Jennylyn Mercado awestruck by Rachelle Ann Go’s performance in Miss Saigon

It was her first time to visit London, and although it was a hectic working trip, Jennylyn Mercado says it was worth it. "Yung mga fans na nakikisabay sa ‘yo sa pagkanta... yung feeling na kahit papa’no, alam kong na-miss nila ang Pilipinas. Yung mga songs na mga Pilipino o OPM songs, marinig lamang nila, happy na ako dun..." she relates.


First time ni Jennylyn Mercado na makapunta sa London, England at successful naman daw ang shows na ginawa niya doon kamakailan.

Kuwento niya, “Work pa rin siya.

“From my flight, diretso sa fans’ day.

“After fourteen hours na travel, diretso sa meet-and-greet, picture-picture.

“’Tapos dinner event and then dire-diretso ng rehearsal, ’tapos ng show.

“Ten days na ganun yung routine.”

Pero okey lang daw kay Jennylyn kahit ganun ka-hectic ang naging schedule niya sa kanyang recent trip sa London.

Sa kanyang Instagram, may mga selfie photos nga siyang nai-post.

“Pero walang masaya na photos!” sabay tawa ni Jennylyn.

“Panay ano lang ako na, ’Sige, picture.’ Ganun lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang pang miyembro ng media si Jennylyn noong Linggo, October 5, pagkatapos ng Sunday All Stars.



WORTH IT. Sobrang nakakapagod man daw bawat araw na inilagi niya sa London, sa kabilang banda ay masarap sa pakiramdam na may napasaya siyang mga Pinoy doon.

“Okey naman, kasi yung mga fans na nakikisabay sa ‘yo sa pagkanta, alam nila yung mga kanta mo.

“At saka yung feeling na kahit papa’no, alam kong na-miss nila ang Pilipinas.

“Yung mga songs na mga Pilipino o OPM songs, marinig lamang nila, happy ako dun...

“Masaya talaga, masarap pala sa London, ‘no?” tawa niya ulit.

“Ang ibig kong sabihin, iba yung… yung scenery, malinis. Disiplinado yung mga tao."

Anong lugar na kanyang napuntahan ang pinakagusto niya?

Sabi ni Jennylyn, “Yung London itself, kahit saan ako iikot, okey ako.

“And then yung Abbey Road,” banggit niya kung saan nag-pictorial habang tumatawid ang iconic British group na Beatles.

“Kasi fan ako ng Beatles, e.

“So, kahit ang daming tumatawid na sasakyan at bubusinahan nila ako lahat, wala akong pakialam!

"Tatawid at magpi-picture ako… talaga!”

Kasama ni Jennylyn na bumiyahe ang kanyang Mommy Lydia at kagaya ng plinano nila, mula London ay nagpunta sila ng Paris, France.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-Eiffel Tower kami.

“Okey sana kung kasama rin naming si Jazz,” banggit niya sa anak nila ni Patrick Garcia.

“Pero may pasok siya.

“First time lang namin na mahiwalay nang ganun katagal.

"Ay, grabe! Na-miss ko siya.

"Iyon ang pinakamatagal na panahon na hindi ko siya nakasama.

“Kasi usually, isang araw o dalawang araw lang, kaya every day, nag-i-Skype!”

AWESTRUCK. Habang nasa London ay nanood din si Jennylyn ng Miss Saigon, kung saan kabilang sa cast si Rachelle Ann Go na siyang gumaganap bilang si Gigi.

“Iyon ang isa sa talagang hindi ko pinalampas.

“Talagang nag-communicate kami at sabi ko sa kanya, manonood kami.”

How was it?

“Wala akong masabi!” bulalas ni Jennylyn.

“Nung napanood ko siya, ’Oh, my gosh, siya ba ‘yan?’

“Napakagaling niya!

“Nakaka-proud! Talagang nakaka-proud.

“Wala talaga akong masabi.”



BORING LOVE LIFE. Nangiti naman si Jennylyn nang mausisa sa kasalukuyang lagay ng kanyang lovelife. May nakaka-date ba siya ngayon?

“Wala, boring!”

Bakit may balitang nagkabalikan na raw sila ni Dennis Trillo?

“Hindi, friends kami.

“Kaya ganun, iyon naman ‘yon.

“Pero wala... wala.”

Hindi niya nakikitaan ng effort si Dennis na maging close sila ulit gaya dati?

“Wala nga, e. Friends nga lang, e.

“Wala muna ang lovelife.

"Sarili ko muna at saka trabaho," sabi ni Jennylyn.

SECOND CHANCES. Samantala, malapit nang ipalabas sa GMA ang bagong drama series ni Jennylyn, ang Second Chances.

Nag-pictorial na raw siya kasama ang iba pang cast nito na kinabibilangan nina Camille Prats, Rafael Rosell, at Raymart Santiago.

Saad niya, “Masaya! Excited ako, e.

“Heavy drama siya, talagang sobrang heavy.

“Maraming eksenang umiiyak. Mabigat. Masakit sa puso.

“And I’m sure magugustuhan ito ng viewers.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN