LJ Reyes hopes for more comfortable set-up with Paulo Avelino for the sake of their son

Ayon kay LJ Reyes, noon pa mang naghiwalay na sila ni Paulo Avelino ay unti-unti na niyang ipinaliwanag sa anak nilang si Aki ang set-up nila bilang mga magulang nito. Umaasa din siyang pagdating ng araw ay maayos nilang mapalaki ang anak kahit na may kanya-kanya silang buhay ng aktor.


Open na sa pagsagot ang Kapuso actress na si LJ Reyes tuwing natatanong sa ex-boyfriend at ama ng kanyang anak na si Paulo Avelino.

Nitong mga nakaraang pagkakataon kasi ay hindi sila masyadong nagkukomento kapag tinatanong tungkol kay Ethan Akio, ang four-year-old son nila.

Ngunit ngayon ay pareho nang bukas ang dating magkarelasyon sa mga tanong ng press.

Sa naging panayam nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Paulo nitong nakaraang linggo, nagpasalamat siya kay LJ sa maayos nitong pag-aalaga ng kanilang anak.

Read: Paulo Avelino claims relationship with KC Concepcion is purely friendship

Natatawang tugon ni LJ sa sinabi ni Paulo, “Welcome, welcome talaga.

“A, well, siyempre hindi naman kailangan pang magpasalamat dahil dun, ‘di ba?

"As a mother naman talaga, ‘di ba, aalagaan [mo yung anak mo].

“Thank you for providing.”

Hindi rin naman daw nagkulang si Paulo sa pagbibigay ng sustento kay Aki.

“Oo, hindi naman siya nagkukulang sa sustento.”

Nakausap ng PEP at Startalk si LJ sa dressing room ng Studio 6 ng GMA Network sa grand presscon ng Yagit kagabi, October 7.

SET-UP. Kumusta naman ang bonding ng mag-ama?

Ayon kay LJ, “Hindi parati, siguro busy din siya.

"Pero ’pag may time naman siya, hinihiram niya si Aki.”

Kamusta naman ang set-up nila pagdating sa kanilang anak na si Aki?

Saad niya, “Siguro lagi kong pinagpi-pray talaga na someday mas maging ano pa, mas maging comfortable pa yung situation.

"Na parang ‘pag nag-uusap kami ni Pau, we’re back to being friends talaga.

"Para alam mo yun... para mas mapag-usapan namin kung paano palalakihin si Aki.

“Siguro in the future, kapag meron nang mga school programs si Aki, I think nakikita ko na puwedeng maging athlete si Aki, kunyari may game si Aki sa school, sana we can go there together, we can go there for Aki, both present, both parents, ‘di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-explain na ba niya sa anak ang set-up nila ni Paulo?

Ani LJ, “Ever since naman na naghiwalay kami ni Pau, as in right after, kinausap ko siya agad.

"Kahit alam ko na wala pa siyang… in a year’s time kasi parang ang laki na rin ng growth ni Aki.

"So, nung time na yun, parang ang iniisip ko, na kahit hindi niya masyadong ma-grasp yung idea, at least sinabi ko, ganyan.

"’Tapos mapapansin niya naman yung idea, e.

"Alam naman niya yung idea na daddy’s house, mommy’s house.”

BAD "FLORA" IN YAGIT. Bilang isang ina, nahirapan ba siyang magkontrabida sa TV remake ng Yagit, lalo na’t ang kanyang karakter ay nananakit ng mga bata?

Tugon ng 26-year-old StarStruck alumna, “Well, yung karakter ngayon ni Flora kasi this time, inilayo namin ni Direk Gina Alajar.

"Kung paano magsalita si LJ, inilayo dun sa kilos ko, yung pananamit, yung hitsura ko, ganun.

“’Tapos mahirap in the sense na dahil kailangan kong manakit ng bata, siyempre nakikita ko si Aki sa kanila.

“’Pag mga ganung eksena, sinasabi ko na lang talaga na hindi ako si LJ, ako si Flora.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN