Ogie Alcasid appears on ASAP for the first time

Pagkatapos ng 19 taon ay nakatuntong muli sa ABS-CBN ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid. Nag-guest sa musical-variety show na ASAP 19 ang TV5 talent para sa OPM segment ng matalik niyang kaibigan na si Gary Valenciano.


Sa unang pagkakataon ay nagbalik si Ogie Alcasid sa ABS-CBN pagkatapos ng 19 taon.

Special guest si Ogie sa “I Love OPM” segment ni Gary Valenciano sa taped episode ng musical-variety show na ASAP 19, last Sunday, October 5, to be aired on November 2.

Ito rin ang unang paglabas ni Ogie sa ASAP, dahil noong nasa GMA pa siya ay ito ang katapat na programa ng Sunday musical-variety shows na nilabasan niya—SOP, Party Pilipinas, at Sunday All Stars.

Isang ASAP staff at kaibigan ni Ogie ang naging tulay sa muling paglabas ng singer-songwriter sa ABS-CBN.

Pumayag si Ogie na mag-guest sa ASAP dahil na rin sa “I Love OPM” segment ni Gary.

Si Ogie ang kasalukuyang presidente ng Orgnisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM).

Ayon sa road manager ni Ogie na si Rey Lanada, nagpaalam ang singer/songwriter sa kanyang home network, ang TV5, para mag-guest sa ASAP.

Pinayagan si Ogie ng TV5 management dahil wala naman siyang programa sa Kapatid network na katapat ng ASAP.

Nag-stay si Ogie sa dressing room ni Gary pagdating niya sa ABS-CBN bitbit ang anak nila ni Regine Velesquez na si Nate.

Mula rito ay pumunta na sila sa studio para sa kanilang musical number.

Pagtuntong niya ng stage, nagpalakpakan ang audience sa loob ng studio.

Pagkatapos ay winelcome siya ni Gary: “Ladies and gentlemen, Ogie da Pogi!”

Saka naman umawit si Ogie nang pinasikat niyang kanta.

“Nandito ako, umiibig sa ‘yo. Kahit na nagdurugo ang puso... Gandang araw po sa inyo, mga Kapamilya!” bati pa niya.

In-acknowledge naman ng studio audience ang pagbati ni Ogie sa pamamagitan ng malakas na palakpakan.

Maya-maya pa’y sinimulan na ang taping ng episode ng OPM segment ni Gary for ASAP 19 with Ogie.

Pagpapakilala ni Gary kay Ogie, “Mga kaibigan, today is a special day, a very rare occasion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"From all of us here on ASAP 19, we are truly honored dahil kasama natin dito sa ‘I Love OPM’ ang isang special na tao na puno ng talent at sobrang malapit sa puso nating lahat.

“Isa siya sa pinaka hinahangaang OPM icons, a brilliant singer, songwriter, comedian, and an outstanding friend.

“At isang respetadong haligi ng OPM, ladies and gentlemen, after a long, long, long, long, long time, he’s back here on the ASAP stage. Don’t change, okay? You’re on ASAP 19!

“Join me in welcoming the award-winning song... singer and songwriter… muntik ko nang sabihin songer—Mr. Ogie Alcasid!

Ogie: “Gary V! Kinakabahan ako!”

Gary: “Ako ang kinakahaban, e.”

Ogie: “Pare, nabanggit mo na matagal na akong hindi lumalabas sa ABS.

“Actually, it’s been almost 19 years. Nineteen years, I was only five years old then… biro lang.

“A, nineteen years ago, wala pa tayong mga network affiliation, noon nakaka-guest pa tayo sa iba’t ibang istasyon.

“And now, after 19 years, thank you, Lord! Thank you ABS-CBN, of course, from my home network, maraming salamat.

“It’s an opportunity for me to be here really.”

Pagkatapos nito ay binalikan nila ang pagsisimula ni Ogie bilang songwriter at singer, at ang ilan sa mga pinasikat niyang kanta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN