Mikael Daez shocked to learn about Fabio Ide’s baby: “I’m sure medyo nayanig din yung mundo niya ngayon.”

Mikael Daez on learning about good friend Fabio Ide’s admission that he is the father of Denisse Oca’s baby girl: “Sorry, medyo nagulat ako. But good luck to Fabio, he’s a friend definitely. Pag nagkikita kami lagi kaming nag-uusap as in catch-up talaga kami.”


Sa Ang Lihim ni Annasandra, si Mikael Daez ang gaganap na bidang karakter na si William Benitez.

Pero sa Ismol Family naman ay isa siyang gay character, si Bernie.

Kaya tinanong namin si Mikael kung paano niya pinaghihiwalay ang dalawang katauhan niya sa bawat taping day niya sa dalawang magkaibang programang nabanggit ng GMA.

“Preparation lang talaga iyon.

“Kailangan talaga, kahit a few hours lang, mag-prepare ka lang, basahin mo lang yung script ulit. Yung pagbabasa ng script para sa akin, iyon yung gumagana.

“Parang basa, basa, makakalimutan ko yung lahat ng iba, shorter memory ang kailangan,” at natawa si Mikael.

Sanay na rin daw ang pamilya niya na napapanood siyang nagbabading sa harap ng kamera.

“Tawang-tawa na lang sila. Dati parang, ‘Ano ang ginawa?’

“Pero ngayon tanggap na nila,” saad niya.

Alin ang mas challenging para sa kanya?

“Iba-iba, e. Parang, I think yung importante talaga is yung team, yung nasa paligid mo dahil pag tinutulungan ka, masu-swak ka dun sa character.

“Kunwari sa Ismol Family, nahihirapan ako. I mean hindi ko alam kung paano ko aatakehin yung character.

“Pero as we go along, mas madali nang pumasok dun sa character ni Bernie.

“So kailangan talaga may tulong ng cast, ng director mo, na active silang pinu-push ka para gumaling.

“So dito sa Annasandra, yung first few taping days nanibago ako, ‘Wow okay, iba ulit ito!’

“Pero yun nga, Direk Albert Langitan, wow! Amazing director, castmates, si Andrea [Torres, bilang Annasandra], alam na niya kung paano ako tutulungan so nakatulong iyon,” kuwento pa niya.

LOVE TRIANGLE. Sa With A Smile ay si Christian Bautista ang ka-love triangle nila ni Andrea; sa Ang Lihim ni Annasandra ay si Pancho Magno ang magiging karibal ni Mikael.

Ano ang pagkakaiba nina Christian at Pancho bilang ka-love triangle?

Aniya, “Ah iba yung dinadalang assets nila, ’di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro namin si Mikael, isa ba sa assets ay ang mas lamang na abs ni Pancho kaysa kay Christian?

“Well, I think sasang-ayon naman si Christian dun,” at tumawa si Mikael.

“Sorry, Christian!”

Iba raw ang challenge na si Pancho ang karibal niya ngayon kay Andrea sa show.

Pakli niya, “Iba, iba. Kasi hindi mo talaga alam kung paano sila [televiewers] magre-react sa loveteam namin ni Andrea. Malalaman mo lang pag nandun ka na sa work.

“So iba-iba yung feeling for every person kasi laging iba yung personality, iba yung character.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa grand launch ng Ang Lihim ni Annasandra noong Miyerkules, October 1, sa Area 05 Bar sa Tomas Morato, Quezon City.

LOVETEAM. Isa pang kagulat-gulat kina Mikael at Andrea ay klik pa rin sa masa ang tandem nila kahit na sa iba sila parehong nali-link—si Mikael ay kay Miss World 2013 Megan Young at si Andrea ay sa young male star na si Sef Cadayona.

Dagdag pa ni Mikael, “I think si Andrea at ako, yung pag-klik namin nag-i-stem yun sa work attitude. Kasi focused talaga kami sa work. Alam namin kung ano ang gusto namin.

“Ang laki ng pangarap niya, ang laki ng pangarap ko.

“Parang tumutugma talaga kami kung saan namin gustong pumunta.

“So parang pareho yung direksyon namin, pareho yung phase namin.”

Wala rin daw selosan na nagaganap on both sides.

"Wala, walang selosan na nagaganap,” diin niya.

Bukod sa kanila nina Andrea Torres (bilang si Annasandra) at Pancho Magno (bilang si Enrico), kasama rin sa cast ng Ang Lihim ni Annasandra sina Rochelle Pangilinan bilang si Esmeralda, Glydel Mercado bilang Belinda Vergara, Emilio Garcia bilang Carlos Vergara, Ma. Isabel Lopez bilang Rosario, Arthur Solinap bilang Kenneth, Joyce Burton bilang Hazel Benitez, Gab de Leon bilang Jimmy, Erika Padilla bilang Becca, at Cris Villonco bilang Lorraine Armada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood na ang naturang drama series simula October 13, Lunes, sa GMA Afternoon Prime.

FABIO IDE. Samantala, ikinagulat naman ni Mikael nang malaman niya na may anak na ang Brazilian/Japanese hunk na si Fabio Ide.

Read: Fabio Ide admits fathering Denisse Oca’s daughter; Fabio’s girlfriend posts hurtful comments

Magkasama sila dati ni Fabio sa Mercator Artist & Model Management bago lumipat si Mikael sa pangangalaga ni Betchay Vidañes.

Gulat na gulat nga si Mikael nang banggitin namin sa kanya ang tungkol dito.

Pag-amin niya, “Sorry, medyo nagulat ako.”

Lagi raw siyang nasa trabaho kaya hindi nakarating sa kanya ang balita.

Kaibigan daw niya si Fabio hanggang ngayon, at kilala raw niya ang ina ng bata at ang kasalukuyang girlfriend ni Fabio ngayon.

“Oh wow,” ang reaksyon pa ni Mikael nang ikuwento namin ang ilang detalye tungkol sa bagong kaganapan sa buhay ni Fabio ngayon.

“Well, I mean I hope, for Fabio, I hope he gets past it, I’m sure medyo nayanig din yung mundo niya ngayon.

“Hindi ko kasi alam yung detalye so hindi ako makapagsalita.

“But good luck to Fabio, he’s a friend definitely. Pag nagkikita kami, lagi kaming nag-uusap as in catch-up talaga kami.

“Ang tagal ko lang siyang hindi nakikita, yung alam ko lang he’s very busy with Gramercy.”

Isa si Fabio sa mga may-ari ng Gramercy 71 na isang class na bar sa Makati.

Si Mikael ay wala raw takot na baka may isang babae sa kanyang nakalipas na biglang lalabas at magsasabi na naanakan siya ni Mikael.

“Ah hindi wala, good boy ako e,” at tumawa si Mikael.

“Good boy ako!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN