Andrea Torres on being linked to Sef Cadayona: “Hindi talaga kami.”

Andrea Torres on being linked to Sef Cadayona: “Siguro hindi lang sila sanay na meron akong nakakasama sigurong hindi ko nakakatrabaho sa soap, yung ganun.”


Pinakaunang fantaserye ni Andrea Torres ang Ang Lihim ni Annasandra kung saan gumaganap siya bilang isang Awok o taong nagta-transform bilang isang baboy-damo.

Mas challenging daw ito para sa dalaga kaysa sa mga teleseryeng nagawa na niya dati.

Ayon kay Andrea, “Ano talaga, siyempre mas nakakapagod siya kasi mas maraming shots, ’tapos bukod pa dun, yung mga pinapagawa sa iyo, physically nakakapagod din.

“Pero fulfilling siya. Nung nakita ko yung VTR, parang nakakaiyak kasi ganun pala ang magigigng hitsura ng lahat ng pinapagawa sa amin ni Direk [Albert Langitan].

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa grand launch ng Ang Lihim ni Annasandra noong Miyerkules, October 1, sa Area 05 Bar sa Tomas Morato Ave. sa Quezon City.

Ipapalabas sa Afternoon Prime ng GMA sa October 13 ang Ang Lihim ni Annasandra. Pero ayon sa marami, base nga sa magandang trailer nito ay nararapat itong maging isang primetime series.

THANKFUL. Hindi ba nalungkot si Andrea na pang-hapon ang show nila nina Mikael Daez at Pancho Magno?

“Hindi naman po! Actually ano naman, very grateful ako na nabigyan ako ng show.

“Hindi naman sa akin isyu kung primetime siya or afternoon, basta yung show itself blessing na yun para sa akin.

“Kasi siyempre ’pag artista ka, hindi mo naman po alam, ’di ba, kung may next ka o kung ano yung next mo? So happy lang po ako na nabigyan nila ako and bukod pa doon, balik-tambalan kay Mikael.”

Ayon pa kay Andrea na gumaganap sa serye bilang si Annasandra, “Kakaiba nga po kasi ngayon lang na baboy-damo.

“Usually ahas, o kaya kay Sarah [Lahbati] ano naman frog. So first time na baboy-damo na may pagka-aswang pa ang dating,” kuwento niya.

DARING SCENES. At dahil nga nagta-transform siya, may mga eksenang seksi siya o hubad.

“Marami,” at tumawa si Andrea.

“Oo, hubad-hubad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pag-iingat ba siyang ginawa sa taping para huwag siyang masilipan?

“Ano naman po sila, alalay naman sila. Parang yung eksena na ipinakita na naglalakad ako sa ulan, ang daming tao nun!

“Kasi siyempre, labasan ng mga estudyante, nanonood sila.

“Pero in fairness naman pag-“Cut!’ takip agad ng robe, ganun.

“Or kapag kinukunan yung eksena ko na nasa loob ng cage and halos hubad, ano naman, as much as possible yung mga kailangan [lang sa set] ang nandoon,” saad ng dalaga.

Ang pinaka-daring na eksena na nakunan na kay Andrea so far ay iyon raw nakakulong siya sa loob ng cage na halos hubu’t hubad na raw siya.

Lahad pa niya, “’Tsaka yung sa ulan, kasi ang daming nanonood, e.”

Telang butas-butas lang daw na nakapulupot sa katawan niya ang suot ni Andrea sa eksenang naglalakad siya sa ulan.

JUST FRIENDS WITH SEF. Hindi ba siya pinagbabawalan ng ama niya o ni Sef Cadayona na magpaseksi sa harap ng kamera?

Nali-link sina Andrea at Sef.

“Si Sef talaga?” at tumawa si Andrea.

“Walang nagbabawal. Siyempre si Sef naman e friend naman so kahit ano naman yun, e.”

Wala raw silang relasyon ni Sef bukod sa friendship, ayon kay Andrea.

“Hindi talaga kami,” diin niya.

Ni hindi raw nanliligaw sa kanya si Sef.

“Close friends lang kami,” dagdag pa niya.

Hindi raw niya alam kung bakit may tsismis na may relasyon na sila ni Sef.

“Siguro hindi lang sila sanay na meron akong nakakasama sigurong hindi ko nakakatrabaho sa soap, yung ganun.

“Kasi kahit nung kay Mark [Herras] din, nung nagkaroon ng parang mga contest-contest sa SAS [Sunday All Stars], naisyu din ako kay Mark.

“Kaya nga sabi ko, ‘Parang lahat ng nilalapitan kong iba—yung hindi si Mikael, hindi mga kasama ko sa soap—e naiisyu.’

“So ganun siguro,” paliwanag ni Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumalabas naman daw sila ni Sef pero marami silang magkakasama na karamihan ay cast ng Bubble Gang.

Never daw silang lumabas o nag-date ni Sef na silang dalawa lang.

Bukod sa kanila nina Mikael (bilang si William Benitez) at Pancho (bilang si Enrico), kasama rin sa cast ng Ang Lihim ni Annasandra sina Rochelle Pangilinan bilang si Esmeralda, Glydel Mercado bilang Belinda Vergara, Emilio Garcia bilang Carlos Vergara, Ma. Isabel Lopez bilang Rosario, Arthur Solinap bilang Kenneth, Joyce Burton bilang Hazel Benitez, Gab de Leon bilang Jimmy, Erika Padilla bilang Becca at Cris Villonco bilang Lorraine Armada.

DINGDONG-MARIAN WEDDING. Iisa ang handler nina Andrea at Marian Rivera—si Rams David—at very excited si Andrea sa nalalapit na kasal nina Marian at Dingdong Dantes sa December 30.

Sabi niya, “Sabi ko nga sa kanya it’s about time kasi ang tagal na rin nila.

“’Tsaka kami rin naman nakikita namin na sila na talaga. Wala nang makakabuwag dun. They will end up together na talaga.

“’Tsaka iyon, alam ko na excited na rin naman siya na mag-next level na yung relasyon nila.”

Sigurado raw na a-attend siya sa kasalan ng dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN