Carla Abellana insists she and Tom Rodriguez are still in the courtship stage

"Kung sino siya dati, ganun pa rin siya. Mas nag-e-effort lang, I guess. So, yun ang maganda, walang pretensions, walang masks or anything,” says Carla Abellana when asked about being courted by leading man Tom Rodriguez.


Nilinaw ni Carla Abellana, 28, na hindi pa niya sinasagot ang kanyang masugid na manliligaw na si Tom Rodriguez, 27.

Ito ay sa kabila ng sweet birthday message ni Carla para kay Tom, na tila nagpapahiwatig tungkol sa pagkakamabutihan nila off cam.

Sabi sa bahagi ng birthday greeting ni Carla kay Tom noong October 1: “Always remember that I am your partner and your friend before anything else so I’ll be by your side no matter what. Happy birthday, tommy! You are so loved.”

Ayon kay Carla, ang tinutukoy niyang pagiging mag-partner nila ni Tom ay ang magandang samahan nila sa GMA Network primetime series na My Destiny.

“Partners, kasi partners kami sa trabaho. Yun ang ibig ko sabihin.

“Kapag may mabigat kaming eksena, kapag nahihirapan kami sa eksena, nagtutulungan kami.

“He often asks me, ‘How can I help you?’ Or siya tatanungin ko, ‘Puwede ba magpatulong?’ Ganun kami lagi.

“We try to cheer each other up.

"’Pag medyo mabigat na, pagod na kami, tulungan talaga,” saad ng Kapuso actress-TV host.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa 30thanniversary celebration ng Del Monte Kitchenomics, na ginanap sa Market! Market! Activity Center kahapon, October 12.

Ganunpaman, bukas si Carla sa pagsasabing malaking bagay ang extra effort ni Tom na iparamdam sa kanya ang intensiyon nito bilang masugid na manliligaw.

Nitong nakaraang linggo lang ay ibinahagi ng Kapuso actress sa kanyang Instagram ang isang bouquet of roses na natanggap niya mula kay Tom.

Kumusta si Tom bilang manliligaw?

Sagot ni Carla, “Very kind. Hindi yung ano, e...

"Kasi if you have a suitor, laging best foot forward. Nagpapakitang-gilas.

“I don’t see him in that way. Kung sino siya dati, ganun pa rin siya. Mas nag-e-effort lang, I guess.

“So, yun ang maganda, walang pretensions, walang masks or anything.”

OVERWORKED? Samantala, marami ang nagtataka kung bakit panay ang post ni Carla ng quotes sa Instagram, na tila nagpapahiwatig na may pinagdadaanan siyang personal na problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na rito ang quote na nagsasabing: “There is a solution to your problem. Keep searching. Have faith in your ability to withstand these hard times. Better days are near.”

Ngunit ayon kay Carla, sadyang nakaramdam lang siya ng pagod dahil sabay-sabay ang mga ginagawa niyang proyekto.

“Yeah, ang daming worried. Kung anu-ano iniisip.

“I’m very tired. Twenty-four hours a day [ang trabaho].

"I come home just to shower. Dire-diretso.

"Mahaba na ang three hours na tulog," paliwanag ni Carla.

Bukod sa My Destiny, abala rin si Carla sa shooting ng 2014 Metro Manila Film Festival entry na Shake, Rattle and Roll XV.

Naghu-host din siya ng cooking show na Del Monte Kitchenomics sa GMA Network.

“I tape, I shoot every day—Ismol Family, Sunday All Stars, and Shake Rattle and Roll XV.

“Siyempre, ako yung majority ng mga eksena, so there’s really not much time to rest in between scenes,” dagdag pa niya.

THINK POSITIVE. Sa kabila nito, hindi nakitaan ng pagod at nanatiling masigla si Carla nang makapanayam ng PEP.

Sa totoo lang daw, hindi na rin niya alam kung saan siya humuhugot ng lakas para magampanan niya ang kanyang mga responsibilidad.

“Minsan nagugulat ako sa sarili kong katawan. Kung paano ko pa nagagawang tumayo or magsalita or mag-memorize even.

“I guess, I’m trying to stay positive.

"Like what I’ve said in one of my posts, I’m trying to remember what I’m doing all these for.

“Thinking positive lang para at least stressful na ang work.

"Don’t let it get into your head na lang.”

Malaking bagay rin umano na nagsilbing inspirasyon ni Carla si Tom sa trabaho.

“I would always say na sobra niyang gaan katrabaho.

“Mabigat na yung work, stressful na siya. Hindi talaga nakakatulong ‘pag ang co-artist mo, mabigat din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tom has been such a joy and fun person to work with.

"Nakakatulong siya in many ways kasi, at least, nae-enjoy ko yung trabaho,” nakangiting saad ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN