Renz Fernandez wishes ex-girlfriend Maxene Magalona well on her transfer to ABS-CBN

Everyone in Renz Fernandez’s family is busy in different Kapuso projects these days. He is back to doing soap after his last teleserye nine months ago. His mom Lorna Tolentino is in the cast of My Destiny and his brother Rap is part of Hiram Na Alaala.


Nine months ago pa natapos ang huling teleserye ni Renz Fernandez sa GMA Network, ang Prinsesa Ng Buhay Ko, kunsaan nakasama niya sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

At ngayon lang ito nasundan sa pamamagitan ng remake ng ’80s drama series na Yagit.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Renz sa press launch ng Yagit, sa Studio 6 ng GMA Network, kagabi, October 7, sinabi niyang hindi naman siya nainip na hindi siya nabigyan agad ng follow-up series.

Inisip na lang daw niyang hinahanapan siya ng role na babagay sa kanya.

Naging sunud-sunod din naman ang guest appearance niya sa iba’t ibang Kapuso shows, bukod pa sa regional shows na kasama siya.

“Yun nga lang, hindi ako kumakanta o sumasayaw.

"Hindi ako marunong, baka pababain lang nila sa stage!

“Hanggang sa mga games na lang ako, yun, kaya kong gawin ‘yon!” natatawang sabi ni Renz.

Worth the wait naman daw ang pagpasok niya sa Yagit dahil ang kanyang ninang sa binyag na si Gina Alajar ang kanilang direktor.

Nagbiro nga si Renz na umiral daw ang "favoritisim" sa set dahil nga inaanak siya ni Direk Gina.

“Ako lang yata hindi niya pinapagalitan sa set. Siyempre, ninang ko si Direk, e!” sabay tawa niya.

Pero bawi ni Renz, “Seriously, kung ano ang pagtrato ni Direk Gina sa ibang artista, ganun din sa akin.

“Professional tayo kapag nasa trabaho.

"Kapag may mali ako, napagsasabihan ako ni Direk.

"Walang ninang-ninang sa set. Kapag trabaho, trabaho tayo.

“Kapag wala na kami sa set, doon na ako lalambing kay Ninang Gina.”

Sa Yagit ay ginagampanan ni Renz ang role bilang Roman, ang tagapagtanggol ng mga batang sina Chlaui Malayao [Eliza], Jemwell Ventinilla [Ton-Ton], Zymic Jaranilla [Ding], at Judie dela Cruz [Jocelyn].

FAMILY. Pare-parehong abala ngayon si Renz, ang kanyang inang si Lorna Tolentino, at ang kuya niyang si Rap Fernandez sa kani-kanilang teleserye sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Lorna ay nasa cast ng My Destiny, habang si Rap naman ay kasama sa Hiram Na Alaala.

May time pa ba silang magkita-kita ngayong busy silang lahat sa trabaho?

Ayon kay Renz, “May time pa naman.

"Noong sinimulan naman ni Mama yung My Destiny, wala pa akong teleserye that time kaya nasasamahan ko pa siya sa mga lakad niya.

“Si Kuya Rap naman, may Hiram Na Alaala siya.

"Sobrang tutok siya sa role niya doon ’tapos location pa ang mga tapings niya.

"Pero kapag may time naman si Kuya, nagkakasama naman kami.

“Ngayon, ako naman ang naging busy, so mabawasan na ang paglabas naming tatlo.

“Pero gagawa naman kami ng way para makapag-bonding parati.

"Nandiyan naman ang social media para updated kaming tatlo sa mga nangyayari sa amin.

“We always keep in touch at nagku-comment kami sa bawat post na photos namin.”

MAXENE MAGALONA. Tinanong din ng PEP si Renz kung may communication pa sila ng kanyang ex-girlfriend na si Maxene Magalona.

Alam ba niyang nasa bakuran na ng ABS-CBN si Maxene?

Sagot ni Renz, “Since naghiwalay kami ni Max, wala na kaming communication.

“Mas nakakausap ko pa yung brother niya, si Frank, kasama ko rin sa Yagit.

“Okey kami ni Frank at wala namang nagbago kahit wala na kami ni Maxene.

“Kami naman ni Max, we parted as friends.

"Kung wala man kaming communication after our relationship, choice na rin siguro namin iyon."

Dagdag niya, “Yung paglipat niya, nabalitaan ko na lang from somebody, ’tapos nabalita naman sa TV.

“Well, I wish her well.

"Kung sa ibang network siya magiging masaya, then I am happy for her.”

Biniro namin si Renz na baka siya ang dahilan kung bakit lumipat si Maxene sa kabilang network.

“Ako nga ba?” tawa niya.

“Uy, hindi naman siguro. Sana noon pa siya lumipat, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, last year pa kami naghiwalay.

“May ibang rason siguro ang paglipat niya.

"May kinalaman siguro yun sa career niya and, definitely, wala akong kinalaman doon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN