Patrick Garcia wants to "make it right" with fiancée Nikka Martinez

“I don’t want any issues or any problems na makakasira roon. You know, baby steps at a time,” says Patrick Garcia about rebuilding good relationship with ex-girlfriend and mother of his son, Jennylyn Mercado.


“Of course, mararamdaman mo ’yan, e,” simpleng paliwanag ni Patrick Garcia nang tanungin tungkol sa ginawa niyang wedding proposal sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Nikka Martinez.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Patrick sa ginanap na press conference para sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Two Wives, kahapon, October 7.

Sa tingin ni Patrick, ito ang tamang gawin bilang isang Kristiyano.

“You know, I took my ’Walk with the Lord’ seriously.

“I found out that we could please the Lord when we’re married.

“That’s what I’m trying to do. I wanna make it right with her and I wanna make it right with the Lord.”

Nag-propose si Patrick sa kanyang fiancée noong July bago ang Sunday service sa kanilang Church.

Ayon sa dating Tabing Ilog actor, madali lamang ang naging preparasyon niya para gawin ang proposal.

Pag-alala niya, “I just spoke to our pastor and I asked him if I could propose to my girlfriend before the service started. Not much preparation.

“The only preparation lang siguro is I called up her family, nagpaalam muna ako na ito ang gagawin ko and I like for them to be there when I propose to her.”

Ang kasal nina Patrick at Nikka ay gaganapin sa March 21, 2015 sa Blue Leaf Pavillion sa Macapagal Avenue, Pasay City.



OKAY WITH JEN. Natutuwa si Patrick dahil nagiging maayos na ang lahat sa kanyang buhay, pati na ang relasyon niya sa kanyang dating girlfriend na si Jennylyn Mercado at sa anak nilang si Alex Jazz.

Wala rin daw itong problema sa kanyang fiancée ngayon.

Sa katunayan, si Nikka pa raw mismo ang nag-ayos ng pagkikita nilang muli ni Jazz.

Salaysay ni Patrick, “It was my fiancée who approached Jen without me knowing.

“I was telling my fiancée that I have to see my son.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t want to grow old, you know, my son not knowing me.

“My son is important to me. And you know, what’s important to me is also important to her.

“So, she surprised me by contacting Jen and nagpaalam if I could see Jazz.

“Hopefully, it stays that way. I don’t want any issues or any problems na makakasira roon.

“You know, baby steps at a time.”



CHANGED PRIORITIES. Sa ngayon, magiging abala muna si Patrick sa bagong teleseryeng kinabibilangan niya habang naghahanda sa kanyang kasal.

Ayon kay Patrick, nag-iba ang pananaw niya sa buhay simula nang maging ama siya sa kanyang mga anak na sina Alex Jazz, 6, at Chelsea, 1.

Sabi ni Patrick, “Of course, I get more inspired to work because I’m not working for myself anymore.

“Now, I’m working for my kids also. You know, I want to give them good future.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN