Arthur Solinap ready to propose to Rochelle Pangilinan

Arthur Solinap assures he will not have a secret engagement, “Kasi hindi namin matitiis na hindi i-post sa Instagram... hindi puwedeng itago."


Bilang pinsan ni Arthur Solinap si Dingdong Dantes, malamang na kabilang siya sa groomsmen ng Kapuso Primetime King sa kasal nito kay Marian Rivera sa December 30, 2014.

Sabi ni Arthur, “Wala pang formal confirmation, pero sinabi na niya sa akin na, ’Uy, groomsmen kayo, ha!’”

Samantala, anim na taon na ang relasyon ni Arthur at ng kanyang girlfriend na si Rochelle Pangilinan. Kailan naman kaya siya magiging groom?

Natatawang sabi niya, "Basta sinisigurado ko, ako ang next, hindi si Carlo [Gonzalez, his cousin]!"

Pero dugtong ni Arthur, “Ayoko munang magplano.

"Siyempre nandoon yung kay Dong muna tayo.

"Siyempre ayoko munang tumagal din.”

Posible kayang mag-propose na rin siya?

“Sana,” nakangiti niyang sagot.

Nakikita na niya ang sarili sa ganoong senaryo?

“Oo, matagal na rin. Sabi ko nga sa inyo, gusto na rin namin. Six years na rin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arthur sa press conference ng GMA afternoon series na Ang Lihim ni Annasandra noong October 1.

Dahil sa tagal na ng relasyon nila ni Rochelle, marami ang nag-aakalang siya ang unang magpapakasal sa kanilang tatlo ng mga pinsan niyang sina Dingdong at Carlo.

Natatawang sabi ni Arthur, “’Di ba, kasi dati, joke namin nina Carlo, ’Sinong mauuna?’

"Ngayon,, hindi na yung mauuna.

"Ngayon, ’Ako next,’ ganoon na."



TO BE ANNOUNCED. Ngunit ayon kay Arthur, si Rochelle na ang babaeng gusto niyang pakasalan.

Hindi kaya katulad din sila nina Dingdong at Marian na secretly engaged na pala?

“Hindi, hindi naman,” tanggi niya.

Pabirong sabi pa niya, “Kasi hindi namin matitiis na hindi i-post sa Instagram.

"Kapag nangyari yun, hindi puwedeng itago, yung lahat nakatutok sa inyo.

"Kasi siyempre, iba naman sila, King and Queen, ‘di ba?

“Kami naman, malalaman at malalaman.”

Aminado si Arthur na pagkatapos mag-propose ni Dingdong kay Marian sa Macau dalawang taon na ang nakararaan, alam na nila ang tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman kaya naging hadlang yun para mag-propose na siya kay Rochelle, dahil parang hinayaan muna niyang mauna muna sina Dingdong at Marian?

Sagot ni Arthur, “Hindi naman, hindi naman talaga agad-agad.

"Noong sinabi ko sa ‘yo noon na gusto ko, hindi naman that year or next year.

"Hindi naman yun yung tipong sinabi niya na, ’Naku, kailangan ko ng i-move.’ Hindi naman.

“Sakto lang kasi plano ko nga, two to three years.”

GOOD AND READY. Masasabi naman daw ni Arthur na nakahanda na siyang pasukin ang buhay may-asawa.

Pero nabanggit ni Rochelle na maaaring sa pinansiyal na aspeto, hindi pa sila handang-handa.

Reaksiyon dito ni Arthur, “Yun nga rin ang sinasabi ng lahat ng tao.

"Ano ba naman ang kailangan na financial para masabing ready ka na?

"Wala namang kakuntentuhan ang tao.

“Actually, sinabi rin sa amin ni Dong, ’Bakit ba ayaw niyo pa?’

"Sabi ko, gusto pa naming mag-ipon.

"Sabi niya, ’Ano bang klaseng ipon ang gusto niyo?

"’Di ba, kahit naman pamilya kayo, mas more ka ngang magwu-work hard.’

“Mahalaga financially, pero siguro nanghihinayang ako sa career niya ngayon.

"Siguro konting time na lang, hindi naman tatagal.

"May edad na kami, gusto kong ma-move lang nang konti.

"Ang ganda kasi ng mga nangyayari sa kanya.

"Gusto kong magawa niya lang lahat.”

BUSINESS PARTNERS. Mas panig pala ni Rochelle ang isinasaalang-alang niya?

Sabi ni Arthur, “Kapag lalaki naman kasi sa showbiz, hindi naman ganoon kahirap sa mga projects."

Ang totoo niyan, may negosyo silang dalawa, at kasosyo nga si Rochelle sa ilang ektaryang sugar cane ng pamilya ni Arthur sa Iloilo.

Sabi ng aktor, “Ang family talaga namin, sugar cane ang business noong bata pa ako.

"Namatay kasi ang lolo ko mga two years ago, may mga lupa siya na pinaghatian pa ng mga kapatid ng dad ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May time na humina ang tubo dito sa Philippines dahil sa China, ngayon okey na ulit.

"Tayo na ulit ang nag-e-export... yung Negros, Iloilo, malakas na muli ang sugar.

“May mga bakante kasi na yung ibang kapatid na, nasa States na.

"Ang gusto nila, parentahan na lang.

"Hindi naman din namin kayang i-capital lahat dahil ang laki ng lupa.

"Nagustuhan niya [Rochelle]. Sabi niya, ’Beh, ‘yan na ang business na nakalakihan mo, bakit hindi ka doon luminya?’

"So, nag-share siya.

“Matagal lang kasi hihintayin mo pa ang harvest.

"Pero okey naman, kesa magtayo ka ng bar dito, minsan lugi pa."

CO-WORKERS. Sa tagal ng relasyon nila, iilang beses pa lang silang nagkasama sa isang proyekto.

At kung nagkasama man sila, walang kaugnayan o malayo ang relasyon ng karakter nila sa isa’t isa.

Magkasama sila ngayon sa Ang Lihim ni Annasandra. Pero hindi pa raw alam ni Arthur kung magkakaroon ng ugnayan ang karakter nila ng girlfriend lalo na’t isang taong uwak ang ginagampanan ni Rochelle.

“Ang alam ko, pupunta siya sa lugar ni Annasandra, hindi ko lang alam kung kasama ko.

"Kasi, palagi siyang nakabantay kay Annasandra [Andrea Torres], so hindi ko alam kung magkikita kami.”

Pinapangarap din ba niyang magkapareha silang dalawa sa isang teleserye?

“Oo, pero nakakailang, e!” natawa niyang sabi.

“Sabi rin niya, ’Beh, paano kaya kung magka-partner ulit tayo, parang ang hirap umakting.’

"Ako rin, feeling ko, mahihirapan din ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN