Dingdong Dantes chooses to keep silent about Lovi Poe-Erik Matti issue: “Ayoko na pong makisali pa dun.”

Marami na raw naging reaksiyon at nakisali sa isyu sa pagitan ng aktres na si Lovi Poe at ang direktor na si Erik Matti, kaya mas pipiliin na lang daw ni Dingdong Dantes na manahimik.


Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Dingdong Dantes tungkol sa naging gusot sa pagitan ng direktor na si Direk Erik Matti at ng aktres na si Lovi Poe kaugnay sa pelikulang Kubot: The Aswang Chronicles.

Hindi kasi natuloy ang appearance ni Lovi sa sequel ng Tiktik: The Aswang Chronicles, kung saan may mga eksenang kailangan ito sa continuity bilang leading lady ni Dingdong.

Bukod sa pagiging direktor ay co-producer din ng The Aswang Chronicles si Erik (para sa Reality Entertainment), kasama si Dingdong (AgostoDos Pictures) at ang GMA Films.

Ang Kubot: The Aswang Chronicles ay entry sa 2014 Metro Manila Film Festival

Noong September 5, isiniwalat ni Direk Erik sa kanyang Facebook account ang kanyang galit kay Lovi dahil daw sa paiba-iba nitong desisyon at demands, katulad na lamang ng paghingi ng malaking talent fee para sa ilang araw lamang na shooting.

Read: Director Erik Matti lambasts Lovi Poe for refusing to shoot Aswang Chronicles sequel

“AYOKO NA PONG MAKISALI.” Kagabi, October 6, sa send-off party na ibinigay ng kanyang talent manager na si Perry Lansigan, sa Cerchio restaurant sa Quezon City, kinuhanan ng reaksiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong tungkol sa isyu sa pagitan nina Lovi at Direk Erik.

Sagot ng Kapuso Primetime King, “Well, sa sobrang dami na po ng mga nagsasalita about it, and marami na pong involved, I’d rather not comment anything about that.”

Alam ba niya ang puno’t dulo ng alitan nina Lovi at Direk Erik?

Tugon nito, “A, oo naman, oo naman.

“Pero siyempre, I chose to be silent about it.

"Marami na pong nasabi at naging produkto ng kaganapan na yun, so ayoko na pong makisali pa dun."

Hindi rin sinagot ni Lovi ang isyu nang eksklusibo itong makapanayam ng PEP noong September 26.

Read: Lovi Poe refuses to answer questions about issue with director Erik Matti

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOODBYE TO SINGLEHOOD. Samantala, sa idinaos na stag party cum send-off party ni Dingdong kasama ang entertainment press kagabi, labis-labis ang pasasalamat ng 34-year-old actor sa media na patuloy ang suporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Mensahe ni Dingdong, matapos ang kanyang mga palaro para sa press, “Siguro, naalala ko po way back in 2007, yun yung isang pagkakataon kung saan I made it a point, through my manager, na i-treat ko ang mga kaibigan ko sa press.

“Do you remember my first ever Christmas party way back 2007?

"Hindi ko po malilimutan yun at mula nun, naniniwala ako na it established a better relationship between me and my friends from the press.

“Mula noon hanggang ngayon ay kasama ko pa rin… nagpapasalamat ako na because of that party, we are still together now.”

Nagpasalamat din si Dingdong na sa gitna ng maraming tagumpay at intriga, hindi pa rin bumibitaw ang media sa pagsubaybay sa buhay niya at ng kanyang fiancée na si Marian Rivera.

Saad niya, “Pagkatapos nun, maraming taon ang nakalipas, na-witness niyo lahat ng highlights na nangyari sa buhay ko.

"Lahat ng importanteng moments, kaya alam ko siguro na naramdaman ko na mas naging malapit tayo sa isa’t isa dahil itong bagay na ito ang hindi ko makakalimutan.

“Lalung-lalo na isa sa mga ‘yan ay nandiyan kayo nung nakilala ko ang aking bride-to-be.

“Itong party ay siguro ang huling pagsasama natin bilang… yes, it’s the last time for me to celebrate with you as a single man.

"But the next time we celebrate with each other, I already have a wife.”

Loading

Mensahe ni Dingdong Dantes sa press sa send off party nito kanina: "The next time we celebrate with each other is I already have a wife." @dongdantes

View on Instagram

Marami pang mga pangyayaring binanggit si Dingdong na ayon sa kanya ay isang malaking pagtanaw ng utang na loob niya sa media.

Sa huli, sinabi nitong, “God bless you all and magkikita-kita po tayo sa wedding.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa December 30, 2014 gaganapin ang kasal nina Dingdong at Marian sa Immaculate Concepcion Church sa Cubao, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN