Matteo Guidicelli on girlfriend Sarah Geronimo: “I just try to make her the happiest girl in the world.”

Matteo Guidicelli on girlfriend Sarah Geronimo: "Sarah is a woman who has a lot of dreams that she wants to fulfill. But it’s not really overnight. It’s gonna take time. So, hopefully in the future, I can fulfill her dreams with her.”


Bagamat pareho silang abala sa kani-kanilang trabaho, iginiit ni Matteo Guidicelli na hindi ito hadlang sa relasyon nila ni Sarah Geronimo.

Sa katunayan, namataang magka-date ang dalawa sa concert ng American singer na si John Legend sa Smart Araneta Coliseum noong September 27.

Read: John Legend’s All of Me concert becomes date night for couples such as Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

Pahayag ni Matteo, “Siyempre naman. She’s my girlfriend. We should have time for each other.

“If there’s no time, we have to make time for each other. That’s how to create a healthy relationship.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment reporters si Matteo bago magsimula ang presscon ng Moron 5.2, na ginanap sa Music Hall Metrowalk, sa Pasig City, kagabi, October 7.

Bukod sa paggawa ng pelikula, patuloy ang training ni Matteo sa triathlon. Si Sarah naman ay madalas ang out-of-town shows at regular hosting stint sa ASAP.

Paano nila hina-handle ang kanilang busy schedule?

Sagot ng 24-year-old actor-TV host, “I try to balance it. It’s hard.

"Siyempre difficult, ’di ba, busy-busy.

“Pero kung gusto mo talaga ang isang bagay, kaya naman lahat.”

Kuwento pa ng aktor, madali lang pasiyahin si Sarah at gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing magkasama sila.

Aniya, “Minsan [pinapatawa ko siya sa jokes ko].

“I just try to make her the happiest girl in the world.

“Sarah is a very simple person. Simple things make her happy.”

Ibinahagi rin ni Matteo na habang tumatagal ang relasyon nila ni Sarah ay mas hinahangaan niya ang pagiging “honest” ng dalaga.

Kaya kahit na hindi sila madalas magkasama ay “secure” si Matteo kay Sarah, at malaki ang tiwala nila sa isa’t isa.

Ano ang natuklusan niya sa Popstar Princess ngayong magkarelasyon sila?

Sabi ni Matteo, “Marami. Sarah is a woman who has a lot of dreams that she wants to fulfill.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But it’s not really overnight. It’s gonna take time.

“So, hopefully in the future, I can fulfill her dreams with her.”

Ngunit inamin ni Matteo na hangga’t maaari ay iniiwasan nila ni Sarah na magkasama sa trabaho, lalo na pagdating sa paggawa ng pelikula o teleserye.

“We talked about it. I decided na we’ll work on our careers individually.

“I’ll work on mine by myself. She does [the same thing].

“We won’t get involved in each other’s careers,” saad ni Matteo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN