Derek Ramsay on being linked to Jennylyn Mercado: “Kahit sinong babae yata na kausap ko nali-link ako sa kanila.”

Derek Ramsay on Jennylyn Mercado: “Jennylyn and I have definitely formed a really good friendship. She shared with me her experiences in the past that are sort of somewhat similar to what I’m going through now. She gives me good advice on how to handle things and how to stay positive.”


Sa kabila ng pinagdadaanan ngayon ni Derek Ramsay na legal battle sa kanyang dating asawa na si Mary Christine Jolly, hindi naman daw ito nangangahulugan na na-trauma na siya sa pakikipagrelasyon. Sa ngayon daw ay zero ang kanyang lovelife.

Nali-link ngayon si Derek kay Jennylyn Mercado, na leading lady niya sa pelikulang English Only, Please under Quantum Films, na entry sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre. Pero pinabulaanan lang ng Kapatid hunk actor ang mga bali-balitang nagkakamabutihan na sila ng Kapuso actress.

“It’s funny na nili-link kami ni Jennylyn.

“But I’m kind of getting used to that, that every girl I talk to, I get linked to. Kahit sinong babae yata na kausap ko nali-link ako sa kanila.

“Marespeto lang talaga akong lalaki na I befriend every person that I work with, whether babae o lalaki,” sabi ni Derek nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Paglilinaw pa ni Derek, magkaibigan lang daw sila ni Jennylyn.

“Jennylyn and I have definitely formed a really good friendship. She shared with me her experiences in the past that are sort of somewhat similar to what I’m going through now.

“She gives me good advice on how to handle things and how to stay positive. For her to entrust me with that part of her life shows that she really considers me to be a dear friend.

“So I’ve entrusted my past to her and we always remain in contact whether nasa set kami or hindi kami nagtatrabaho.”

Ayaw daw munang isipin ni Derek kung posible na humantong sa mas malalim na relasyon ang pagkakaibigan nila ni Jennylyn. Gusto muna niyang matapos ang problema nila ng dating asawa kung saan nadadawit pa ang kanilang 11-year-old na anak.

ENGLISH ONLY, PLEASE. Natutuwa lang daw si Derek na si Jennylyn ang naging leading lady niya sa English Only, Please, dahil madali niya raw nakapalagayan ng loob ang aktres. Excited din siya para sa kanilang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “I’m very excited for English Only, Please. You know, my favorite project to date is still The Janitor and Corazon (Ang Unang Aswang in 2012), but itong English Only is a new experience for me because it’s my first rom-com [romantic-comedy] together with Jennylyn.

“And I’m loving it. I’m really enjoying shooting this film, it’s very light but at the same time it’s also challenging for my character.”

Natapos na ba nila ang pelikula?

Aniya, “Malapit na. So, we’re still shooting.”

THE AMAZING RACE PHILIPPINES. Samantala, excited na rin si Derek dahil bukas na ng gabi, Oktubre 6, mapapanood sa TV5 ang pilot episode ng pagbabalik ng The Amazing Race Philippines (TARP), kung saan siya ang host at game master. Inaasahang mas malaki, mas exciting, at mas kapana-panabik ang ikalawang season ng TARP.

Mag-uunahan para sa premyong dalawang house and lot mula sa RCD Royal Homes, dalawang Kia Sportage SUV, at dalawang milyong pisong hatid ng PLDT Home Telpad ang labing-isang teams na kinabibilangan ng sexy besties na sina RR Enriquez at Jeck Maierhofer, blonde sisters Tina at Avy Wells, chefs Eji Estillore at Roch Hernandez, dating couple Matt Edwards at Phoebe Walker, Juan Direction hunks Charlie Sutcliffe at Daniel Marsh, mag-amang AJ at Jody Saliba, nerds Vincent Yu at Ed Manguan, travel buddies Zarah Evangelista at Osang Dela Rosa, Mr. Pogi bros JP Duray at Kelvin Engles, magkapatid na Jet at Yna Cruz, and Pinay world champs Gretchen Albaniel at Luz McClitton.

Tanong namin kay Derek, gaano ka-competitive ang mga teams ngayon kumpara sa season 1?

“I would say 10 times more. There were a lot of things that happened on-cam and a lot more things that happened off-cam.

“Yung mga physical na nangyari, yeah grabe, that’s how intense it was, mga sigawan, gusto ko ngang sabihin mga suntukan. It was definitely more competitive,” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagmamalaki rin ni Derek na panibagong mga lugar sa Pilipinas ang mapapanood sa season 2 ng TARP.

“Yeah, wala kaming inulit na lugar, venue [from season 1]. Region yes, but wala kaming inulit na venue,” lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN