Isabel Granada hopes for the return of That’s Entertainment

Actress-singer Isabel Granada has a full calendar until next year. Apart from her commitment in It’s Showtime, she is poised to have a stint in Piolo Pascual’s Hawak Kamay and will leave in the coming months for performances in various places abroad.


Sunud-sunod ngayon ang singing engagements ni Isabel Granada sa abroad at natutuwa siya dahil may time ulit siya sa kanyang singing career.

Kababalik lang niya mula sa successful concert nila ni David Pomeranz sa Bahrain, kung saan napuno raw nila ang Bahrain International Circuit Ground.

Kuwento ni Isabel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Six thousand ang capacity nito at punung-puno siya.

"Kaya thank you sa lahat ng mga kababayan nating nanood at sa locals doon.

“I think si David had seen me sing ’Got To Believe,’ so parang nagkaroon siya ng idea na isama rin ako sa show."

Kumusta katrabaho si David?

Ayon kay Isabel, “Sobrang down to earth, sobrang kalog.

“Hindi ko ini-expect na ganoon yung personality niya.

"Kasi siyempre, doing love songs, parang you think of him as a serious person.

“Pero ano siya, sobrang kalog niya.

"Wala siyang tigil sa kabibiro, lagi siyang may biro."

Ipinahayag din ni Isabel ang kanyang pananaw kung bakit binabalik-balikan ni David ang Pilipinas.

“I think ang mga Filipino kasi has the heart for songs talaga, ever since.

"So, parang nakasanayan na niya at nakita niya na may special part siya sa puso ng mga Pinoy na hindi niya puwedeng talikuran.

“Kaya binabalik-balikan niya ang bansa natin.

"I think ang common denominator ay music at love songs kaya parang naging second home ni David ang Pilipinas.

“I think he’s got a project here.

"I will not mention yet, pero I think he’s got a project here.

"At present yata ay andito siya.”

Si Isabel naman ay may iba pang mga lakad sa malalayong lugar.

“May show ako sa Japan at may cruise akong gagawin.

"’Tapos sa December ay sa Philippine Fiesta sa Australia.

"Sa February na yung show ko sa Europe, na-move siya.

“Nagkataon lang po ito, like I did a couple of shows sa Australia last August.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganoon pala, ‘pag nag-show ka sa Australia at nalaman ng ibang groups, gusto rin nila na mag-show ka sa kanila.

"Malaki ang Australia, e, so hopefully, magtuluy-tuloy,” asam niya.

THAT’S ENTERTAINMENT. Bukod sa singing, may mga acting assignment din na dumarating kay Isabel.

Naibalita ng actress-singer na matapos niyang maging bahagi ng ABS-CBN primetime series na Got To Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay papasok din siya sa Hawak Kamay ni Piolo Pascual.

Hawak Kamay has already called me, nagkataon lang na I was abroad. So, they’re calling me back.

“It was a privilege, it was an honor na makatrabaho ang mga ’tulad nina Kathryn and Daniel.

"Kasi, napakabait ng mga batang ito kaya hindi nakapagtatakang kinakikiligan sila talaga ng fans.”

Dating member ng That’s Entertainment si Isabel at may balitang posibleng mabalik ang show.

Ikinatutuwa raw niya ito dahil, “Marami siyang matutulungan na mga baguhan at sa mga paparating pa lang na artista."

Pangako pa niya, "If ever man na matuloy na magbalik ang That’s, I would be one of the supporters.

“Diyan tayo galing, e, kaya kung anuman ang maitutulong natin sa mga baguhan, why not?”

Pahabol pa niya, “Pero hindi ko masasabi na maibabalik yung dating That’s Entertainment.

"Siguro maaaring yung touch of it, iyong concept siguro.

“Kasi iba yung panahon dati at iba yung panahon ngayon.

"Parang nag-concentrate ngayon sa mga reality show.

"Ganoon din naman iyong That’s before, e.

“Halos reality show din siya kung tingnan dahil doon kami natutong maging leader, maging responsible sa mga ginagawa mo.

"Competition din siya, ang kaibahan lang ngayon may mga judges.

"Sila ang magsasabi sa iyo kung ano ang ginawa mong mali at kung ano ginawa mong tama.”

TRAINING GROUND. Idinagdag pa ni Isabel na ang That’s Entertainment ay maituturing na isa sa mga kauna-unahang reality show sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinakamagandang training ground ito ng mga gustong maging artista noon kasi kumpleto siya.

"May hosting, may newscasting, may singing, may acting, dancing… may production number pa kami.

“Iyong pagiging artista mo ay hindi lang hanggang doon.

"Ikaw ang gagawa ng production number, ikaw ang kukuha ng costumes, ikaw ang kukuha ng music.

"Lahat kami ay dumaraan sa pagiging leader doon, which was a good training ground talaga.

“Kaya nga last year, nang sumali ako sa It’s Showtime, masasabi ko na nagamit ko lahat ang mga natutunan ko sa That’s Entertainment.

“Kasi nga, from scratch ay gagawa ka ng isang production.

"Gagawa ka ng concept na maganda, ano ba ang in ngayon at ano ba ang magugustuhan ng mga tao.

“In-enjoy lang namin, actually.

"Hindi namin inisip masyado na contest ito, na baka magkamali kami or what.

"Siguro, it was more… we enjoyed each other’s company, we enjoyed the number.

"Kaya lumabas din iyon sa TV.”

KUDOS TO KUYA GERMS. Binigyan din ni Isabel ng kredito si German "Kuya Germs" Moreno sa mga nagawa nito para sa kanyang career.

“Ever since naman, lagi kong sinasabi na I’m very thankful kay Kuya Germs.

"Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil naging part ako ng That’s Entertainment.

“Not only that, naging part din ako ng GMA Supershow nang medyo lumampas na tayo sa pagiging teenager.

"For two to three years ay nag-host din ako doon.

"Kaya I’m very thankful dahil naging matibay ang foundation ko talaga.

“Ibang klase talaga si Kuya Germs, hindi lang siya Master Showman.

"Marami pa siyang natulungan at na-discover na artista.

“In fact, hindi ka lang niya tuturuan sa skills.

"Tutulungan ka rin niya kung paano magtrabaho sa kapwa artista at sa crew and staff.

"Pati iyong punctuality, lahat iyon ay importante kay Kuya Germs.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RYZZA MAE. Naging panauhin si Isabel sa The Ryzza Mae Show last Friday, October 10, at hindi niya maiwasang mapabilib kay Ryzza Mae Dizon dahil sa pagiging sobrang bibo ng child star.

Saad ng dati ring child actress, “Nine years old pa lang si Ryzza, pero hindi siya yung typical na bata talaga.

"Whatever na nasasabi sa kanyang instructions, napi-pick-up niya agad.

“Napansin ko din doon sa backstage... kasi ako noong nine years old ay marami rin akong nakakalaro.

"Pero siya, walang nakakalaro kasi siya lang ang bata sa show.

"Kaya kapag may time, ang mga kalaro niya ay yung staff at yung mga taong kasama niya."

Sa tingin ba niya, si Ryzza Mae ang bagong Niño Muhlach o child wonder?

“Si Kuya Niño kasi, grown-up na siya noong na-meet ko e.

“So, base sa mga movies lang ni Niño, parang ganoon din si Ryzza Mae ngayon.

"Kasi iyong acting niya noon, parang ganoon na rin siyang mag-isip.

"Parang matanda na rin and he has his own punchlines na hindi scripted.

"And ganoon din ang nakita ko kanina kay Ryzza.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN