Piolo Pascual, Dingdong Dantes, Coco Martin meet the press in one special day

Maituturing na espesyal na araw ang October 6, 2014 dahil sa araw na ito ay nakasalamuha ng entertainment press ang tatlo sa pinakasikat na mga aktor sa Pilipinas—(mula kaliwa) sina Dingdong Dantes, Coco Martin, at Piolo Pascual.


Sa isang pambihirang pagkakataon ay nakapiling ng entertainment press ang tatlo sa top leading men ng Pilipinas kahapon, October 6.

Naka-brunch—o late breakfast at early lunch—ng media ang Kapamilya Drama King na si Coco Martin sa Mom and Tina’s Bakery & Café sa Sgt. Esguerra, Quezon City.

Humarap sa media si Coco, 32, para personal na humingi ng paumanhin sa iba’t ibang women’s group na tumuligsa sa kanyang pagrampa sa The Naked Truth denim and underwear fashion show ng Bench noong September 20.

Hindi nagustuhan ng Gabriela at ng iba pang women’s organizations ang konsepto ng segment ni Coco, kung saan gumanap siya bilang circus master, habang hawak-hawak ang isang lubid na nakatali sa leeg ng isang foreign female model, na gumaganap naman bilang isang circus cat.

Kahapon ay nakaharap ni Coco ang mga lider ng women’s organization upang ipaliwanag ang kanyang panig at humingi na rin ng paumanhin sa kanila.

Read: Coco Martin personally apologizes to women’s organizations; owns up to his mistakes

Lunchtime naman ay nakapiling ng entertainment press ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual para sa launch ng SunPiology Run ng Sun Life, na ginanap sa Max’s restaurant sa Roces Avenue, Quezon City.

Bukod sa taunang run-for-a-cause event na ito, inusisa rin ng press si Piolo, 37, tungkol sa pagsabak sa showbiz ng kanyang anak na si Iñigo at ang relasyon nilang mag-ama.

Read: Piolo Pascual keeps promise to son Iñigo: “When you’re 18, that’s the only time I’ll get into a relationship.”

Kinagabihan naman ay nakasama ng press ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes para sa send-off party cum stag party na inihanda para sa kanya ng talent manager niyang si Perry Lansigan.

Ginanap ang salu-salo sa Cerchio restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-usapan naman dito ang preparations sa nalalapit na pag-iisang dibdib ni Dingdong at ng kanyang fiancée na si Marian Rivera, ang magandang relasyon ng 34-year-old actor sa entertainment press mula pa noon, at ilang isyu na may kinalaman sa kanya.

Read: Dingdong Dantes chooses to keep silent about Lovi Poe-Erik Matti issue

Dahil sa pambihirang pagkakataon na ito, maging ang ilang entertainment press ay tila namangha na nakasalamuha nila sa iisang araw sina Coco, Piolo, at Dingdong.

Kaya naman nag-post sila ng messages at mga larawan kasama ang tatlong aktor sa kani-kanilang social media accounts.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN