James Blanco returns to his home network; compares working with ABS-CBN and GMA

James Blanco on working with GMA and ABS-CBN: “Dito [GMA] kasi, ‘pag binigyan ka nila ng pagkakataon, kahit mababa ka, may pangalan ka, pare-pareho ang importansiyang ibinibigay. Hindi ko naman sinasabing sa kabila [ABS-CBN], hindi ganoon. Pero siyempre, siguro dahil sa kabila naman, talagang inaalagaan nila yung talagang big star nila, ‘di ba?"


Balik-Kapuso ang aktor na si James Blanco.

Kasama siya sa cast ng remake ng drama series na Yagit, na ipalalabas simula sa Lunes, October 13, sa GMA Afternoon Prime.

Bago ito ay dalawang taon lumabas sa mga teleserye ng ABS-CBN si James; kabilang na ang Lorenzo’s Time, Kahit Konting Pagtingin, Juan dela Cruz, The Legal Wife, at Mirabella.

Ano ang kaibahan o pagkakahawig ng pagtatrabaho sa dalawang top TV networks sa bansa?

Ayon sa 33-year-old actor, “Siyempre magiging hypocrite naman tayo kung sasabihin nating walang comparison. Siyempre meron.

“Malaki, e, malaki yung pagkakaiba sa kabilang network at dito.

“Kasi, dito ka nanggaling… dito, ang napansin ko dito kasi sa GMA, walang... ano ba… paano ba ang magandang term?

“Dito kasi, dito walang star ano, e…”

Star system?

“Parang ganun…

“Dito kasi, ‘pag binigyan ka nila ng pagkakataon, kahit mababa ka, may pangalan ka, pare-pareho ang importansiyang ibinibigay.

“Hindi ko naman sinasabing sa kabila [ABS-CBN], hindi ganoon.

“Pero siyempre, siguro dahil sa kabila naman, talagang inaalagaan nila yung talagang big star nila, ‘di ba?

“So, siguro iyon ang tingin kong nakikita kong comparison ng bawat network.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa presscon ng Yagit, sa Studio 6 ng GMA Network Center, noong Martes, October 7.



BACK TO GMA. Sa ngayon ay freelancer si James.

Medyo matagal daw siyang nawala sa GMA; ang huli niyang show sa Kapuso network ay ang Makapiling Kang Muli noong 2012.

Matatandaang nagsimula si James bilang teen star sa youth-oriented series ng GMA na Click noong 1999.

Kumusta ang pagbabalik niya sa kanyang unang “tahanan”?

Sabi ni James, “Kinabahan ako… kinabahan ako.

“Unang-una, ang sabi ko nga, bumalik naman ako sa kabila [ABS-CBN], sunud-sunod naman yung ginawa kong trabaho.

“Pero ‘pag bumalik ka pala dun sa mother network mo, medyo kakabahan ka, e.

“Dahil hindi mo alam kung ano yung tingin ulit sa iyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Importante ang papel ni James sa Yagit bilang si Victor Gusion.

“Ang role ko dito may kaugnayan sa isa sa mga batang yagit na mag-uugat doon,” sabi niya.

Sa original movie version na Mga Batang Yagit (1984) ay si Dindo Fernando ang gumanap sa papel ni James, at sa TV naman ay si Ernie Garcia ang gumanap sa nasabing role.



FORMER MANAGER. Ang dating manager ni James ay si Popoy Caritativo.

Ano ang nararamdaman niya ngayong sikat na sikat sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, na mga alaga ngayon ng kanyang dating manager?

Si Popoy rin ang dating manager ni Marian Rivera.

Saad ni James, “Happy ako! Sobrang happy ako sa kanila.

“Ako naman, lagi kong sinasabi, kahit noong naghiwalay kami ni Popoy, sabi ko sa bawat tao, kahit hindi kina Popoy, bawat sinong artista na nararating yung mga gusto nilang marating bilang sikat na artista, yung kasikatan...

“Bawat artista, hindi man ngayon yung pagkakataon niyo, alam ko darating yung right time para sa inyo.

“So, maghintay ka lang talaga.”

Magkaibigan pa rin ba sila ni Popoy hanggang ngayon?

Sagot ni James, “Hindi ko masasabing friends kasi… nagkita kami last Sunday, okay naman, binati niya ako, binati ko siya.

“Siguro naman sa kanya, matagal na yun, e. Siguro may sampung taon na yun, e.

“Siguro parang kailangan na nating mag-move on.

“Medyo may edad na rin naman tayo, hindi naman tayo bata na parang… ‘di ba?

“Unang-una, wala naman akong ipinakitang masama, iyon lang naman.”

NEW MANAGER. Ang manager ngayon ni James ay ang sikat na fashion designer na si Paul Cabral, na nagsimula nang mag-manage ng talents.

Pero hindi naman daw sana siya lang ang kauna-unahan at nag-iisang talent ni Paul.

“Kasama ko sila Senator Jinggoy Estrada ‘tsaka yung mga anak niya.

“Dapat kasama ko sila, pero nag-sign sila sa Star Magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, siya [Paul] rin dapat ang magma-manage, but nagkaroon ng problem, hindi natuloy yung pagma-manage niya doon sa mga bata.”

Kaya sa ngayon ay siya lamang ang talent ni Paul.

“Yes, dapat lahat nung anak niya [Senator Jinggoy], kami.”

Okay naman daw na manager si Paul.

“Masaya!” bulalas niya.

“Ngayon magtatayo na siya ng agency niya para mag-concentrate siya sa showbiz din.”

Pero tuloy pa rin daw si Paul sa pagde-design mga kasuotan para sa mga lalaki at babae nitong kliyente.

Ayon pa kay James, “Nag-expand pa siya ng business niya, e.”

Hindi raw nagdalawang-isip si James na magpa-manage kay Paul kahit mas kilala itong designer at hindi bilang talent manager.

Paliwanag ng aktor, “Sa akin, kung nasa mabuti kang kamay ng tao at napakabuting puso, hindi naman kailangang magdalawang-isip ka, e. ‘Di ba?

“Sa akin lang, yung tamang tao, tamang pakikisama, mabibigyan ka ng magandang trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN