Elmo Magalona admits real score with Janine Gutierrez: "Yes, kami na!"

Elmo Magalona on his relationship with Janine Gutierrez. “Of course, there’s a label. But you want to make it like you’re always trying something new," says the 20-year-old Kapuso actor during a pocket presscon for More Than Words last night, October 9.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay pormal nang inamin ni Elmo Magalona na girlfriend niya si Janine Gutierrez.

Sa mga nakaraang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), bukas sa pagsasabi si Elmo na “exclusively dating” sila ni Janine mula pa noong Pebrero ngayong taon.

Read: Elmo Magalona neither confirms nor denies relationship with Janine Gutierrez: "Present time lang kami. Kung masaya kami, masaya kami.”

Ganunpaman, may espekulasyong higit pa sa “dating” ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa, base na rin sa hindi maitagong sweetness nila sa isa’t isa.

Sa ginanap na The PEP List Awards noong Mayo, pinilit din ng red-carpet host na si Giselle Sanchez na paaminin sina Elmo at Janine na “boyfriend-girlfriend” na sila.

Ngunit tanging matamis na ngiti lang ang isinagot ng dalawa noon.

Read: Giselle Sanchez squeezes real score between Elmo Magalona and Janine Gutierrez: “When you say you’re dating, that’s like boyfriend-girlfriend."

THE UNEXPECTED REVELATION. Sa pocket presscon ng More Than Words sa 17th floor ng GMA Network Center kagabi, October 9, hindi inaasahan ang biglaang pag-amin ni Elmo na sila na ni Janine.

Nauna kasing dumating sa event si Janine, na nanatiling tikom ang bibig nang usasain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling entertainment reporters tungkol sa estado ng relasyon nila ni Elmo.

Kaya nang dumating na si Elmo, agad na tinanong ang Kapuso actor-rapper tungkol dito.

Noong una ay tila pinag-iisipan pa ni Elmo kung aamin na ba siya o hindi, ngunit sa huli ay nanaig ang kanyang pagiging proud boyfriend ni Janine.

“Yes, yes, kami na,” nakangiting pag-amin ni Elmo.

Ngunit kahit may official “label” na ang kanilang relasyon, sinisikap ng batang aktor na panatilihin ang kilig sa pagitan nila ni Janine.

Sabi niya, “Of course, there’s a label.

"But you want to make it like you’re always trying something new.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I make it a point na I don’t really want her to get bored.

“So, wala lang, I keep thinking of things to keep it fun.”

Ayon pa kay Elmo, ipinaalam niya sa mga magulang ni Janine na sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon ang tungkol sa intensiyon niya sa dalaga.

“I visit her family. And I’m actually close to her siblings,” dagdag pa niya.

GOOD INFLUENCE TO EACH OTHER. Bukod sa magkasundo sila sa maraming bagay, nagsilbing inspirasyon umano ni Elmo si Janine na mas maging bukas sa kanyang nararamdaman.

“Before, I would always be guarded.

“And now, parang as a person, like she, Janine kasi is super easygoing. She’s really fun to be with.”

Kuwento naman ni Janine, maituturing niyang mabuting impluwensiya si Elmo pagdating sa pagkakaroon niya ng disiplina sa sarili.

Ito raw ang dahilan kung bakit nahulog ang loob niya sa young actor mula nang magkatrabaho sila sa teleseryeng Villa Quintana, na umere sa GMA mula noong November 2013 hanggang June 2014.

“’Cause he has this way of making things happen.

“Ako kasi, I have this bad habit na, ’Hindi, next time na lang.’

“I have this bad habit na let’s just come back and try it again. Hindi siya nangyayari tuloy.

“E, si Elmo, if he can do it na, just do it.

"That was an important thing for me.

“Kasi yun din ang problema ko sa sarili ko. I wasn’t so pushy to myself.

“Importante din yun na you need to motivate yourself, you need to stick to your goals.”

Tila ang complementing personality ng dalawa ang dahilan kung bakit hindi isyu ang kanilang age gap.

Si Janine ay 25 years old, habang si Elmo naman ay 20 years old.

Sabi pa ni Elmo, “Actually, no, it’s not a really big deal. It’s not something that we think about.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating sa dynamics ng kanilang relasyon, ibinahagi ni Elmo na siya ang may tendency na maging seloso kumpara kay Janine.

“Medyo seloso ako because Janine is a really attractive girl.

“That’s it. Yun lang ang kailangan ko sabihin!” natatawang pag-amin ni Elmo.

Ngunit ayaw nang idetalye ni Elmo kung ano man ang partikular na insidenteng may pinagselosan siya.


WEEKEND GETAWAY IN HONG KONG. Bagamat tumanggi si Elmo na sabihin ang eksaktong petsa kung kailan sila naging magkasintahan ni Janine, inamin niyang sila na nang magbakasyon sila sa Hong Kong noong August.

Ayon kay Janine, ang biglaang trip nila sa Hong Kong para mamasyal sa Disneyland ang pinaka nakakakilig na ginawa ng nobyo para sa kanya.

Sagot ni Janine nang kamustahin ang experience na mag-travel abroad kasama si Elmo sa unang pagkakataon: “The best! Dream come true talaga!”

Kuwento pa ni Elmo, “I brought her to Disneyland.

“Plano ko talaga na lumabas kami [ng bansa], because wala, travelling is fun.

"Hindi naman talaga namin pinag-usapan. But that’s the fun part, when it’s spontaneous."

Kasama rin nina Elmo at Janine ang high school friends ng Kapuso actress nang magpunta sila noon sa Hong Kong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN