Elmo Magalona on former loveteam partner Julie Anne San Jose: "I know she’s happy for me."

“There are good vibes. But hindi mo rin maiiwasan na there are people who are not so happy about the situation. Pero we both have gone through different paths. We’re both happy for each other right now," says Elmo Magalona when asked about the solid supporters of his former onscreen partnership with Julie Anne San Jose.


Aminado si Elmo Magalona, 20, na may ilang fans ang hindi pabor sa loveteam nila ni Janine Gutierrez, 25.

Marami pa rin kasing solid supporters si Elmo at ang dating ka-loveteam na si Julie Anne San Jose, 20.

Ngunit umaasa ang Kapuso actor-rapper na patuloy pa ring susuportahan ng fans ang on- and off-screen tandem naman nila ni Janine.

“Sana good vibes lang lahat,” sabi ni Elmo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sina Elmo at Janine sa 17th floor ng GMA Network Center kagabi, October 9, para sa kanilang upcoming teleserye na More Than Words.

Ayon pa kay Elmo, ang mahalaga ay masaya sila ni Julie Anne sa kani-kanilang showbiz career ngayon.

“There are good vibes, but hindi mo rin maiiwasan na there are people who are not so happy about the situation.

“Pero we both have gone through different paths.

“It’s a different chapter for me, it’s a different chapter for her.

“We’re both happy for each other right now. We’re not that close anymore.

“I know she’s happy for me. I know I’m happy for her,” saad ni Elmo.

Sa parte naman ni Janine, nagpasalamat siya dahil sa positibong pagtanggap ng publiko sa tambalan nila ni Elmo.

Muli silang magkakatrabaho sa More Than Words, na nakatakdang ipalabas simula sa November, sa timeslot bago ang 24 Oras.

Pahayag ni Janine, “They have been very kind naman. So, I’m just thankful for the support.

“And I’m thankful that there are lots of people who support Elmo even if he’s with another loveteam.

"So, I’m just grateful that they’re open-minded."



REEL- AND REAL-LIFE ROMANCE. Samantala, hiningan din ng reaksiyon sina Elmo at Janine tungkol sa magandang naidudulot ng pakikipagrelasyon sa isang katrabaho.

Ito ay pagkatapos aminin ni Elmo, sa kauna-unahang pagkakataon, na magkasintahan na sila ni Janine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Elmo Magalona admits real score with Janine Gutierrez: "Yes, kami na!"

Ayon kay Janine, mas kumportable na siya ngayong kaeksena si Elmo kaysa noong nagsisimula pa lang ang kanilang loveteam sa teleseryeng Villa Quintana.

Paliwanag ng Kapuso actress, “Of course, it helped because we know each other more.

“Parang ‘di ka na mangangapa sa kaeksena mo na, ‘I wonder what he’s thinking?’

“I know already how we think. And it’s easier kasi we can talk about our roles openly.

“’Tingin mo, gagawin ba talaga ito ni Ikay? How do you think she will react?’”

Dugtong naman ni Elmo, “We really try to help each other out sa mga eksena namin.”

Sa kabilang banda, isa sa disadvantages ng pagkakaroon ng kilalang loveteam ay ang mas mataas na expectation ng fans na sila na lang ang palaging magkatambal sa isang proyekto.

Hindi ba sila natatakot na maburo sa kanilang loveteam balang-araw?

Sagot ni Elmo, “I’d like to think of it as a bonus na we started off together.

“Nagkakilala kami sa first show namin.

"And now, parang it’s a different state din. Mas nakilala na namin ang isa’t isa.

“And then, later on, hindi naman maiiwasan na we work with other people.

“But that doesn’t stop us from supporting each other and still grow.

“It doesn’t matter if we’re together or whoever you’re partnered with as long as we know we’re helping each other out.”

Giit pa ng Kapuso actor-rapper, “Right now, the important thing is to enjoy the moment.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN