Kaye Abad wants reunion project with John Lloyd Cruz: "Gusto kong makatrabaho rin ang Box-Office King this time.”

It’s true that the Kapuso network has shown interest in pirating her but Kaye Abad is staying put, and not just because of her lead role in Kapamilya’s Two Wives. She says, “I’m very loyal and I’m very happy naman sa lahat ng ibinibigay ng ABS sa akin... wala akong reklamo.”


Pakiramdam daw ni Kaye Abad ay nasa loob siya ng pressure cooker ngayong bida na siya sa bagong primetime series ng ABS-CBN, ang Two Wives.

Sabi niya, “Sobrang pressure kasi, una, pinag-pray ko ‘to.

"Every night naman, I ask kung ano ang para sa akin.

"Na palagi kong sinasabi sa Kanya na, ’Hindi po ako nagmamadali. Willing akong maghintay as long as maganda ang project and masaya yung mga makakatrabaho ko, okey ako dun.’

“Parang, grabe, too good to be true talaga ang nangyayari ngayon na, ‘eto ang ibinigay sa akin.

"’Tapos, happy ako sa lovelife, happy sa family, parang everything perfect.

"Sabi ko nga, parang natatakot ako, bakit kaya ‘eto ibinigay lahat?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Kaye sa press conference ng Two Wives, ang Korean series adaptation.

POSITIVE INFLUENCE. Ang boyfriend daw ni Kaye na si Paul Jake Castillo ang nagbibigay ng positibong pananaw sa kanya, lalo na kapag nakakaramdam siya ng kaba o pressure.

“Sabi niya, ’Don’t say that, parang you think na lang na maybe. He gave that because you’re the right person who can handle it well.’”

Maituturing ba ni Kaye na biggest break niya ang Two Wives?

Sagot niya, “Oo, sobra! Kasi, primetime.

"Ay, grabe, hanggang ngayon hindi ako makapaniwala.

"Actually, doon ako napi-pressure na sinasabing, ’I’m happy for you, you deserve it.’

"Mas lalo akong napi-pressure.

“Yung show pa lang itself na inilagay sa primetime, it was originally pang-hapon.

"And then, nag-decide na lang na i-primetime, doon pa lang, pressured na ako."



PATIENCE. Matagal na rin Kapamilya si Kaye at simula pa lamang noong Tabing-Ilog, kunsaan ka-loveteam niya si John Lloyd Cruz, napakarami nang humanga sa kakayahan niya bilang isang aktres.

Hindi ba siya nainip?

Tugon niya, “Never, palagi kasing itinuturo sa akin ni Inang [Olivia Lamasan], patience is a virtue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sobrang tagal ako naging patient.

"At saka, palagi ko rin namang sinasabi before, lahat naghahangad na maging star.

"Ako kasi, mas more on makilalang aktres. Makilala na magaling sa mga ginagawa niya.

“Siguro, blessing na lang ‘to na, ‘eto, nabigyan ako ng magandang break.

"Sobrang thankful talaga ako.”

Nabalitang interesado sa kanya ang GMA Network.

Ang pagbibida ba niya sa Two Wives ang dahilan kung kaya’t nanatili siyang Kapamilya?

Ayon kay Kaye, “Actually, matagal na yun, that was before pa, Angelito days pa.”

Nakangiting sabi pa niya, “Loyal ako.

"I’m very loyal and I’m very happy naman sa lahat ng ibinibigay ng ABS sa akin.

"Maaaring hindi sunud-sunod, pero lahat ng ibinibigay nilang project sa akin, very promising.

"Lahat magaganda yung role, so wala akong reklamo.”



BASHERS. Sa social media, may netizens na tila kinukuwestiyon kung bakit silang dalawa ni Erich Gonzales ang bida sa Two Wives.

Kung pagbabasehan daw kasi ang Korean soap, si Kaye ang talagang pinakabida ng serye at may fans si Erich na tila hindi ito tanggap.

Aware ba siya rito?

“Yes, meron,” pag-amin ni Erich.

“May mga nababasa akong ganun, pero hindi natin maiaalis, e.

"Siyempre, mas maraming fans talaga si Erich.

"Siyempre, iba yung kay Erich, nag-lead na siya sa Katorse, so hindi natin yun maiaalis.

"Pangalawa, I don’t take it na ako ang lead.

“Two wives nga, there are two of us.

“Pangatlo, hindi naman magkakaroon ng wife kung walang husband [played by Jason Abalos].

"So, it’s really the two of us.”

JOHN LLOYD CRUZ. Naitanong din ng PEP kay Kaye, ngayong pinagkatiwalaan na siya ng Kapamilya network na magbida sa primetime, posible bang magtambal silang muli ng orihinal niyang ka-loveteam at dating boyfriend na si John Lloyd Cruz sa isang teleserye.

Sagot niya, “Naku, matagal na naming hinihintay ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napag-uusapan namin na, ’Uy, kailan na tayo mag-MMK [Maalaala Mo Kaya]?

"Kahit MMK lang, hopefully, sana…

"Busy rin naman si Lloydie, so hindi maisingit.

"Hanggang Home Sweetie Home lang kami.”

Aminado naman si Kaye na nami-miss na niyang makatrabaho si John Lloyd.

“Kasi, yung last naming magkatrabaho, Tabing-Ilog pa.

"Malalim na siyang actor nun, pero this time, iba na siya, e.

"Siyempre, gusto kong makatrabaho rin ang Box-Office King this time.”

RELATIONSHIPS. Kung tutuusin, maganda ang record niya sa mga ex-boyfriends niya dahil nagiging kaibigan naman niya ang mga ito.

Paano niya nagagawa yun?

Saad ni Kaye, “Oo, lahat ng ex ko, friends ko. Ayoko ng may kaaway.

"Ako kasi, kapag nagrerelasyon, matagal.

"May seven years, may three years, so nagiging close ako sa family.

"As much as possible, ayoko ng may samaan ng loob kasi nagiging kaibigan mo yung pamilya nila, e.”

Ngayon daw, kung may masaya man sa bagong oportunidad niyang ito ay ang boyfriend na si Paul Jake. Anong sabi nito sa kanya?

“Sabi niya, nakakatawa, ’Kapag yumabang ka, hihiwalayan kita!’” tawa ni Kaye.

May tendency ba siyang yumabang?

“Wala! Grabe, hanggang ngayon nga, hindi ko ma-imagine.

“Naalala ko dati, magkaibigan pa lang kami, sabi niya ayaw niyang mag-girlfriend ng showbiz.

"Kasi raw, mahirap yung palaging may trabaho, wala nang time. So, naalala ko yun.

“This time na girlfriend na niya ako, kung hangga’t may oras na maisisingit, isisingit ko yun. Kahit dinner lang.

"Very supportive naman siya sa lahat. Very happy siya.”

Kung sakaling ang susunod na ibibigay sa kanyang project ay mas daring na karakter, papayag kaya si Paul Jake?

Sagot ni Kaye, “Okey naman siguro, huwag lang sobra.

"Kasi, kahit naman sa akin, hindi rin ako papayag ng sobra.

"Hanggang ano lang ako, hanggang likod lang. Likod, leeg, ganyan lang.

“Mga kissing scenes, pero yung todo-daring, hindi siguro.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may isa namang palaging napapansin kay Kaye, tila hindi raw nakikita sa mukha at katawan niya na tumatanda siya.

Natawang sabi niya, “Feeling ko nga, tumatanda na ang hitsura ko. Hindi na katulad ng dati.”

Ano ang sikreto niya?

“Siguro palagi lang happy, hindi ko rin alam, e!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN