Erich Gonzales not pressured to follow engaged celebrity couples this year

Erich Gonzales on playing a mistress for the first time: “Nandun yung excitement, nandun yung kaba... ‘Pag wala na yung kaba, hindi na yun maganda, ‘di ba? Kasi kampante ka na… Para naman mas ma-push ka pa. It’s very challenging kasi iba rin yung ‘pag gagawa ka ng character na wala ni kahit katiting na katulad sa totoong ikaw."


Nilinaw ni Erich Gonzales ang isyung tinanggihan daw niya ang role na mistress sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Two Wives noong unang ialok ito sa kanya.

Paliwanag ng Kapamilya actress, “Nung time na in-offer sa akin ito, aalis ako papuntang Europe.

“Matagal nang naplano yun, two years ago pa.

“Sabi ko, parang malabo, kasi mag-i-start na nga raw [ang taping].

“Sabi ko, two years nang nakaplano yung Europe.

“It’s not that tatanggi ako sa work, pero parang ang bilis ng mga pangyayari.

“Sabi ko, kung para talaga sa akin ito, para sa akin.

“And then, Ms. Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president] said, the management, na they wanted me to do it, na ako yung gumanap sa role talaga.

“Siyempre, ako, gusto ko lang naman na magtrabaho nang magtrabaho. Sino naman ako para tumanggi?

“Tamang-tama, sabi nila, ‘Pagkauwi mo from your break, sisimulan na natin. Hihintayin ka namin.’”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Two Wives noong October 7, Martes.



TWO WIVES. Ang kuwento ng Two Wives ay umiikot sa banggaan ng tunay na asawa at ng kabit para sa pagmamahal ng isang lalaki.

Marami nang naipalabas na ganitong tema sa TV man o pelikula, kaya sinasabing nakikiuso lamang sila.

Reaksiyon dito ni Erich, “Siyempre kanya-kanyang opinyon naman tayo.

“Sa amin lang, sana mapanood nila ang Two Wives bago nila husgahan.

“Pero like what I’ve said, normal naman yun na judge-judge muna, pero sana mapanood muna nila.”

Hindi man niya nasubaybayan ang Korean version ng Two Wives, sinabi ni Erich na may ilang pagbabagong ginawa sa istorya ng Pinoy version nito para bumagay sa kulturang Filipino.

Ito ang unang pagkakataon na gaganap bilang isang mistress o kabit si Erich. Ano ang pakiramdam?

Saad ng 24-year-old actress, “Nandun yung excitement, nandun yung kaba.

“Gaya ng sinabi ko, ‘pag wala na yung kaba, hindi na yun maganda, ‘di ba? Kasi kampante ka na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para naman mas ma-push ka pa.”

Dagdag niya, “It’s very challenging kasi iba rin yung ‘pag gagawa ka ng character na wala ni kahit katiting na katulad sa totoong ikaw.

“With the guidance of our director, yung buong creative team, parang nabigyan ng linaw kung saan patungo yung istorya talaga.

“Ito, sobrang nagustuhan ko kasi yung twists.

“Yung tunay na asawa, magiging mistress. Yung mistress, magiging tunay na asawa.

“Kung paano yun mangyayari, yun ang dapat nilang abangan at panoorin.

“Sana maumpisahan nila para maintindihan nila yung kuwento.”

Wala rin daw isyu kay Erich kung isa nang ina ang karakter na ginagampanan niya sa kanilang primetime series.

“Actually, pang-third na remake ko na ito na mommy ako.

“Yung first yung Katorse na nanay ako, then sa Maria la del Barrio naging nanay din ako, and ito nga.

“And for me kasi, ‘pag kasali sa role yun, sa character, no problem naman.

“Hindi na rin tayo bata, siyempre nagma-mature tayo, at kasabay nun ang pagtanggap ng mga mature roles.”



ERICH’S LOVELIFE. Samantala, bukas naman si Erich kung gaano siya kasaya at kakuntento sa relasyon nila ngayon ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Kuwento pa niya, “Very supportive, excited siya na may bagong show ako.

“Ever since naman, walang problema, kasi hindi naman siya seloso o sinasakal ako.

“Free ako to do anything I want, he is there to support me.”

Sunud-sunod ngayon ang celebrity couples na nae-engage o ‘di kaya’y nagpapakasal. Hindi pa ba sila susunod ng kanilang boyfriend?

Sabi ni Erich, “Naghihintay din tayo.

“Hindi naman yun isang bagay na porke’t yun ang nangyayari ngayon, gagawin mo na rin.

“Siyempre, kailangan gagawin mo yun ‘pag handa ka na talaga at kung napi-feel mo it’s the right time.

“Basta ang napag-uusapan namin, ‘pag handa na kami pareho, hintay-hintay lang muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ENCHONG’S LOVELIFE. Kinunan din namin ng pahayag si Erich tungkol sa paglantad ni Enchong sa katauhan ng kanyang model-girlfriend, na naging ka-date pa ng young actor sa nakaraang Star Magic Ball.

Unang inamin ni Enchong ang pagkakaroon niya ng girlfriend habang ginagawa nila ni Erich ang pelikulang Once A Princess, at alam na raw ng young actress ang tungkol dito noon pa man.

“Siyempre pinagkatiwalaan niya ako na huwag muna [sabihin.

"Tsaka ayoko naman na sa akin manggaling yung mga ganung bagay, kailangan sa kanya manggaling.

“Happy ako na open na sila ngayon, happy ako na masaya sila.”

Noong una ay marami ang nagdududa na “imaginary” lamang daw ang sinasabing girlfriend ni Enchong upang mapagtakpan ang hindi matapus-tapos na intriga tungkol sa sekswalidad nito.

Hanggang sa ipakilala na nga ni Enchong sa publiko ang kanyang girlfriend.

Sabi ni Erich tungkol dito, “Nakita ko nga sa Instagram posts niya na sa mga nagsasabi na imaginary, nag-post sila ng pictures together.

“Sana lang, kung masaya yung tao, maging masaya tayo para sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN