Enrique Gil feels he’s not yet ripe for "Next Ultimate Leading Man" title

Enrique Gil on why he feels he’s not yet deserving of the title "Next Ultimate Leading Man": “Hindi pa po. Kailangan po tapusin muna yung Forevermore, tignan natin kung anong mangyari roon. ’Pag naging okey yun siguro saka ko lang masasagot iyan.”


Ikinararangal ni Enrique Gil na makatrabaho sa unang pagkakataon ang dalawang ultimate leading men at award-winning actors na sina John Lloyd Cruz at Richard Gomez sa Star Cinema movie na The Trial, na ipalalabas sa mga sinehan sa Oktubre 15.

Pero aminado rin ang young actor na nakaramdam siya ng kaba lalo na nga’t si Chito Roño pa ang kanilang direktor.

Sabi ni Enrique, “Noong una nung sinabi sa akin na I was gonna make a movie with Direk Chito, John Lloyd, and Richard, parang kinabahan ako, pressured.

“Maybe not really pressured, but parang ’eto na yung chance para i-prove my worth siguro or masabi na this guy’s not a joke.

“Yun lang I was just happy na binigyan ako ng opportunity to prove it and to work with them kahit na mabilis lang yung role ko rito pero essential yung character ko for both families.

“Because of me kaya magkaka… may ganun, basta medyo sensitive.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enrique pagkatapos ng grand presscon ng The Trial na ginanap noong Oktubre 2 sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

WORKING WITH HIS IDOLS. Kung si Jessy Mendiola na kasama rin nila sa movie ay sinabing kasama sa bucket list niya na makatrabaho si John Lloyd, si Enrique ba ginusto rin niyang makasama si Lloydie?

“Yes, before pa, I wanted to work with him talaga. And salamat nabigyan ako ng chance.

“Kasi nakita ko kung paano siya mag-prepare sa kanyang role, sa eksena niya, so yun ang natutunan ko sa kanya,” lahad niya.

Ano naman ang na-discover niya kay Goma (Richard), na gumaganap bilang daddy niya sa The Trial?

“Si Kuya Goms sobrang kulit. First time ko siyang makatrabaho, parang wala akong idea kung paano si Kuya Goms pero iba pala, sobrang cool na tao, sobrang kulit. Mahilig kumain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka when he works, ano siya, e... Bago mag-take kaya pa rin niyang makipag-usap sa iyo ng loko-lokohan, ’tapos biglang magte-take na. ’Ang bilis nito, a.’

“Kami ni John Lloyd hindi ganun, parang kailangan ise-set ka muna bago mag-take, pero siya parang hindi, kaya na niya agad.”

DIREK CHITO. First time ding maging direktor ni Enrique si Direk Chito. Kumusta naman katrabaho ang direktor at hindi ba siya nasigawan nito?

Natatawa niyang pag-amin, “Wala naman, hindi naman [ako nasigawan]. Hindi naman siya yung nagagalit… hindi galit talaga, e.

“Iba kasi si Direk, e. Para sa akin, he’ll give you a hint of what he wants to see, ikaw na ang bahala kung paano mo gagawin.

“Siguro kung hindi mo makuha, he’ll let you know. Pero hindi naman yung nakakabastos in a way. ’Pag maganda yung eksena, nice work. So, we do our job and he does his job, ganun.”

GRETCHEN BARRETTO. Natutuwa rin si Enrique na nakatrabaho ulit niya si Gretchen Barretto sa The Trial. Pangalawang beses na niyang maging mommy ang aktres, una nga ay sa ABS-CBN teleseryeng Princess and I.

Ani Enrique, “Oo, hindi na ako nahirapan kasi naging mommy ko na siya dati, ’di ba?

“May pagbabago kasi iba yung character niya dito. Sa Princess and I matapang siya, parang, ’Gawin mo ito, gawin mo iyan.’

“Dito kasi parang ako yung mas naghahanap ng love sa kanya. Kasi ganun yung story mas close ako sa dad ko. And feeling ko parang nakukulangan ako sa kanya ng pagmamahal.”

Bilang close na rin sila ni Gretchen, nag-o-open up ba ang aktres tungkol sa mga personal na pinagdadaanan nito?

“Well, siyempre she talks to me about it, we’re close naman e since Princess and I pa she’s been open with me.

“Pero I’m not in a position to talk about it. For me, it’s not a good thing to be going through. Pero sa pelikulang ito iyon po ang nakatulong sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So yung sa eksena namin yun ang nakapag-motivate sa kanya,” sabi pa niya.

THE NEXT ULTIMATE LEADING MAN? Sa dami ng proyektong ginagawa ngayon ni Enrique, nararamdaman na ba niya ang titulong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN bilang "The Next Ultimate Leading Man"?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi pa po. Kailangan po tapusin muna yung Forevermore, tignan natin kung anong mangyari roon. ’Pag naging okey yun siguro saka ko lang masasagot iyan.”

Ang Forevermore ang upcoming primetime teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Enrique kasama si Liza Soberano.

Hindi ba siya nape-pressure na inile-level na agad siya sa mga bigating artista?

“Siyempre marami lagi ang magda-doubt.

“Yun lang ang ayoko na tipong ginagawa mo yung best mo tapos maraming doubters. There will always be doubters na bakit ako nandiyan, sana hindi na lang ako nandiyan.

“I just wanna prove the point na kaya ako pinili, they trust me,” pakli pa niya.

Patuloy naman daw pinagbubuti ni Enrique ang kanyang trabaho upang maabot din niya ang naabot nina John Lloyd at Richard.

“Well, para sa akin po kasi it’s through experience. The longer you are in the industry, the more you do stuff, the more you’ll learn.

“And kahit papaano kahit six years, seven years na ako, feeling ko medyo bago pa lang, e. I have to do more pa to be able to say na I’ve grown na [as an actor],” pahayag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN