Piolo Pascual confirms son Iñigo underwent DNA testing

"Yes. Pero huwag na natin pag-usapan. I don’t wanna build up the issue," says Piolo Pascual when asked if son Iñigo has undergone DNA testing.


Paiwas na kinumpirma ni Piolo Pascual ang napabalitang nagpa-DNA test ang anak niyang si Iñigo.

Natanong si Piolo tungkol dito sa ginanap na press conference para sa taunang SunPiology Run ng Sun Life kahapon, October 6.

Dito, kinumpirma ni Piolo ang sinabi ng kanyang kapatid na si Chiqui Gonzales sa isang special report ng E! News Asia tungkol sa aktor.

“Yes. Pero huwag na natin pag-usapan. I don’t wanna build up the issue,” maikling pahayag ng Hawak Kamay actor.

Ayon kay Piolo, hindi niya alam na magsasalita ang kapatid tungkol sa isyung ito, na ipinalabas noong September 28.

Sabi niya, “Hindi ko alam na my sister talked about it sa [E! News Asia], at kasama ko yung anak ko noon.

“I was cringing kasi hindi ko naman alam na lalabas ’yon sa E!

“Pero siyempre, he’s my own blood.”

Napag-usapan ang tungkol sa DNA testing nang tanungin si Piolo ng entertaiment editor na si Janiz Navida kung napaghahandaan na niya ang kanyang last will and testament.

Sagot ni Piolo, “I’m working on it.”

Nabanggit din ng aktor na ang main beneficiary niya ay ang kanyang ina.

Biro pa niya, “Unahan kami ng nanay ko kung sino ang mauna sa amin. Kapag siya, e, di papalitan ko.”

Pagdating naman sa anak, tiniyak niya na si Iñigo lamang ang nakalistang beneficiary.

Kung sakaling may iba pa raw na lumabas, natatawang sabi ni Piolo, “DNA lang ang katapat nun. Ano ’yon, ganun-ganun lang?”



ON EX-GF KC CONCEPCION. Sa naturang special report, nabanggit rin ni Chiqui ang tungkol sa paghihiwalay nina Piolo at KC Concepcion noong 2011.

Ayon kay Chiqui, nalungkot ang kanilang pamilya, lalung-lalo na ang kanilang ina nang magkahiwalay ang dalawa.

Napag-usapan din ang ginawang tell-all interview ni KC sa The Buzz matapos silang maghiwalay ni Piolo.

Read: KC Concepcion finally admits breakup with Piolo Pascual; refuses to say why

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parteng ito ng special report, maririnig na sinabi ni Piolo, “Either way, she was going to come out with it, and you know what I felt? I felt bad for her because she didn’t have to resort to that.

"I still love her, you know, with all my heart, but it’s just something that she did that I wish she didn’t do.”

Nang tanungin ng entertainment reporters tungkol dito, umiwas nang magbigay pa ng komento ang aktor.

Sa halip, sinabi niya, “I said what I said. Huwag na nating palakihin ’yon. Para sa akin, two years na ’yon.”

Nilinaw rin niyang wala siyang alam sa kung ano ang ieere ng E! New Asia para sa naturang special report.

"As much as possible, ayaw ko nang magsalita about it.

“We didn’t know what was going to come out.

“When I was interviewed, no anything about her...

“I didn’t know what they were going to release it,” paliwanag ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN