Carl Guevara staying single for now: "Ang hirap kasi pumasok sa isang relasyon na magsisimula ka ulit sa umpisa."

Carl Guevara is not looking for a rebound relationship. He says, “Gusto ko kapag nanligaw na ako, kapag mahal ko na yung babae, gustung-gusto ko na... hindi lang yung para makalimutan ko yung relasyon ko dati.”


“Hindi ako nakikipag-date, wala akong tini-text na kahit sino.”

Ito ang pahayag ni Carl Guevara nang tanungin kung may bago na siyang pinupormahan dahil ilang buwan na rin ang nakalilipas mula nang maghiwalay sila ni Kris Bernal.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters si Carl sa press conference para sa Wattpad Presents: Almost a Cinderella Story kahapon, October 10, sa TV5 Media Office, sa Mandaluyong City.

Ayon kay Carl, naka-move on na siya mula sa paghihiwalay nila ng Kapuso actress at wala pa siyang balak pumasok sa panibagong relasyon.

“Sa akin kasi, hindi madali.

“Parang ang hirap kasi pumasok sa isang relasyon na magsisimula ka ulit sa umpisa.

“Para sa akin kasi, hindi naman mag-a-appear lang ang mga babae.

“Siguro kapag gusto ko na lang ulit, yung kapag na-in love, gusto ko na ulit magmahal.”

Hindi rin daw naniniwala si Carl na kailangan niyang maghanap ng bago o rebound girlfriend para makalimutan ang nakaraang relasyon.

Paliwanag niya, “Maraming maganda, madaling manligaw, pero parang ayaw ko naman na parang hindi mo naman siya totally gusto.

“Alam mo yung sinasabi nila na, ’Matututunan mo rin ’yang mahalin,’ ’di ako [naniniwala].

“Gusto ko kapag nanligaw na ako, kapag mahal ko na yung babae, gustung-gusto ko na.

“Hindi na ako magre-regret, ibibigay ko na ngyu 100 percent ko para suyuin siya para makuha siya, hindi lang yung para makalimutan ko yung relasyon ko dati.”

Hindi rin daw niya itong kayang gawin dahil, “Mayroon din naman akong kapatid na babae.

"Ayaw ko lang na parang makarinig ng salita. Naniniwala ako sa ganun.”



NOT EASY TO FORGET. Bagamat nakaka-move on na si Carl, inamin niya, “Dalawang taon din kami, hindi madaling makalimutan ’yon.”

Pero mas madali na raw ngayon dahil matagal na silang hindi nagkikita ni Kris.

“Wala kaming connection, hindi na kami nag-uusap, hindi na kami nagkikita. Medyo nakakalimutan ko na rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng hindi magandang kinahantungan ng kanilang relasyon, sabi ni Carl, “Hindi ko naman pinagsisisihan ang relasyon namin ni Kris.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN