Tom Rodriguez is keeping secret the gift he got from Carla Abellana on his birthday

It’s an exhilarating time for Tom Rodriguez career-wise and beyond that, his heart is full, "I do have a special someone in my life.” Is it Carla? “Yes! She’s very special to me.”


Parang nag-dinner lang sa U.S. si Tom Rodriguez.

Kaaalis lang niya kasama si Carla Abellana at ilan pang Kapuso stars para sa isang show roon pero nandito na sila agad.

“Three days kami do’n including travel time,” aniya nang makausap namin sa taping ng Don’t Lose The Money sa Studio 6 ng GMA Network noong Huwebes ng gabi, October 2.

“So pagdating namin doon, after the 14-hour flight, kumain lang kami ’tapos run-through ng script.

"The next day, rehearsal and run-through ng show.

“’Tapos kinabukasan, flight na namin pauwi na sa Pilipinas.

"Pagdating dito, diretso trabaho ulit.”

Hindi man nagkaroon ng kahit sandaling oras na makapamasyal sa pinakahuling biyahe niya sa Amerika, happy na rin daw si Tom na nagkita sila ng kanyang pamilya na doon naka-base.

“Do’n sila sa hotel namin nag-stay, yung mga kapatid kong lalaki, sinamahan akong mag-stay sa kuwarto ko.

“Kaya at least nakapag-bond kami kahit papa’no.”

Dati nang naipakilala ni Tom si Carla sa kanyang pamilya nang mag-U.S. tour sila for My Husband’s Lover.

Kumusta ang muling paghaharap ng mga ito?

“They were very happy to see her naman. Just like they were very happy to see me.

"They were very happy to see everyone na kasama namin do’n.”

Ano ang reaksiyon ng pamilya niya sa pagkaka-link niya ngayon kay Carla?

“Wala sa kanila, wala silang problema sa gano’n. And they are very happy and they are very positive about it.

“Which, sa akin naman, is very okay.”

Gusto ng pamilya niya na magkatuluyan sila ni Carla?

“Well… hindi pa namin napag-uusapan, actually!” sabay tawa ni Tom.

Birthday ni Tom nitong nakaraang Miyerkules, October 1. How was the celebration?

“I celebrated on the set ng My Destiny. Siyempre nando’n si Carla kasama ang ilang Tom-Carl fans.

“May dinala silang mga food, which I really appreciated. Ang sarap… sobra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napakain ako nang sobra-sobra!” tawa niya ulit.

“Siyempre, may gift si Carla para sa akin.

"Ayoko na lang sabihin kung ano. Siguro sa akin na lang ‘yon.”

Halos nasa kanya na lahat ngayon, meron pa ba siyang birthday wish?

“My birthday wish ako lagi naman. Every year.

“And it’s always the same… security of my family, good health and yung lagi pa rin kaming magkaka-communicate.”

WORKAHOLIC. Kahit halos wala na siyang pahinga at tulog dahil sa paglalagare sa taping ng My Destiny at Don’t Lose The Money, hindi nagrereklamo si Tom at tila kayang-kaya niya.

Nakakabilib din kung saan siya kumukuha ng energy dahil kadalasan, napa-pack up siya sa taping ng My Destiny ng alas-singko ng umaga at 9 a.m. naman ang call time niya sa Don’t Lose The Money.

“Actually, aaminin ko for a time naging mahirap para sa akin.

"Lalung-lalo na nagsabay-sabay lahat with Bench (The Naked Truth fasion show), yung diet, sunud-sunod na trabaho…

“Na minsan ang bilis mong makalimutan dahil napapangunahan ka ng pagod, mapapangunahan ka ng sakit ng katawan at ng puyat.

“Pero kapag maalala mo kung para saan mo ginagawa lahat, mabubuhayan ka ulit ng loob, e.

“At kapag naaalaala ko yung family ko, yung presence nila, yung pagmamahal ko sa kanila...

Yung gusto ko at mga ambisyon ko para sa kanila lalo na sa parents ko… nabubuhayan ulit ako ng loob.

“Na kahit anong mangyari, kahit anong dumaan… kaya!

“Siguro yung makakapagpatigil lang sa akin na magtrabaho at magpursigi e kung maospital ako o…

"Hindi ko na babanggitin yung isa pang bagay.

“Pero iyon lang ang magpapatigil sa akin dito sa ginagawa ko.”

ART AS ESCAPE. How does he relax?

“Ito!” turo niya sa tablet computer na nakapatong sa table sa harap niya.

“Ito… I’m doing a 3D model of an art work,” magtukoy niya sa isang sketch ng mukha na nasa isa pang computer screen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So… magdu-drawing ako. I’m doing a digital animation, my 3D artwork.

“That keeps me calm. That keeps me sane.

“When the schedule sucks, ito yung escape ko.

“Either I read books, I will draw… yun talaga.

"Do’n ko naibubuhos yung ano ko… do’n ako nakakalma.

“It’s my stress-reliever.”

SHE’ SPECIAL. Sa sobrang busy niya, kailangan pala talagang sobrang understanding ang kanyang karelasyon.

“Oo, e,” nangiting pagsang-ayon ni Tom.

“Lalo na if you label… you try to force it into something na ikahon o iano mo.

“All I can say is… I’m happy with what I have right now.

“And I do have a special someone in my life.”

Si Carla nga?

“Yes! She’s very special to me.”

Hanggang do’n lang ang kaya niyang i-open up tungkol sa real score sa kanilang dalawa?

“It would be unfair to try to force more na… hindi kaya ng kapasidad ko.

“All I can say is I’m enjoying everything.

“And I really enjoy her friendship, her company.

"And she’s very dear to me and she’s very special to me.”



ALWAYS READY. Nalalapit na ang pagtatapos ng My Destiny na pinagtatambalan nila ni Carla. Hanggang kalagitnaan na lang daw ng October ang schedule ng taping nila para rito.

Gugustuihin ba niyang magkaroon agad-agad ng bagong soap pagkatapos nito?

“Ako, okey lang sa akin. Siguro kahit may mga taping ako basta may days in between lang na rest.

“Kasi ako yung tipo ng tao na hindi ako maka-nap, e.

"Kapag nagna-nap ako, yung utak ko natutulog din.

“When I’m at work, gusto ko ibinibigay ko yung best ko.

"I wanna be sharp, in the moment, I wanna be in the zone.

"Usually I compensate the next day, itinutulog ko ng isang buong araw.”

Pagod at laging kulang sa tulog pero laging fresh pa rin and always goodlooking. Anong sikreto niya para ma-maintain ang ganitong dating?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Fresh? Wow, thank you! I’ll take that as a compliment!” nangiti ulit na reaksiyon niya.

“Siguro dahil I have a very good team around me. I have really supportive people around me.

“My family rin, kahit not physically they’re always there. I feel their presence.

“And… God. God is always there. Hindi Niya ako pinapabayaan.

“Kaya siguro imposibleng hind imaging active sa trabaho kapag naaalala mo ang mga gano’ng bagay, e.

“Alam ko minsan, madali nating makalimutan.

"Pero kapag nari-remind ka, daig pa niya ang kape. Daig pa niya ang 8 o 24 hours na tulog.”

And siyempre, sa special someone sa buhay niya na si Carla nga, ’di ba? Sa inspirasyon na naibibigay nito.

“Lagi. Ang laking tulong po.”

Bukod sa regular taping ng My Destiny at Don’t Lose The Money, tinatapos ding i-shoot ngayon ni Tom ang remake ng Tiyanak.

“Sana meron pang ibang dumating. I’m very open to more projects.

“Lalo na in film. I enjoy it very much,” ending na naging pahayag ni Tom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN