Dingdong Dantes "confident" about the character of future wife Marian Rivera

Dingdong Dantes on Marian Rivera as a future mother: "Grabe, kung sa pag-aasikaso pa lang niya sa akin ngayon, kakaiba na. Paano pa kaya bilang isang nanay? So, nakikita ko naman ‘yan. ’Yan ang isang bagay na hindi mo puwedeng pekein."


Ngayong 2014 ay napakaraming celebrity couples ang na-engage at nag-propose, kabilang na "Kapuso Royal Couple" na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sabi ni Dingdong tungkol dito, “It’s such a great thing, love is in the air.

“Alam mo na maganda ang binibigyang halaga ng mga tao ang sacrament ng matrimony. Hindi lang sila basta-basta naisip gawin.

“Alam ko na galing sa matagalang paghahanda at preparasyon ‘yan ng dalawang tao. Hindi naman biglaang pangyayari ‘yan.

“So, nakakatuwa at nakaka-inspire rin siguro sa iba na ang ganitong klaseng samahan ay puwedeng magbunga pa into much serious relationship.

“Kumbaga, they took it to much higher.”

Ayaw namang pagtuunan ng pansin ni Dingdong ang sinasabi na ang kasal nila ni Marian ang pinaka-inaabangan ngayong taon.

“Hindi naman po, tingin ko naman, kanya-kanya naman ‘yan.

“Siguro, nagkakataon lang na sa sequence of events, baka mauna lang siguro kami. Baka dahil doon.

“But the rest, may kanya-kanyang special characteristic, may kanya-kanyang unique traits, at saka mga espesyal na kaganapan na mangyayari sa kanilang kasal.”



GOODBYE TO SINGLEHOOD. Mahigit dalawang buwan na lang ay magpapaalam na si Dingdong sa pagiging binata. Ano ang pakiramdam niya?

Saad ng aktor, “Hindi ko alam, e… siyempre masaya na nakakakaba.

“Looking forward sa kung ano ang puwedeng mangyari, ‘di ba?

“Hindi ko alam, e. Feeling ko, mararamdaman ko yun kapag malapit na talaga.”

Ano kaya ang mami-miss niya sa pagiging binata?

“Mami-miss ko? Feeling ko, yung mga araw na wala akong ibang iisipin kung hindi sarili mo lang.

“Of course, now, marami ka nang iisipin.

“Nandiyan na yung asawa mo at kung magkakaroon kayo agad ng anak, yung pamilya mo.

“Palaging kapag ako ay nagising, maglakbay, hindi lang ang sarili ko ang iisipin ko kung hindi ang aking pamilya and family to be.”

Ilang anak ba ang gusto niya?

“Ako, kahit ilan. Nowadays, ang anak is a blessing. Kahit ilan po ang ibigay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nai-imagine na ba niya si Marian bilang isang ina?

Saad ni Dingdong, “Grabe, kung sa pag-aasikaso pa lang niya sa akin ngayon, kakaiba na. Paano pa kaya bilang isang nanay?

“So, nakikita ko naman ‘yan.

“’Yan ang isang bagay na hindi mo puwedeng pekein.

“Kapag yung circumstance, e, nagkaipitan na, makikita mo talaga ang tunay ng isang tao at doon kami nagsama nang matagal.

“Nakita ko siya kung paano siya sa pinakamahirap na sitwasyon. Kung paano siya sa pinakamasayang sitwasyon.

“So, ito yung mga bagay na malalaman mo na magiging confident ka sa karakter ng taong pakakasalan mo.”

Sa kasal nila ni Marian, hindi kaya maiyak siya? Madalas daw kasi sa kasal, ang lalaki pa ang mas iyakin.

“Hindi ko alam, hindi ko alam, e.

“Bihira rin… pero yung dalawang kasal ng kapatid kong babae at saka yung mga asawa rin nila mismo, nakikita ko sila mismo.

“Pero siyempre, poised pa rin dapat!” natawang sabi ni Dingdong.

Sinagot din ni Dingdong ang usap-usapang nagsasama na sila ni Marian bago pa man ang kanilang kasal.

Sabi niya, “Ay, hindi po madalas.

“Pero minsan, madalas ako sa kanila. Minsan, madalas din siya sa akin.

“Pero yung officially na namumuhay… although, gusto ko na.”



WORRIES. Ilan sa mga artistang ikinasal ay nagkaroon ng kaba kung ano ang mangyayari o magiging pagbabago pagdating sa kanilang career. Naiisip din ba ito ni Dingdong?

Pag-amin ng Kapuso Primetime King, “Of course, of course.

“And since alam ko naman na nangyayari nang madalas, sa karamihan, siyempre yun ang isa sa mga bagay na kinonsider ko.

“Pero there are things that are more important than career.

“There are things that are more important than fame, money, at ‘eto yung mga bagay na ‘yan na hindi mo talaga puwedeng ipagpalit.

“So, having all things considered, siyempre kung ano ang mahalaga sa ‘yo, yun ang gagawin mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At para sa akin, having a family is the most important thing right now.

“So, it’s a bonus na lang later on, but the career remains the same.

“Kung ano ang meron ngayon ay mananatili, nasa pagkatao naman ‘yan. At saka, nasa sariling pagsisikap.

“Kung tatamarin ako, e, talagang tatamarin din ang industriya sa akin.

“Pero kung manatili pa rin ang pagmamahal ko sa trabaho ko, e, nandoon pa rin siguro yung mga karapat-dapat.”

Nakikita ba niya ang sarili niya na tatanda sa industriya?

Sagot ni Dingdong, “Definitely, definitely po.

“Kung hindi man on-cam, off-cam. That’s how much I love the industry.

“This is not the end. We will be seeing each other hanggang nandito kayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN