James Reid confirms Andi Eigenmann and Bret Jackson are dating; shrugs off Cosmo Bachelor Bash fall

James Reid reveals that it was through him that Andi Eigenmann and Bret Jackson met and eventually became friends. James also confirms the two are now dating.


“I’m over it,” nakangiting sabi ni James Reid nang matanong tungkol sa pagkakahulog niya habang nagpe-perform sa Cosmo Bachelor Bash 2014 noong September 24 sa World Trade Center.

Read: James Reid falls down during Cosmo Bachelor Bash; Tower 69 hunks tease with sexy antics

Nagpasalamat naman si James sa kanyang fans dahil hindi siya pinabayaan ng mga ito nang maganap ang aksidente.

“I have to thank the fans, especially JaDine, Carebears,” pagtukoy niya sa fans clubs ng kanilang loveteam ni Nadine Lustre.

“They were so supportive. After I stood up, they applauded for me.

"That gave me the strength to continue the show."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment), reporters, at bloggers si James kagabi, October 2, sa event ng Smart pre-paid, kung saan endorsers sila ni Nadine.

Aniya, nag-alala raw si Nadine nang malaman nito ang nangyari sa kanya.

Nasa taping daw kasi noon si Nadine sa kanilang ongoing TV series sa ABS-CBN, ang Wansapanataym Presents: My App Boyfie.

“She was so worried. Everyone was actually worried, [but] the fall, it wasn’t bad as it looked. No broken bones, nothing,” paniniguro pa ng Fil-Aussie heartthrob.

Dahil din sa nangyaring aksidente ay pinag-usapan lalo si James.

ON BRET AND ANDI. Samantala, inusisa rin ng PEP si James tungkol sa isa pang agaw-eksena na nangyari noong Cosmo Bachelor Bash.

Doon unang namataan na magkasama si Andi Eigenmann at ang best friend ni James na si Bret Jackson.

Nagkakilala at nabuo ang pagkakaibigan nina James at Bret nang pareho silang maging housemates sa Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010, kung saan si James ang itinanghal na Big Winner.

Ibinunyag naman ni James na siya ang naging daan upang magkakilala sina Bret at Andi.

“Andi and Bret met through me and they became close friends. And because they’re close, me and Andi became close,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito rin daw ang dahilan kung bakit napagkamalan sila kamakailan ni Andi na nagdi-date matapos lumabas ang isang larawan na magkasama sila habang nakalublob sa swimming pool.

Nang tanungin ng PEP kung nagdi-date nga ang dalawa, mabilis na sagot ni James: “They are.”

Sabi pa niya, “We went out of town, short holiday.

"That’s why I had that photo of us swimming.

"But it’s them who are dating.

“They are really great together.

"Andi’s such a great girl."

Boto ba siya kay Andi para sa kanyang kaibigang si Bret?

“It’s more, like, I like Andi for Bret because Bret is my best friend.

“Andi is an amazing girl.

"She’s so funny and I can see that he really likes her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN