Another suspect in murder of Cherry Pie Picache’s mother surrenders

A second person being linked to the murder of Cherry Pie Picache’s mother turns himself in to the National Bureau of Investigation to clear his name.


Isa sa mga suspek sa pagpatay sa ina ng aktres na si Cherry Pie Picache ang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong araw, October 9.

Ayon sa ulat ng dzBB reporter na si Cecilia Villarosa, na nailathala sa GMA News website, sumuko si Sherwin Ledesma sa NBI upang linawin ang pagkakadawit niya sa pagpaslang kay Zenaida Sison, 75, noong gabi ng September 19.

Read: Cherry Pie Picache’s mom found dead in her Quezon City home

Itinanggi ni Ledesma na may kinalaman siya sa ginawang krimen sa bahay ng biktima.

Sa katunayan nga raw ay ikinabigla at ikinagalit niya ang pagdadawit ng kanyang pangalan sa malagim na pagpatay sa ina ni Cherry Pie.

Pero hindi niya ikinaila na kilala niya ang itinuturong main suspect na si Michael Flores, na nahuli ng sa isang subdivision sa Sta. Rosa, Laguna, noong Martes ng gabi, October 7.

Read: Suspect in Cherry Pie Picache’s mom’s murder arrested in Laguna


Sa isang panayam kay Cherry Pie, sinabi ng aktres, “Masaya ako sa nangyari, pero umpisa pa lang ito. Conviction ang habol namin.”

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na pagnanakaw ang motibo ng mga suspek sa pagpaslang sa ina ni Cherry Pie.

Umaabot umano sa halos P500,000 ang halaga ng cash at mga gamit na nakuha mula sa biktima.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN