Andrea Torres on posing for FHM: “’Pag nag-cover ako dun, yung talagang ano, hindi yung tinipid mo kung ano yung ipapakita mo.”

“Hindi din naman yung sobrang all-out, pero yung may ipapakita ka talaga, as in parang magiging daring ka talaga. Something na hindi pa nila nakikita sa iyo. So, ayoko naman yung for the sake na mag-e-FHM ako pero hindi ko naman ipapakita, parang covered na covered naman. So, kaya gusto ko right timing para ‘pag nag-cover ako, pasabog!” says Andrea Torres about doing an FHM cover.


Kapag tinatanong dati si Andrea Torres kung papayag siyang mag-pose sa FHM ay lagi nitong sinasabi na ayaw niya o hindi siya handa.

Pero ngayong may daring scenes siya (o mga eksenang hubad) sa Ang Lihim Ni Annasandra, makukumbinsi na ba siya na mag-pose ng sexy para sa naturang men’s magazine?

“Hindi pa rin po. Hindi pa ako ready kasi,” sagot ng 24-year-old Kapuso actress.

Sa ganda ng kanyang katawan, hindi pa rin siya handa?

“Hindi kasi, ‘di ba, ‘pag sinabi mong FHM parang iba na yun, e. Ibang image na yun para sa iyo. Talagang sexy na.

“Pero ako, parang ang gusto ko dahan-dahan lang, parang ganun. Pakonti-konti lang muna.

“Kasi ‘pag makikita n’yo po yung soap, hindi naman siya talagang... puwede siyang pambata. Puwede talaga siyang pambata.

“Hindi siya yung malaswang-malaswa o hindi siya todo-sexy.

“Open naman ako sa FHM, pero yung timing lang talaga. Yung right timing.

“Kasi kahit naman ako ‘pag nakakakita ako ng mga cover, naano ako na, ‘Uy, ang seksi, ang ganda!’

“Mga ganun. Naa-appreciate ko rin siya, pero yun lang, feeling ko, wala pa akong lakas ng loob masyado.

“Gusto ko kasi siyempre ‘pag nag-cover ako dun, yung talagang ano, hindi yung tinipid mo kung ano yung ipapakita mo.

“Hindi rin naman yung sobrang all-out, pero yung may ipapakita ka talaga, as in parang magiging daring ka talaga.

“Something na hindi pa nila nakikita sa iyo.

“So, ayoko naman yung for the sake na mag-e-FHM ako pero hindi ko naman ipapakita, parang covered na covered naman.

“So, kaya gusto ko right timing para ‘pag nag-cover ako, pasabog!”

Sa isang indie movie ay papayag siya sa love scenes basta kakailanganin sa istorya. Pero paano kung topless scene?

“Ay, hindi!” tanggi agad ni Andrea.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa grand launch ng Ang Lihim ni Annasandra noong Miyerkules, October 1, sa Area 05 Bar sa Tomas Morato, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naturang serye, gagampanan ni Andrea ang papel ni Annasandra, na isang "awok."

Sa kanyang mga eksena, siya ay taong nagiging baboy-damo at pagbalik niya sa pagiging tao ay nakahubad na siya.

COMPARING MIKAEL AND PANCHO. Nagkaroon din sila ni Mikael Daez (bilang si William Benitez) ng kissing scene sa kanilang serye.

Malambot ba ang mga labi ni Mikael?

“Oo naman,” ang tumatawang bulalas ni Andrea.

“Minty!” ang sagot naman ni Andrea nang tanungin namin kung ano ang lasa ng halik ni Mikael.

“Bagong toothbrush!”

Sila ni Pancho Magno (na gumaganap naman bilang si Enrico) ay may eksenang halikan din.

“Pero smack lang—mabilis,” ang sabi ni Andrea.

Paano niya pagkukumparahin sina Mikael at Pancho bilang mga leading men?

“Siguro si Pancho yung ano... ano ba?

“Si Mikael kasi parang, ‘di ba, ang lalaki may dalawang side yan?

“Yung parang macho na ano na side, ‘tapos meron ding soft side.

“Si Pancho yung ganun, yung parang brusko na macho.

“Si Mikael yung medyo soft.

“Pero pareho silang kalog, sobrang kalog nilang dalawa kaya hindi ako talaga... hindi bumababa yung energy ko sa set ‘pag kasama ko yung dalawa.”

Bakit niya nasabing may “soft side” si Mikael?

“Siguro kasi siya pa lang yung nakakausap ko na sobrang lalim, na sobrang personal na, yung ganun.

“Si Pancho naman nagsisimula ko nang makausap tungkol sa mga personal niyang pangyayari sa buhay.”

Tinanong naman namin si Andrea kung na-meet na niya si Megan Young na napapabalitang girlfriend ni Mikael.

“Oo, na-meet ko na before. Sa work yata, there was a time na nagkaroon kami ng work na pareho kami ng location.”

Pero hindi raw bumibisita si Megan sa set nila.

Kahit si Sef Cadayona na napapabalita namang boyfriend ni Andrea ay hindi rin daw dumadalaw sa set.

NO ENHANCEMENTS. May nagtanong naman kay Andrea kung siya ba ay may mga “lihim” sa katawan. Meaning ang lahat ba ng bahagi ng kanyang katawan ay all-natural?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, oo naman! Yes!” mabilis na sagot ni Andrea.

Wala raw niretoke o binago sa anumang bahagi ng kanyang katawan, at lalo raw na hindi niya pina-enhance ang kanyang dibdib na may sukat na 36C.

At dahil may body measurement si Andrea na 36-25-36, naiilang ba siya kapag tinititigan ng mga lalaki ang kanyang katawan?

“Oo naman, may ilang factor pa din.”

Pero wala raw problema sa kanya kung pinagpapantasyahan siya ng mga kalalakihan.

“As long as hindi ka naman harap-harapang binabastos, okey lang naman.”

Gusto ba niyang pabawasan ang sukat ng dibdib niya?

“Iyon nga yung sinasabi ko sa mommy ko, ‘Paano kaya ‘pag nagkaroon ako ng anak in the future?’

“Baka, pabawasan,” at tumawa si Andrea.

“Hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya baka sobrang bigat na niya or something.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN