Alden Richards not offended by gay rumors: "Sigurado po akong hindi lalaki ang type ko.”

Alden Richards says it’s his choice that he does not even have a steady date and if they’re saying he’s gay, they can go to town with it. He can’t be bothered.


Simula nang maging artista si Alden Richards ay hindi siya nagkaroon ng girlfriend.

Kaya katulad ng ibang male stars na single and unattached ay natsitsismis siyang bakla.

“Iyon nga po, e!” natawang reaksiyon ni Alden sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero hindi naman daw nao-offend ang Kapuso heartthrob kapag iniintriga siyang bading.

Saad niya, “First of all, hindi iyon ang batayan kung ano ang sexual preference mo.

“Meron nga pong mga may asawa na, ’di ba, na third sex?

“Hindi naman po siguro batayan na porke’t walang lovelife for the past couple of years, yung sexual preference mo, nag-iiba.”

Hindi siya nao-offend?

“Hindi po, sanay na po ako diyan!” bulalas niya.

Ano ang isinasagot niya sa mga pagdududang ito sa kasarian niya?

“A, ako po, sigurado po akong hindi lalaki ang type ko!”

Guwapo at sikat kaya tiyak na lapitin si Alden. Paano siya umiiwas sa mga lumalapit at nagpapahiwatig ng interes sa kanya, lalo na sa bars?

Sagot niya, “Minsan lang po, ’pag may nag-imbita.

"Hindi po ako nagpupunta talaga dahil gusto kong uminom at mag-party, hindi po ako ganun, e.

“Hindi naman po sa umiiwas, pero dinadala ko po sa isang magandang usapan.

"Para at least hindi naman ma-offend ’tsaka wala po akong mabastos.”

Inamin ni Alden na may mga sumubok nang “akitin” siya.

“Marami naman po.”

Ang huli raw ay noong nasa Amerika siya.

“Nung nagbakasyon po ako.”

Tinanggihan daw niya ito.

“Kasama ko po ang tita ko nun, e.”

Lumalabas pa ba siya on dates?

“Hindi naman po date, meet and greet, kumbaga... meet and greet lang!” at tumawa si Alden.

Wala raw siyang steady date at choice iyon ni Alden.

“Masarap naman pong makakilala ng mga bagong tao inside and outside of showbiz kasi mas lumalaki yung social circle.

“Mas maraming koneksiyon kumbaga po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DARK MOMENTS. Si Alden ang co-host ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa bagong talent search ng GMA Network na Bet Ng Bayan.

Siya rin ang bida sa upcoming bayaniserye ng Kapuso network na Ilustrado, kung saan kasama niya sina Kylie Padilla at Solenn Heussaff.

Ginagawa rin ni Alden ang pelikulang Cain at Abel, kung saan ang co-star na niya ay si Mark Herras na siyang pumalit kay Aljur Abrenica.


Dahil sa sunud-sunod na mga proyekto, aminado si Alden na nakakaranas siya minsan na ma-burnout, magsawa, at mapapagod sa trabaho.

Saad niya, “Dumarating po talaga ako sa time na yun, ’pag pagod ka na, merong dark times.

“Feeling mo lahat against sa iyo, wala kang kakampi.”

Isa lang daw ang ginagawa ni Alden sa mga ganoong panahon.

“Dasal po, very powerful, prayers talaga.

"Yun po yung nakakapagpatatag sa akin.

"And siguro yung drive ko talaga to improve our daily life, especially yung family ko.

“Iyon po talaga yung nagpu-push sa akin to endure lahat ng paghihirap sa showbiz.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN