Christian Bautista on accepting supporting role: "Kahit mga lead stars sa Hollywood, nagsu-support roles."

Christian Bautista there’s more to theater than just acting on stage. He says, “Talagang kailangan very disciplined ka. Ang sarap nga kasi naa-apply namin ito in real life."


Kasama si Christian Bautista sa cast ng bagong primetime series ng GMA Network na Strawberry Lane.

Pangunahing tampok dito ang Kapuso young actresses na sina Bea Binene, Kim Rodriguez, Joyce Ching, Rita de Guzman, at Joanna Marie Tan.

Ginagampanan niya ang role bilang younger brother nina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon.

Marami ang nagtataka dahil coming from a leading man role sa With A Smile, kung saan nakasama niya sina Andrea Torres at Mikael Daez, ay tumanggap siya ng supporting role.

Paliwanag ng singer-actor, “’Di ba, parang sa Oscars?

"Meron yung Oscar award for lead role, meron ding Oscar award for supporting role.

“And sometimes, kahit mga lead stars sa Hollywood, nagsu-support roles.

"So, part lang naman talaga ‘yan, wala namang kaso.”

Ano ang naging factor para tanggapin niya ang kanyang role sa Strawberry Lane?

Sagot niya, “It’s a positive show, it has good values.

“Challenging kasi I’m with Sunshine and Sheryl, so I learn a lot from them.

“And Tita Boots [Anson Roa] is so so charming.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa Sunday All Stars kahapon, Linggo, October 5.



MISS SAIGON. Napanood daw ni Christian sa YouTube ang 25th anniversary special sa BBC ng Miss Saigon, kung saan pinarangalan pati ang Filipino talents na naging bahagi nito.

Nagkaroon pa ng duet ang unang gumanap na Kim na si Lea Salonga at ang gumaganap ngayon bilang Gigi na si Rachelle Ann Go.

Ayon kay Christian, natutuwa siya para sa ex-girlfriend niyang si Rachelle at sa lahat ng Pinoy talents na naitampok sa show.

“World class, the Filipino is world class!” bulalas niya.

“We have new Filipinos in the cast, sina Rachelle.

"Then, yung past Filipinos [actors] din, sina Lea, in-honor lahat sila.

“So, siguro kung madala nila lahat ng Miss Saigon all over the world, it’s such a big achievement for our country, for our race.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I feel very proud nung napanood ko ‘yon, any Pinoy naman, e.

“Kahit basketball ‘yan o theater ‘yan, basta na-honor ang Pinoy, parang nakakalimutan mo yung bad things na nangyayari sa bansa.

“And ‘yan naman ang trabaho ng entertainer also.

"Hindi naman para kalimutan lang, pero ipakita rin na, ’Hey, we have good stuff happening too.’

“Kaya nung pinapanood ko ‘yon, I feel proud."

Patuloy ni Christian, "I feel proud kay Ms. Lea, and Rachelle, of course.

“Alam ko dream ni Rachelle ‘yon dati to perform with Lea.

“And ‘yon, nangyari na. In London pa nonetheless.

“Ang galing, ang galing!

"Nabigyan niya ng sariling taste at sariling style.

“Iyon naman dapat, e. If you’re given a job or a song, make it your own.

“So, nagawa niya ‘yon, ang galing!”

NEW RACHELLE. Ibang-iba na ba si Rachelle ngayon as a performer? Bukod sa all-out na performance nito ay napaka-revealing pa ng costume niya bilang Gigi.

“Kung ibabase natin dun sa anniversary ng Miss Saigon na ipinalabas sa BBC, okey naman ang suot niya!” sabay tawa ni Christian.

Dagdag niya, “Hindi ko pa naman napanood yung actual play, sa January ko planong manood.”

Ano kaya kapag nakita niya si Rachelle na naka-skimpy bikini talaga onstage?

Ayon kay Christian, “’Pag theater naman, ano, e, meron mga styles and substances na papayagan naman. Kasi within the stage naman.

“Hindi naman ‘yon ginagawa na lantaran.

"So, I think okay lang ‘yon.”

LOVE ON STAGE. Nagti-theater din si Christian. Pangarap din ba niya dati na maging bahagi ng Miss Saigon?

Sagot niya, “If it’s meant for you, it’s gonna happen.

"Kung may audition, I’ll audition.

“If it happens at the right time, sure. I would love to do that.”

Kung may magandang project sa stage na medyo sexy ang kanyang role at may part na naka-underwear lang siya, will it be okay for him?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo ganun yung ginawa ko sa Ghost with Cris Villonco.

"Medyo may mga na-shock nga nang konti.

“So, if the role requires, okey naman if it’s done in good taste.

“Even my director [sa Ghost] said it was not soft porn, it was showing love onstage.

"So, meron pa rin ako at ang director ko na boundary na kailangan ipakita.

“Not to sell the sex, but to sell the love.”

LIFE ON THEATER. Gaano ba kahirap maging isang theater performer?

“Mahirap siya kasi you rehearse every single day.

"Pero yung professionalism ay darating sa ‘yo, magiging automatic na sa ‘yo.

“Being late is not an option. Kailangan alam mo yung ginagawa mo.

“Talagang kailangan very disciplined ka.

"Ang sarap nga kasi naa-apply namin ito in real life.

“So, anyone who does theater, it changes your life talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN