kay Tom ay may padding. Ano ang reaksiyon ni Dennis dito?

Nakangiti niyang sagot, “Hindi ko napansin, e.

“Kasi nakatingin lang ako sa kanya, e. Iniiwasan naming magtinginan [sa baba] kaya diretso lang ang tinginan namin.”

Kaya niya bang magbaba ng underwear gaya ng ginawa ni Tom, kung saan halos malantad na ang kanyang kaselanan?

“Yung ganung kababa? Magsi-shave muna ako!” natatawang sagot ni Dennis.

Kapag may isang magandang offer sa pelikula o anumang acting project, payag ba siyang magpaka-daring at magpakita ng kanyang behind?

Sagot ni Dennis, “Kung sa movie, open na rin siguro dahil nagawa na rin naman, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung naaayon naman sa eksena at dapat gawin, bakit hindi?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN