Gina Alajar willing to direct Carla Abellana: "Wala namang problema... kung maiilang naman siya, huwag na lang.”

About her son Geoff Eigenmann, Gina Alajar shares that he’s been smiling a lot these days and she confirms what people around him are saying, "He’s a better person... Marami na rin siyang lessons na natutunan."


Bilang isang direktor sa bakuran ng GMA Network, willing kayang idirek o makasama sa trabaho ni Gina Alajar ang Kapuso actress na si Carla Abellana?

Si Carla ay ang ex-girlfriend ng anak ni Gina na si Geoff Eigenmann.

“Sa akin, wala namang problema kung idirek ko siya.

"Magkakaroon siguro ng problema kung maiilang siyang idirek ko siya.

"Kung maiilang naman siyang idirek ko siya, huwag na lang kaming magdirekan!” natawang sabi ng actress-director sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa pagkakilala niya kay Carla, posible kayang mailang itong maidirek niya?

“Maybe it will take time,” sagot niya.

Pero natatawang dugtong ni Gina, “Teka, bakit ba siya ang tinatanong niyo sa akin? Hindi naman siya kasama sa Yagit.

"It is unfair to my stars to talk about stars na hindi naman kasama sa show."

Si Gina ang direktor ng bagong afternoon series ng GMA na Yagit, na nagkaroon ng press conference noong Martes, October 7.

GEOFF. Samantala, marami naman sa mga nakakasama ni Geoff ang nagsasabing gusto nila ang disposisyon nito ngayon.

Bilang ina at kasama rin ni Geoff da bahay, kinumpirma ito ni Gina,.

“He’s a better person.”

Pero nagulat ito nang malaman na halos lahat pala ay yun ang sinasabi tungkol kay Geoff.

Walang pag-aalinlangang sinagot ni Gina kung bakit mas maganda ang aura at hitsura ni Geoff ngayon, kumpara noong mga unang buwan pagkatapos nilang mag-break ni Carla.

Saad niya, “It’s okay, because I’m talking about my son, I’m going to talk about him.

"Geoff, for a time, we didn’t understand him.

"May mga interviews sa akin before, mataba si Geoff… ’Pabayaan na lang natin siya kasi sinasabihan naman.’

“I answered like that kasi there were times that you could not talk to him.

"O kaya, titiyempuhan mo ang mood dahil baka bad mood siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kami, nag-uusap kami, ’Why is he like that?’

"Hindi naman siya ganun, but all of a sudden, naging ganun.

"’Did I do anything?’ Minsan may ganun ka.

“So, kami namang lahat, kaming family, ’What’s the best thing we should do?’

"So, the best thing we could do was wait for him to talk.

"Kapag nasa mood naman ‘yan, kakausapin ka naman.

"Kapag wala, huwag na lang nating kausapin.

"Dumating sa ganoong punto.”

Puwede bang sabihin na pagkatapos ng breakup nito kay Carla ay naging mas okay si Geoff?

“He smiles a lot,” sambit ni Gina.

“I can talk to him and I can say that he listens.

"Siyempre, nandoon pa rin, hindi pa rin naaalis ang pagka-nanay ko.

"Tinatantiya ko, tinitimpla ko.

"Si Geoff, meron siyang minsan na, ’Don’t treat me like a kid.’

"Pero hindi naman, as a nanay, sinasabihan mo, ’Geoff, you might be overdoing it.’

"Siyempre, nanay ka, pero ang dating sa kanya, Grade 1.

“Pero ngayon, he listens.

"Siguro na rin, marami na rin siyang lessons na natutunan.

"Na-realize niya rin kung ano ang mga pagkakamali niya.

"Siguro, marami siyang mga realization na nangyari sa buhay niya.”

Nasasaktan din ba siya sa ilang komento na "bitter" pa rin si Geoff sa nangyari sa kanila ni Carla?

Pakli ni Gina, “E, siya yun, relasyon niya yun.

"It takes two to tango.”



ALJUR ABRENICA. Nakapagbitiw si Gina ng salita na hindi niya gustong makasama sa proyekto o maidirek si Aljur Abrenica dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa ng kontrobersiyal na aktor noong kasagsagan ng isyu sa pagitan nito at ng anak niyang si Geoff Eigenmann.

Ang balita pa, hindi lang si Gina kundi maging ang iba pang mga direktor ng Kapuso network ay ayaw na raw makatrabaho si Aljur dahil sa reklamong inihain nito laban sa network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naging reaksiyon ni Gina rito?

“Wala naman, wala naman akong naramdaman.

"Siguro, the first thing that came to my mind, ’Why did he have to do that to his network that built him up, believed in him?"

Kung sakaling magbalik-loob si Aljur sa GMA, pareho pa rin ang stand niya?

Sagot ni Gina, “Let’s just cross the bridge when we get there.

"Baka naman magbago na ang takbo ng hangin.”

MARK GIL. Inalam din ng PEP kay Gina ang reaksiyon niya sa maagang pagpanaw ng aktor na si Mark Gil.

Hindi iba kay Gina si Mark dahil kapatid ito ng dati niyang asawa na si Michael de Mesa.

Sabi niya, “I was sad, I was sad to know that he was sick.

"Kasi for the longest time, hindi ko rin naman alam.

"They kept it a secret, that was two years ago.

"Nalaman ko lang din noong malala na. It was Michael who told me.

“Matagal ko nang naririnig na something was wrong with him.

"Hindi ko naman siya [Mark] matanong kung meron ba siyang sakit kasi sabi nga ng nagsabi sa akin, secret.

"Baka mamaya, kapag tinanong niya sa akin kung sino nagsabi, baka ma-reveal ko pa.

"I cannot say naman somebody told me. ’Pag ganun, it meant, kumakalat.

“Nag-pretend na lang ako na hindi ko alam.

"One time, nag-usap kami ni Michael and he shared with me his concern about Mark.

"He said na medyo malubha na nga, but to keep it a secret.

"And he was really afraid kung ano ang mangyayari kay Ralph [Mark] kasi nga, hindi nagpatingin sa doctor."

Lahad pa ni Gina, “There was one time, naka-receive ng text ang mga anak ko from their cousin.

"Yung mga anak ko, they said, ’Ma, Tito Ralph daw is in bad shape. He was hospitalized for one week, but now he’s okay, discharged na, but he’s very weak.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“On the same day, I said, ’I want to go with you, I want to see him.’

"That was the first time I saw him and nagulat ako, ang payat-payat niya.

"So, I hugged him, I cried.

"Okay pa naman siya nun, he was funny.

"Parang hindi naman niya iniinda sitwasyon niya."



INDUSTRY’S LOSS. Naniniwala si Gina na sa pagkawala ni Mark, nawalan din ang industriya ng isang mahusay at mapagkakatiwalaang aktor.

Aniya, “Si Ralph was someone who loved his profession so much, very passionate.

"Yung mga artistang katulad niya… kailangan maging magaling ka sa propesyon mong ‘yan, ‘di ba?

“Hindi ka puwedeng nandiyan ka lang at ipinapakita mo sa lahat na gusto mo lang ng pera.

"Ang propesyon, propesyon, and you have to be good at it.

"You have to shine, Mark was like that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN