John Lapus wants to be considered as a box-office star; appeals for more projects

Despite his current situation, John "Sweet" Lapus has not lost his spirit. To be a bankable artist has become his goal since he lost the title role in Girl Boy Bakla Tomboy to Vice Ganda.


Nalulungkot daw si John "Sweet" Lapus na hindi na kasama si Martin Escudero sa pelikulang Moron 5.2 The Transformation, sequel ng Moron 5 and the Crying Lady na ipinalabas noong 2012.

Sa first installment ng pelikula ay kasama nina Sweet at Martin sina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, at DJ Durano.

Ang Kapamilya actor-TV host na si Matteo Guidicelli ang pumalit kay Martin bilang si Michael Angelo sa sequel nito.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng entertainment press si Sweet sa presscon ng Moron 5.2, sa Music Hall Metrowalk, kagabi, October 7, inamin niyang maging siya ay hindi alam kung ano ang nangyari at nawala sa cast si Martin.

"Alam naman ng lahat na nalungkot ako nang very, very light. Mabait kasi yung bata.

"Umabot ako na inaalam ko kung ano ang nangyari.

"Wala, e, kaya ayaw ko na lang magsalita kung bakit from Mart, naging Matteo."

Dugtong pa niya, "Inimbestigahan ko, pero Viva na lang ang dapat tanungin niyo.

"Kasi, honestly, tinanong ko si Popoy, pero wala raw siyang kaalam-alam.

"Feeling ko, hindi naman gawain ni Popoy na...

"Most likely, ’pag ganun naman, it’s a management decision.

"Siyempre, ’di naman ako choosy kay Matteo.

"Kaya lang, nalulungkot ako ’pag may nawawalan ng trabaho.

"Basically, yun lang."

ME TOO. Si Popoy Caritativo ang dating manager ni Martin, kung saan naging kontrobersiyal ang kanilang paghihiwalay bilang talent at manager.

Read: PEP EXCLUSIVE Martin Escudero finally speaks out about dropping Popoy Caritativo as manager; Popoy’s camp responds to Martin’s allegations

Napagdaanan na rin daw ni Sweet ang ganoong sitwasyon kung kaya kahit paano ay naapektuhan siya sa pagkawala ni Martin sa kanilang pelikula.

"Kasi alam naman ng lahat na it happened to me in the past.

"May project ako na alam ng lahat na akin, ’tapos hindi napunta sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"What more na siya [Martin] talaga yun."

Ang tinutukoy ni Sweet na project ay ang Girl Boy Bakla Tomboy, 2013 Metro Mnaila Film Festival entry na pinagbidahan ni Vice Ganda.

Para daw sa kanya originally ang pelikula, pero iginiit ni Sweet na okey silang dalawa ni Vice.

"Okay kami... wala, wala.

"Nag-apologize naman na siya sa akin na hindi siya nagbigay-pugay.

"Kasi nga, yung ganun na akala mo ay sa iyo na napunta sa iba...

"Nag-apologize naman siya at sabi ko nga, no need to apologize.

"Dahil ’di naman niya kasalanan, it was a management decision.

"At saka, sanay na ako.

"After all these years, sanay na ako sa mga kalakarang ganyan.

"At the end of the day, show business is a business."

HELP! Dagdag pa niya, "Kaya nga yun din ang pakiusap ko sa mga kaibigan kong press na tulungan ako.

"Para eventually, ma-consider na rin ako bilang isang bankable na artista.

"Yun talaga ang target ko ngayon.

"Na-achieve ko na ang maging award-winning.

"Nag-quota na ako sa sinasabi ng tao na, ’Ang galing mo sa pelikulang ’to.’

"So, gusto ko naman yung ma-consider ako na box-office star."

Aminado si Sweet na nakakaramdam siya ng inggit sa mga artistang kusa nang isinisilbi ang mga proyekto sa harapan nila.

"Naiinggit ako, naiinggit ako sa bankable stars, in general.

"Alam mo yun, yung kusang dumarating sa kanila ang projects, ’tapos tinatanggihan?

"Nakakaloka, ’di ba, parang, ’Akin na lang.’

"Ako, ako ang naghahanap ngayon after twenty-one years in showbiz.

"Nakikiusap pa rin ako ng trabaho sa mga kaibigan ko lang.

"Takot ako at mahiyain ako sa ibang tao... ay, naiiyak tuloy ako," sabay pahid sa nangingilid niyang luha sa kanyang mga mata.

May na-realize nga raw siya sa pangyayaring ito.

"Na-realize ko na big stars lang nga pala ang ganun—tumatanggi dahil sa daming projects na ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto lang sigurong magpahinga and they can afford it.

"Kasi siguro yung last movie nila, kumita sila ng milyun-milyon.

"Kaya nga, sa mga baklaan ngayon, uso na pala ang magbigay ng condo o kotse.

"Samantalang ako, nag-aano pa ng tigpa-five hundred.

"Ako, hanggang cellphone pa lang ang naibigay ko.

"At ang binibigyan ko lang ay yung mga naging dyowa ko!" natatawang sabi ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN