Isabel Oli reveals plans for wedding to John Prats

Isabel Oli shows off her engagement ring that she admits is a bit loose. John Prats wanted to keep the marriage proposal so secret, he couldn’t ask Isabel her ring size and risk ruining the surprise.


Pinakilig nang husto ng celebrity couple na si Isabel Oli and John Prats ang buong bayan nang nag-propose si John kay Isabel noong September 24 sa Eastwood City, Libis. Nag-organisa si John ng isang “flash mob” na binuo ng 350 na taong sumayaw habang sinorpresa ng aktor ang modelo sa pamamagitan ng isang proposal.


BEST SURPRISE EVER. Hanggang ngayon ay kilig na kilig pa rin si Isabel sa engrandeng proposal. Nakausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sophie Paris awards night na ginanap sa Solaire Resort and Casino noong October 5 sa Parañaque City.

“The flash mob was really the best surprise I’ve ever gotten sa buong buhay ko talaga, I’m really, really happy and excited. I’m really looking forward sa wedding but there are no concrete plans pa talaga,” kuwento ni Isabel.

Sobrang tuwang-tuwa si Isabel sa suporta ng mga tao sa surpresa ni John. Ayon sa iba’t ibang polls, ito raw ang isa sa pinaka romantic celebrity engagements sa showbiz ngayong taon.

“Nakakatuwa lang na ganun, kasi sabi nga ni John sa akin na hindi niya in-expect yung nag-trending siya for ilang days, parang ganun.

"Tapos up to now, one week plus na, pinag-uusapan pa rin siya sa Twitter and Instagram.

"Ang daming nagko-congratulate. When we go to the mall, parang feeling mo lahat kaibigan mo kasi puro ’Uy congrats!’

"Nakakatuwa kasi ang dami-daming taong napasaya at kinilig at na-inspire sa story... sobrang hindi ko talaga inexpect," dagdag pa ni Isabel.

Tinanong ng PEP kung ano ang plano ni Isabel para sa darating nilang kasal sa 2015.

“My dream wedding just has to be simple lang. Andun lang yung family ko at family ni John. Yun lang talaga yung nasa isip ko,” aniya.



WEDDING THEME. Maraming mga celebrity couples ang ikakasal sa susunod na taon na may kanya-kanyang theme, may napili na ba silang venue o theme para sa kasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa rin talaga, pero sa ngayon, baka garden theme,” sagot ni Isabel.

Botong-boto rin ang pamilya ni John kay Isabel, lalo na ang kapatid ni John na si Camille.

"Ah yes, sobra. It’s not just him, even the family sobrang sweet talaga," aniya.

Binanggit din ni Isabel na plano nila ni John na sila mismo ang mag-aasikaso sa kasal.

“Usapan namin ni John before na dapat talaga hands-on kaming dalawa and yung ibang tao tulong lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN