Bea Alonzo not jumping on engagament bandwagon this year

Susulitin muna raw ni Bea Alonzo ang kanyang pagiging dalaga bago lumagay sa tahimik. Paliwanag niya, “Siyempre, ‘pag nagkaasawa na kayo, isa na lang kayo, ‘di ba? So, ang mga desisyon na gagawin mo, hindi na lang pansarili mo, kundi para sa isang tao pa at sa maraming taong gagawin niyo pa. Kaya, sa ngayon nga, gusto ko munang i-enjoy ang fruits of my labor. Ngayon lang ako nakakapag-travel. Ngayon ko lang naibibigay ang para sa mga magulang at kapatid ko.


Hindi pa raw handa si Bea Alonzo na lumagay sa tahimik kagaya ng mga kapwa niya aktres na sina Marian Rivera, Heart Evangelista, at Isabel Oli na pawang engaged-to-be-married na—si Marian kay Dingdong Dantes, si Heart kay Senator Chiz Escudero, at si Isabel kay John Prats.

Idinaan na nga lang ni Bea sa biro ang sagot niya sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters kung kailan naman nila balak magpakasal ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo.

Dalawang taon na ang relasyon nina Bea at Zanjoe.

Pabirong sabi ng Kapamilya actress, “Bukas... bukas na, nag-propose na ako kagabi!”

Pero seryosong dugtong niya, “Hindi... twenty-six pa lang ako, magtu-twenty-seven pa lang this month, I ’m still young.

“Siya [Zanjoe], thirty-two pa lang siya.

“Ang dami pa naming gustong gawin sa buhay.

“Siyempre, kailangan pa naming mag-ipon kasi hindi biro ang next chapter na ‘yan.”

Nakausap ng PEP ang tinaguriang "New Movie Queen" sa thanskgiving presscon ng teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, na magwawakas na sa October 10.

Ginanap ang presscon kahapon, October 2, sa ABS-CBN.



HAPPY FOR ENGAGED COLLEAGUES. Masaya raw si Bea sa balitang ikakasal na ang ilan sa mga kapwa niya aktres at malaki rin ang epekto nito sa kanya.

Sabi niya, “Ako kasi, hopeless romantic ako at gusto kong nanonood ng mga ganyan.

“Kaya lang, hayaan na lang muna natin sa kanila ang moment na ’yan, ‘di ba?

"Kung sino ang brides-to-be this year, hayaan muna natin sila. Ako, sa susunod na.

“Hindi naman next year… sa susunod na kabanata!” muli niyang pagbibiro.

Hindi ba sila nagbibiruan ni Zanjoe kung kailan naman sila susunod?

Tugon ni Bea, “Wala naman… wala naman.

“Yung mga kantiyaw lang na, ‘Oy, kung magpu-propose ka, ‘wag this year, kasi marami na sila.’

“Puro ganun lang na kasi we’re very comfortable na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi yung lagi naming pinag-uusapan. Yung, ‘O, ilang anak?’ Hindi ganun.

“Ini-enjoy namin kung ano meron kami ngayon, kasi hindi mo na ito mababalikan ‘pag nag-asawa kami.”



PART OF BEA’S PLAN. Kapag ikinasal na raw sila, marami na ang magbabago sa takbo ng kanilang buhay.

Saad ni Bea, “Kasi, ‘di ba, ‘pag nag-asawa ka na, siyempre asawa mo na ang iintindihin mo at ang magiging anak niyo.

“E, sa ngayon, ang dami ko pang gustong gawin.

“Gusto kong mag-travel, ang dami ko pang gustong ibigay sa magulang ko, ang dami ko pang gustong ipundar.

“Siyempre, ‘pag nagkaasawa na kayo, isa na lang kayo, ‘di ba?

“So, ang mga desisyon na gagawin mo, hindi na lang pansarili mo, kundi para sa isang tao pa at sa maraming taong gagawin niyo pa.”

Patuloy niya, “Kaya, sa ngayon nga, gusto ko munang i-enjoy ang fruits of my labor.

“Ngayon lang ako nakakapag-travel. Ngayon ko lang naibibigay ang para sa mga magulang at kapatid ko.

“Heto ang priorities ko ngayon.”

Ngunit hindi naman ipinagkaila ni Bea na bahagi si Zanjoe sa mga plano niya sa buhay.

“Siyempre, ‘pag nangangarap ako, siya yung mukha na gusto kong mapangasawa ko.

“At saka, si Zanjoe, hindi rin siya nagmamadali.

“Ang dami pa rin niyang gustong gawin sa life niya.

“Feeling ko, ang pinakaimportante dun ay ang mag-ipon.

“Kahit naman siguro sa mga pamangkin niyo, yun ang sasabihin niyo, ‘di ba?”

Talagang gusto niyang si Zanjoe na ang makatuluyan niya?

Sagot ni Bea, “Siyempre, oo.

“’Di ba nga, nasabi ko na nga na ‘pag nangangarap ako ng wedding, sa imagination ko, siya yung mukha dun.

“Feeling ko, yun ang gusto ko.

“Hindi ko naman siya ibu-boyfriend na hindi ko ini-expect na siya yung dulo, ‘di ba?

“Bakit, nagsasayang lang ba kami ng oras sa isa’t isa?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DREAM WEDDING. Nabanggit na rin lang ni Bea ang tungkol sa wedding, inusisa namin sa kanya kung ano ang kanyang dream wedding.

“Madami!” bulalas ng Sana BukasPa Ang Kahapon actress.

“Naku, fickle-minded ako pagdating diyan.

“Minsan beach, minsan cliff, minsan garden.

“Ang dami talaga… minsan lake, minsan church.

“Like, yung kay George Clooney at Amal [Alamuddin], sa Venice, ‘di ba? Ang bongga!

“’Tapos yung Angelina [Jolie] at Brad [Pitt]...

“Iba-iba talaga ang nasa utak ko, so I don’t really know at this point.

“’Di ba, bilang babae, gusto natin na... pero hindi naman seryoso.

“Yung mga ganun lang, ang sarap lang isipin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN