Bea Alonzo quashes blind item alluding to boyfriend Zanjoe Marudo’s infidelity

Bea Alonzo reaffirms her trust in boyfriend Zanjoe Marudo: “I won’t be in a relationship with Zanjoe kung hindi ako nagtitiwala sa kanya. Feeling ko, yun ang pinakaimportanteng ingredient sa relasyon namin. Hindi ako selosa, hindi siya seloso.”


Isang blind item ang kumakalat na pinapangalanan ng ilang netizens sa social media na diumano’y ang magkarelasyong sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo raw ang tinutukoy.

Ang nakasaad sa blind item ay ang diumano’y pagiging “cheater” ng actor sa kanyang girlfriend. Lalo na raw kapag nasa ibang bansa ito, ’tulad na lang noong nakaraang show ng Banana Split sa Japan kunsaan iba’t ibang babae diumano ang dinadala ni Zanjoe sa kanyang hotel room.

Blind item lamang ito, pero ang netizens ang nagbibigay ng komento sa blind items at nagpapangalan kina Bea at Zanjoe.

IGNORING THE NEGATIVITY. Kahapon, October 5, sa live interview ni Bea sa The Buzz, sinang-ayunan ni Bea ang pahayag ng host na si Toni Gonzaga na ang tamang pag-handle ng mga artista sa blind item ay ang huwag na lang itong pansinin, lalo na’t kung alam naman daw na gawa-gawa o kasinungalingan lang ang lumalabas.

Ayon kay Bea, “Tama si Toni, huwag mo na lang pansinin.

“Kasi, hindi ko alam kung ano ang intensiyon, e.

“Hindi ko alam kung feeling niya, meron bang hindi maganda sa relationship ninyo.

“Kahit saan, relationship niyo bilang mag-nanay, relationship niyo bilang mag-boyfriend, kahit saan...

"Ano yun, para sumira, ‘di ba, yun lang naman ang dahilan.

“So, parang, why would you let the evil let you down, why?”

SETTING THE FACTS STRAIGHT. Ipinaliwanag naman ni Bea ang tungkol sa blind item tungkol kay Zanjoe sa Japan.

“It was his birthday, Banana Split kasi yun na trip.

"And then, hindi kami magkasama sa birthday niya.

"He was there to work and then ako, may taping. Sumunod na lang ako sa kanya.

“Alam mo, grabe, nagpe-Facetime pa kami palagi.

“Nakakatawa lang!” saad ni Bea.

ZANJOE’S REACTION. Pareho ba nilang nabasa ni Zanjoe ang blind item?

Kuwento ni Bea, “Merong nag-text sa akin, from Canada. Sabi niya, ’I hope you’re okay. I heard you’re going through something.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ’Huh? Ano po yun?’

“Sabi niya, meron daw kasing blind item. ’Sayang, gusto ko pa naman si Zanjoe para sa ‘yo.’

“Meron talagang mga tao rin na, hindi ba, naniniwala agad?

“Sabi ko, ’Ha, ano po ba yun?’

"’Tapos sabi niya, may blind item, tiningnan ko, binasa ko.

"Para lang sabihin sa kanya kung totoo o hindi. To appease her, ‘di ba?

“So, binasa ko, ini-screen shot ko, sinend ko kay Zanjoe. Sabi niya... tawang-tawa kaming dalawa.

“Sabi niya, ’Ano ba ‘yan? Mali-mali naman ‘yan. Isang babae lang ang inuwi ko. Hindi marami.’ Joke, joke lang.”

Pagkatapos na mabasa ni Zanjoe ang blind item, hindi ba umabot si Bea sa puntong tinanong ang kasintahan na baka totoo ang blind item?

“Hindi, super-biruan lang. ’Kapal mo, cheap ka pa!’” natatawang sagot ni Bea.

SURE ABOUT ZANJOE’S LOYALTY. Gaano nga ba kasigurado si Bea na faithful sa kanya si Zanjoe.

Sagot ng Kapamilya actress, “I am very, very sure.

“I am very sure.

"Well, sana naman hindi niya ako ipahiya sa pinagsasabi ko rito.

"But, tama ang pinag-uusapan namin ni Ate kanina, sometimes, you know, e. May instinct.

“At saka, I won’t be in a relationship with Zanjoe kung hindi ako nagtitiwala sa kanya.

"Feeling ko, yun ang pinakaimportanteng ingredient sa relasyon namin. Hindi ako selosa, hindi siya seloso.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN