Yasmien Kurdi excited about new season of StarStruck: "Kailangan na ng bagong batch ng artista."

Yasmien Kurdi is thrilled to be back in GMA’s afternoon drama series, "Balik-hapon po ako kung saan ako nakilala."


Magkakaroon na ng bagong season ang StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA Network kung saan nanggaling ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi.

Bilang First Princess sa unang season ng StaStruck, ano ang masasabi ni Yasmien na magkakaroon na ng bagong batch ng survivors at avengers ang show?

Sagot niya, “Siyempre, super-happy po ako kasi meron na namang bagong henerasyon ng StarStruck.

"Kailangan na po ng GMA ng mga batang artista, kasi kulang na po talaga.

“At iba na po yung generation namin, nasa 20s na po kami. I’m 25.

"I started sa StarStruck, 14 years old ako, that was 11 years ago."

Kasama ni Yasmien sa pinakaunang batch ng artist search ng GMA ang Ultimate Female and Male Survivors na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras, at si Rainier Castillo naman ang First Prince.

Sabi pa ni Yasmien, “Kailangan na ng bagong batch ng artista.

"I think it’s about time na bumalik na po talaga yung StarStruck.

“I’m very excited about it.

“Sino pong StarStruck ang walang show? Lahat naman po may show.

“So, konti lang po kami. Kung iisipin niyo, konti lang po ang artista ng GMA.

"Lalo na yung mga batang artista, ’yan sina Barbie [Forteza], Bea [Binene], iyon na po yun, wala na pong mga teenagers na iba.

“Sina Bianca Umali, si Miguel Tanfelix... ilan lang yun?

“I-compare mo naman sa ibang network ang dami-dami nila. Like, bongga, like iba-iba!

"Pero dito [GMA], kulang po talaga ng artista.

"Nakikita ko po na kulang yung mga batang artista."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien sa Studio 6 ng GMA Network Center noong Martes, October 7, para sa presscon ng Yagit.

THANKFUL, HOPEFUL. Sa Rhodora X na pinanggalingang show ni Yasmien, ang bida roon ay si Jennylyn Mercado.

Pero dito sa Yagit ay masasabing mas malaki at mas bida ang papel niya bilang si Dolores Macabuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Yasmien, “Masaya po ako at nabigyan ako ng pagkakataon na ipakita ko yung pag-arte ko uli sa hapon.

"Balik-hapon po ako kung saan ako nakilala.

“So, masayang-masaya po ako. Ang GMA, sinuportahan talaga ako all the way.”

Maraming mga programa sa afternoon block ng GMA ang nagawa dati ni Yasmien.

May pressure ba kay Yasmien na bukod sa mga batang artista ng Yagit ay isa siya sa magdadala kung magre-rate ang show o hindi?

“Sana, with God’s will, magsa-succeed tayo, mag-rate nang maayos.

“Sana, sana yung ratings, maging okay, maging maganda at sana suportahan po ng mga tao ang Yagit.

"And alam ko po, God is good, all the time, all the time God is good.

"So, alam ko po this will be positive.

“And panibago naman po na mga faces, na mga bata and very fresh.

"Pressure, oo, pero minsan ang iisipin mo yung kagandahan ng istorya.

"Pero I’m really positive na magsa-succeed kami."

KEEPING FIT. Kapansin-pansin na mas sexy si Yasmien ngayong may asawa at anak na siya kaysa noong dalaga pa siya.

Paano ba siya nagpapayat? Kinarir ba niya ito?

Aniya, “Hindi naman po. Pumayat na lang po talaga ako.

“Tini-treat po kasi yung pagiging polycystic ko.

"Yung side effect ng polycyctic is tumataba yung babae, so siguro dahil din po dun.

“Nagti-treatment din ako.”

Sinasabayan din naman daw ito ni Yasmien ng exercise, juicing, at no-rice diet.

DAUGHTER AYESHA. Isa lang daw ang hangad ni Yasmien sa anak nila ng mister niyang si Rey Soldevilla Jr. na si Ayesha.

Kung sakali man na gustuhin ng anak na mag-showbiz din, “Mag-aral muna siya pero bahala na.

"Kung talagang gusto niya, e di okay.

"Pero kung okay mag-aral na muna siya, kasi mas maganda pa rin talaga yung nakapagtapos ng pag-aaral.

“Pupunta ka sa showbiz, maipagmamalaki mo, meron kang diploma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na nakatapos ka, meron kang fallback, hindi lang pag-aartista, na professional ako.

“So, I think, gusto ko po yun para sa anak ko.

"Gusto ko po siyang makita sa entablado na nakakuha na siya ng diploma."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN