LJ Reyes careful about introducing a new man to her son: "Mahirap, baka mamaya, kunwari ma-attach, ’tapos hindi naman okey."

The four-year-old son of LJ Reyes and Paulo Avelino says no when asked if he wants his parents to be together again.


Talagang bibo ang anak ni LJ Reyes kay Paulo Avelino na si Ethan Akio.

Kasama ito ng aktres sa pocket interview sa kanya at iba pang artists ng PPL, sa Kanin Club restaurant sa Quezon City, noong September 30.

Papayagan ba ni LJ sakaling mayroong offer na mag-artista si Aki?

“Saka na kapag matanda na siya,” sagot niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

“Pero kung minsan isinasama ko siya, like kunwari may portion buy ng milk brands, yun, okey lang.”

Kapansin-pansing tila sanay na nga si Aki sa showbiz environment. Hindi ito naiilang kahit maraming taong nasa paligid.

Kapag napapanood ba ni Aki sa TV si Paulo, ano ang naririnig ni LJ na sinasabi ng anak tungkol sa kanyang ama?

“Nagkukuwento ‘yan, e. Like kunyari, ’Alam mo, Mommy, napanood ko si Daddy.’

"’Tapos ikukuwento niya kung ano ang nangyari.

“O kaya kapag ako ang napapanood niya, ’Mommy, kita kanina sa TV, meron kang rashes dito.’"

Yung sa Wagas daw ang napanood ng bata.

“Sobrang daldal po niyan!” natawang sabi pa ni LJ.

AKI REACTS. May reporter na nagtanong kay Aki kung gugustuhin ba nitong magbalikan ang mommy at daddy niya, ayaw raw ang naging sagot ng bata.

“Sinabi niya? Nagulat naman ako dun!” napahalakhak na reaksiyon ni LJ.

Bakit kaya ayaw ng anak nilang si Aki na magkabalikan sila ni Paolo?

“Baka nasanay na rin siya!” tawa ni LJ.

Aware na rin talaga si Aki sa sitwasyon, to think na he’s only four years old?

“Alam naman niya na merong mommy’s house, daddy’s house, ganyan.

“Actually, yung mommy’s house, wala pala. Kasi Aki’s house daw ‘yon!” tawa na naman ng aktres.

Paano ba niya unti-unting naipaintindi kay Aki ang sitwasyon nila ni Paulo?

“Ever since naman po talaga no’ng naghiwalay na kami ni Pao, sinabi ko naman sa kanya kaagad, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko kasi na parang magtaka siya bigla na, ’Bakit hindi na umuuwi ang daddy ko?’

“Sinabi ko talaga sa kanya na, ’Hindi na dito titira si Daddy,’ ganyan.

"In-explain ko sa kanya talagang mabuti.”

Ang hindi lang aware siguro si Aki ay nali-link sa ibang babae ang daddy niya.

“Oo, iyon siguro ang hindi pa niya naiintindihan.

“Pero sinabi ko naman sa kanya na, ’Love ka namin ni Daddy.”

ADJUSTMENT. Paano kung biglang may umakyat ng ligaw sa bahay niya? Hindi kaya magiging mahirap for her na i-explain kay Aki ang ganung bagay?

Saad ni LJ, “Ay, siguro kung kunwari may manliligaw sa akin, ayoko munang ipakilala sa kanya unless sure na sure na ako, ’di ba?

“Mahirap, baka mamaya, kunwari ma-attach, ’tapos hindi naman okey, I mean, ’di ba?”

Paano kung hindi gusto ni Aki yung nanliligaw sa kanya?

“Ay, challenge ‘yon! Challenge ‘yon sa manliligaw sa akin.

“Kailangan kunin niya ang loob ni Aki."

Pero kailangan daw talaga na sure na sure siya sa guy bago niya ipakilala kay Aki.

“Hindi ko pa rin alam kasi hindi ko pa naiisip, e!” tawa ulit ni LJ.

O gusto ba niya, maunang suyuin ng manliligaw niya si Aki?

“Ay, ayoko naman! Ako muna bago yung anak ko.

“Kasi siyempre, ’di ba, hindi naman puwedeng kasundo niya lang.

“Paano kung hindi ko kasundo?"

IDEAL MAN. Yung mga kaibigan ba niya, hindi nagtatangkang mag-arrange ng blind date for her?

“Alam din naman kasi nila kapag gusto ko o hindi.

"Alam naman nila na naka-focus pa ako dito,” sabay yakap niya sa katabing si Aki.

“At saka sa group of friends ko, hindi kami mahilig dun sa parang blind date or set up-set up na ganyan.”

Ano ba ang qualities na hinahanap niya sa isang lalaki sa ngayon?

“Siguro yung God-fearing, responsible.

“At saka gusto ko yung same values as mine, my family values, ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Non-showbiz ba ang preference niya this time?

“Puwede rin namang non-showbiz, talagang nag-announce na ganun!

“Kung sabagay kapag showbiz, magulo, ‘no?” sabay ngiti niya.

“Well, meron din kasing non-showbiz na… I’ve tried!” tawa ulit niya na ang ibig sabihin ay may naging karelasyon siya dati na hindi rin nag-click.

Paliwanag niya, “May non-showbiz na hindi naman nakakaintindi ng trabaho namin.

“So, depende pa rin, depende siguro.”

Politician, okey ba sa kanya?

“Teka lang… ayoko ng politiko!

“Basta huwag lang politiko!” sabay tawa ulit na pagdidiin ni LJ.
“Kasi ang hirap, e.

“Ako naman, when it comes siguro to serving, okey din naman sa akin.

"Pero magulo kasi medyo may mga ganung factor… mahirap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN