Pancho Magno says he’d rather do kissing scene with another actor than do nude scene

Pancho Magno is starting to make a name for himself despite his connection. His mother is Redgie Acuña-Magno, Vice President for Drama of GMA Network. Pancho says, "Nakakatuwa na may mga tao na naa-appreciate yung ginagawa ko and hindi alam na mom ko si Mommy."


Kaarawan ni Pancho Magno kahapon, October 2.

Dinner lang daw with the family ang kanyang celebration.

Hindi ba kasama sa selebrasyon ang napapabalitang pinakamalapit na babae sa kanya ngayon—si Max Collins?

“Hindi po, e. Sana magkita, pero busy, sobra, e,” sagot ng Kapuso hunk.

Close pa rin ba sila ni Max?

“Oo naman, friends naman po kami, wala namang...

“Actually may plano ako, after ng dinner [with the family].

"Hindi lang siya, may mga friends din na kasama—sister ko at mga kaibigan, basta mga kaibigan ko rin sa showbiz.”

Ano ang birthday wish ni Pancho?

“Siyempre more blessings to come, and ang family ko, always healthy lang sila lahat.

“My mom, my brother, father, sister ko. As in good health lang forever.”

Para sa sarili niya?

“More blessings and I really hope na makapag-save ako for my future kasi malapit na akong mag-thirty.”

Twenty-seven na si Pancho ngayon. Anong edad niya planong mag-asawa?

“Siguro mga thirty plus na. Thirty-one, thirty-two.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pancho sa grand presscon ng bagong afternoon series ng GMA, Ang Lihim Ni Annasandra, noong October 1, sa Area 05 Bar, sa Tomas Morato, Quezon City.



BENCH SHOW. Isa si Pancho sa rumampa sa The Naked Truth, ang denim and underwear fashion show ng Bench.

Ano ang nararamdaman niyang may bumabatikos sa ginanap na underwear show?

Ayon kay Pancho, “Sobrang proud lang ako kay Mr. Ben Chan [Bench owner] na natuloy pa despite of the weather.

"Kasi, grabe, dahil malapit kami sa bay area, mas malakas yung hangin, e.

“So, iniiisip din namin, ‘Matutuloy kaya ito?’

“Then, alam mo yun, na parang nagawa na mas maayos.

"Kulang na artists kasi may mga commitment na the following day, may kulang na models.

"Pero sayang yung preparation, e.

"Nakaka-proud lang na na-deliver namin.”

Natawa naman si Pancho na kasama siya sa lumabas sa isang listahan ng "Top 12 bulges" sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatawa lang! Sister ko pa yung nag-forward sa akin. Sabi niya, ‘Kuya, alam mo ba yung ganyan-ganyan?’”

Flattered ba siya kapag isa iyon sa napapansin sa kanya?

“I don’t know... hindi ko alam.

“Nahihiya ako, minsan nahihiya ako.”




NO TO NUDITY. Halos apat na taon na showbiz si Pancho, at masasabing nakawala na siya sa anino ng kanyang ina—ang GMA vice president for Drama na si Redgie Acuña-Magno.

Napatunayan ni Pancho na kaya niyang gumawa ng pangalan bilang isang artista sa sarili niyang pagsisikap.

Aniya, "Yung sa acting kasi, pinaka sa akin na nae-excite ako, yung mga roles na hindi ko akalaing magagawa ko, e.

“Never po kasi akong namili ng role… ‘Ito, kontrabida ka rito, nagdi-disguise ka, ganyan, killer ka.’

“Parang, ‘Paano ko ito ide-deliver; ano ang mangyayari?’

“So, nakakatuwa na may mga tao na naa-appreciate yung ginagawa ko and hindi alam na mom ko si Mommy.”

Hindi pa nakaganap sa isang gay role si Pancho. Papayag ba siya kung sakaling alukin siya ng isang gay role?

“Depende po sa role, e.”

Kung may kissing scene sa kapwa niya artistang lalaki?

“Ang ganda po sigurong part yun ng resumé mo as an actor.

“Hindi ko ho masasabi, pero siguro mas papayag ako dun compared sa nudity.

"Para sa akin, nakakatawa, pero mas…

“Siguro depende po sa script, pero hindi naman po, like, talagang torrid.”



FIRST TIME. Sa trailer ng Ang Lihim Ni Annasandra ay may mga eksenang naka-topless si Pancho.

Gumaganap siya dito bilang si Enrico, isang kargador sa palengke na may lihim na pagtingin kay Annasandra (Andrea Torres).

Sabi ni Pancho tungkol sa kanyang role, “First time ko nga lang na mahirap ang role.

“First time ko po may love triangle na loveteam.

“Lagi po akong best friend at maykaya na role, so may mga lines ako na English.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Andrea at Mikael Daez, na gumaganap naman bilang si William Benitez, ang tinutukoy ni Pancho na "love triangle."

Wala pa naman daw siyang nararanasang pamba-bash ng fans dahil siya ang karibal ni Mikael kay Andrea sa teleserye. At handa naman daw siya kung sakali.

“Sabi nila, ’pag bina-bash ka as your character, naging effective ka.

“In a way po, dahil dito, yung transition niya [Enrico] from good to evil... not so evil… for love naman.

"And maganda yung script and si Direk [Albert Langitan], ang ganda nung approach niya."

Kaibigan din daw niya sina Andrea at Mikael.

“Kaya mas madali po naming nagagawa yung mga eksena namin, lalo na kami ni Andrea.

"Kami ni Mikael, wala pa kaming scene, pero napag-uusapan namin, ‘O, ’eto, may eksena tayo sa week na ganyan. Ayusin natin, na gawin nating parang totoo.’

“Alam mo yun, mas comfortable ka to work na kakilala mo matagal na compared sa hindi mo pa kakilala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN