John Lloyd Cruz thankful to have worked with "classic" actors

John Lloyd Cruz on working with different directors: “Natutuwa ako kasi nakaranas ako ng ibang experience. Kasi, yun naman ang palagi kong hinahangad, parang iba naman. Kasi, the moment na maging complacent ka, yun na ang dulo mo.”


Kung si Dennis Trillo ay may “kaba” nang makasama sa pelikula si Richard Gomez, sa parte naman ni John Lloyd Cruz ay hindi na masasabing bago sa kanya na makasama ang aktor sa isang proyekto.

Sina Dennis at Richard ay magkasama sa pelikulang The Janitor, habang sina John Lloyd at Goma ay co-stars naman sa The Trial.

Magkasunod na araw ginanap ang presscon ng dalawang pelikula; noong October 1 ang The Janitor at kagabi, October 2, naman ang The Trial.

Sa presscon ng The Trial, tinanong si John Lloyd kung kagaya ba ni Dennis ay nakaramdam din siya ng kaba sa mga unang eksena nila ni Richard.

Sabi ng Kapamilya actor, “Sorry kay Dennis, pero suwerte ako, kasi bata pa lang ako, nakatrabaho ko na si Goma."

Ayon kay John Lloyd, una silang nagkasama ni Richard sa defunct sitcom ng ABS-CBN na Palibhasa Lalake.

“So, ayun, napakasuwerte ko na nakaabot pa ako sa generation ng mga talagang tinitingalang artista noong generation na yun.

“Sila talaga yung mga classic… mali yung classic, ‘no!” natawang pagtatama ni John Lloyd sa sarili.

“Ang ibig kong sabihin, napakasuwerte ko na inabot ko pa ang mga artistang katulad nila.

“With the likes of… hindi sila Kuya Goma, hindi mo ka-batch ‘to, pero naabutan ko pa sila Tatay Johnny [Delgado].

“Napakasuwerte ko na naabutan ko pa ang katulad nila.

“Unfortunately, yung mga director na gusto kong makatrabaho, hindi na siguro posible ngayon.”



CHITO ROÑO. Kumusta katrabaho ang direktor nila sa The Trial na si Chito Roño?

Saad ni John Lloyd, “Ibang-iba talaga.

“I’m sure, masasabi niyo ang pagkakaiba ng style ni Direk Chito mula kina Inang [Olive Lamasan], Direk Cathy [Garcia-Molina], yung mga iba ko pang director na nakakatrabaho.

“Natutuwa ako kasi nakaranas ako ng ibang experience.

“Kasi, yun naman ang palagi kong hinahangad, parang iba naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, the moment na maging complacent ka, yun na ang dulo mo.”

Patuloy niya, “Si Direk Chito, ibang-iba siyang director.

“I wouldn’t say he’s an actor’s director, ‘di ba?

“Pero alam niya ang gusto niya at importante na alam mo ang pinupuntahan ng ginagawa niyo.

“And ibig sabihin nun, ibang klaseng proseso ang madi-discover mo sa sarili mo na, ‘Puwede pala ‘to? Kaya ko pala ‘to?’”

DRAMA FILM. Sa mga nakaraang taon, mas maraming romantic-comedy movies na nagawa si John Lloyd kumpara sa serious o heavy drama.

Sabi ng 31-year-old actor, “Nakakagawa rin tayo ng mga pelikula, like Dubai [2005]…

"When I did In My Life [2009], The Mistress [2012], natutuwa ako na ang Star Cinema, sa kanilang pag-aalaga sa filmography, natutuwa ako na every once in a while, may sumusulpot na ganitong pagkakataon.

“In effect, parang it keeps you hungry, kasi we want to be able to deliver something new all the time.

“So, kung pare-pareho yung gagawin mo… but I’m not saying kung pare-pareho yung ginawa kong rom-com.

“Actually, ang challenge din dun, kung paano mo pag-iiba-ibahin dahil ilang babae na rin ang sinabihan ko na mahal ko sila, so yun talaga ang mahirap.

"Yung tinatawag nilang look of love, kung paano mo pag-iiba-ibahin.

“I’m very happy that with opportunity like this one, nagsi-circuit pa rin, lumalabas pa rin.

“So, ayun, I’m very happy sa kinalabasan and I’m very excited na makita siya, kasi hindi ko pa siya napapanood.”



MENTALLY-CHALLENGED. Ang karakter ni John Lloyd sa The Trial ay isang 27-year-old mentally-challenged man.

Naakusahan siyang nang-rape ng kanyang grade school teacher na ginagampanan ni Jessy Mendiola.

Ilang Kapamilya actors na rin ang gumanap sa papel ng isang mentally-challenged; kabilang sina Gerald Anderson (Budoy) at Piolo Pascual (24/7 In Love).

Ayon kay John Lloyd, napanood niya ang pagganap nina Gerald at Piolo sa mga nasabing proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang tanong, ginawa ba niyang peg ang mga ito o iniwasan niyang gayahin?

Saad ni John Lloyd, “Napanood ko ang mga yun, isa dun [24/7 In Love], naging parte ako.

“Pero alam mo, sa pag-iingat mo, kailangan mong iwasan ang mga ganyan.

“Ayaw mong ma-corrupt ang focus mo.

“Ayaw mong ma-corrupt yung ini-invest mo na oras, na research at pagbibigay ng oras at pagkatao dun sa character.

“Ayaw mong mabahiran ng pagkatao ng iba o ng character ng iba.

“I think, I made a conscious effort na huwag makita.”

ADMIRATION FROM OTHER STARS. Ang ibang co-stars naman ni John Lloyd sa pelikula, gaya nina Jessy Mendiola at Gretchen Barretto, ay hindi itinago ang kanilang paghanga sa kanya.

Si Jessy nga, nasa bucket list daw niya talaga na makatrabaho si John Lloyd, at masaya siyang natupad na ito.

Ano naman ang reaksiyon dito ng aktor?

“Para nga akong umaangat dito!” natawa niyang sabi.

“As an actor, you always try. You try really hard to give what expected of you.

"And sa akin kasi, parang hindi na nga ganun. Parang hindi na nanggagaling sa ibang tao.

"Yun ang inaasahan ko sa sarili ko because ito lang ang meron ako.

“Might as well, bigay mo na, todo mo na and alagaan mo nang mabuti.

"And, yeah, I’m beginning to realize na parang meron pala siyang epekto sa mga nakakatrabaho mo.

"Ganoon pala siyang parang nakakaapekto sa mga nakakasalamuha mo sa industriya.

“After kong marinig sa magagandang babaeng ito, mga talented na babaeng ito, parang ano pa... it made my day.

"Salamat, salamat talaga."



THE BIGGEST TRIAL. Dahil The Trial ang title ng pelikula nila, tinanong ang cast kung ano ang pinakamatinding trial na dumating sa buhay nila.

Para kay John Lloyd, “Siguro ako, during my early years in the business.

“Naranasan ko yung apat na shows, sabay-sabay. Sabay-sabay rin yung apat, nawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At that time, talagang sabi ko, ‘Tama ba ‘to?’ Talagang ginive-up ko ang pag-aaral ko.

“At that time, talagang ang artista noon, baduy, unlike ngayon. Noon, ‘Ang baduy mo, pinsan!’

“Talagang yung pinagdaanan ko noon, matinding trials yun.

“Lahat nawala. Hindi mo alam kung saan papunta yung pinasok mo.

“But I’m glad na nag-stay ako and I’m here.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN