Miss World Philippines 2014 Valerie Weigmann aims for back-to-back Miss World title

“I normally don’t expect that early that I’m going to be the winner because it’s a win or lose situation" says Miss World Philippines 2014 Valerie Weigmann after winning the crown at last night’s pageant.


Nagwaging Miss World Philippines 2014 ang Filipino-German TV personality-model na si Valerie Weigmann.

Ipinasa ni Miss World 2013 Megan Young ang korona kay Valerie sa ginanap na coronation sa Mall of Asia Arena, Pasay City, kagabi, October 12.

Sa simula pa lang ng coronation night ay walang duda na si Valerie ang "crowd favorite" base na rin sa reaksiyon ng audience tuwing lalabas siya o tinatawag ang pangalan niya.

Maliban sa pag-uuwi ng korona at tatlong special awards, si Valerie rin ang napili ng karamihan sa sponsors para sa kanilang special titles.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa bagong hirang na Miss World Philippines 2014, pagkatapos ng pageant, inihandog ni Valerie ang kanyang pagwawagi sa mga katutubong Pilipino.

Saad niya, “This is really dedicated to our indigenous brothers and sisters here in the Philippines all over.

"So, I’m really happy to show them and raise awareness about them.

"So, yes, para sa Pilipinas talaga ’to."

Nabanggit din ni Valerie ang kanyang pagnanais na masungkit uli ng Pilipinas ang korona ng Miss World ngayong taon, matapos itong mapanalunan ni Megan Young sa kauna-unahang pagkakataon noong 2013.

Pahayag niya, "I will be the best that I can be and show them how amazing we are, we Filipinos, how hardworking we are, and how much we deserve this... to get the back-to-back win."

Nang tanungin naman kung inasahan niyang siya ang mananalo bilang Miss World Philippines, sinabi ni Valerie na “unexpected” ang lahat ng ito para sa kanya.

“I normally don’t expect that early, that I’m going to be the winner, because it’s a win or lose situation.

"You never know what’s going to happen if you’re in a contest.

"Win or lose, you’re still gaining the experience.

"So, normally, if I go in, I don’t set for ’I have to win.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the end, you have to think of the friendships that you are making during the whole contest.

"So, it was really unexpected for me."

Inaabangan na rin daw ni Valerie ang “challenges” na darating sa kanya sa nalalapit na Miss World 2014 pageant, na gaganapin ngayong Disyembre sa London.

Sabi niya, “Of course, if there’s pressure, there is also excitement involved.

"So, I guess, if there’s no pressure, there’s no challenge in it.

"I’m really looking forward to the challenge.

"And I want to show my fellow countrymen that I can do it, that I can be the best that I can be for everyone."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN