Ai-Ai delas Alas reveals making a deal with God that her present relationship will be her last

Ai-Ai delas Alas on having another relationship after her current boyfriend Gerald Sibayan: "Date, oo. Pero relasyon, ayoko na. Hindi na, hindi… hindi, ayoko ng ganoon. Sabi nila, ‘di ba, huwag kang magsalita nang tapos? Ngayon, ‘eto, tinatapos ko na talaga. Ayoko na talaga after nito."


Sa unang pagkakataon ay inihayag ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang saloobin sa pag-amin ng kanyang 20-year-old boyfriend na si Gerald Sibayan ng kanilang relasyon.

Matatandaang unang inamin ni Gerald ang relasyon nila ni Ai-Ai dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Read: La Salle badminton player Gerald Sibayan confirms relationship with Ai-Ai delas Alas

Inaasahan na raw ni Ai-Ai ang mga batikos na matatanggap niya sa ginawang pag-amin ni Gerald ng kanilang relasyon dahil sa malaking agwat ng edad nila.

Si Ai-Ai ay magdiriwang ng kanyang 50th birthday sa November 11, habang si Gerald ay 20 years old lamang.

Saad ng aktres sa panayam ng PEP, “Alam ko naman din yun.

“Kaya lang, hindi ko naman nabasa na ganoon ka-wild. Boom!

“Wala naman akong reaksiyon… e, di magtiis.

“Ano pa ba ang gagawin ko? Nandiyan na, e.”

Nag-aalala ba siya na baka maging “circus” ang kanyang lovelife?

“Hindi, naging circus na nga, e. ‘Tapos sarado na ulit ngayon.

“Tahimik na… basta.

“Nakatulong din yung may sakit ako, na hindi nila ako nainterbyu,” sabi niya.



PRIVATE LOVELIFE. Hangga’t maaari raw ay mas gusto ni Ai-Ai na maging pribado ang kanyang lovelife ngayon.

Pero ano nga ba ang nag-udyok kay Ai-Ai na muling maniwala sa pag-ibig pagkatapos ng masalimuot na pagwawakas ng relasyon nila ng dating asawang si Jed Salang?

“Ewan ko, parang nahilo nga ako dito, e,” sabay-turo niya kay Gerald, na kasama niya habang iniinterbyu namin.

Dagdag ni Ai-Ai, “Ayoko na talaga.

“Kahit itanong mo sa kanya... ayoko na talaga. Ayoko na talaga.

“Hindi ko nga alam, e. Napunta na lang ako, e.

“Siguro kasi, gusto ko rin, e. Ayoko lang aminin.

“Pero deep inside me, gusto ko may makasama ako.

“Ako, kumbaga, ‘Eto Lord, ha, last ko na ‘to talaga. Kapag ‘eto, hindi talaga, ayoko na. Kahit mag-isa na lang ako sa buhay, okey na ako.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Deal niya ‘yan with the Lord?

“Oo, deal ko kay Lord. ‘Eto, Lord, last na ‘to talaga.’

“Hindi, totoo, ayoko na talaga. Sinabi ko rin ‘to sa kanya [Gerald].

“Ayoko na kahit ano’ng mangyari sa aming dalawa.

“Date, oo. Pero relasyon, ayoko na.

“Hindi na, hindi… hindi, ayoko ng ganoon.

“Sabi nila, ‘di ba, huwag kang magsalita nang tapos?

“Ngayon, ‘eto, tinatapos ko na talaga. Ayoko na talaga after nito.

“Nagulat nga ‘yan umiyak ako, e.

“Oo, talagang naiyak ako, kasi parang hindi naman talaga ako ready, e.

“Hindi ako ready for him.”

What made her took the chance again?

“May nangyari, e. Parang, ‘Ano bang nangyari?’ parang ganoon.

“Ayoko kaya.. ayokong mag-syota noon.

“Sabi ko nga, siguro ano… ‘tapos, ewan ko bakit na-try ko sa kanya.”



MAY-DECEMBER AFFAIR. Ano ang masasabi niya sa mga nagulat na mas bata na naman sa kanya ang karelasyon niya ngayon?

Saad ni Ai-Ai, “Marami namang ganoon. Nagkataon lang si Ai-Ai ako.

“Marami naman talaga, e.

“Ang dami kayang nagtsa-chat sa kanya. Ikinukuwento ang mga buhay nila, ‘Alam mo, sana…’ ganyan.

“‘Happy po kami sa inyo ni Ms. Ai. Hindi po katulad namin.’

“Meron naman, ‘Pareho po namin kayo.’

“’Ako po taga-Cavite ako… Ang karelasyon ko po 38, 18 po ako,’ sabi niya.

“‘Kaya lang po, lahat ng tao galit sa amin. Buti po kayo tinatanggap ng mga tao, ganyan.’

“Natuwa ako,” sabi ni Ai-Ai kasunod ang biglang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

Patuloy niya, “Sabi naman nung isa, ‘Alam mo ba taga-Australia ako, kaso may asawa ako. Pero ang boyfiend ko, 18.’ Matanda pa ‘to [sabay turo niya kay Gerald].

“’Magkasundo kami saka alam ng mga anak ko. Kaso, ang problema, may asawa ako.’

“Maraming ganoon, ginagawa nila kaming tagapayo.

“Nakakatawa, ‘di ba?

“Siya, naka-private kasi, ako rin naman. Pero ang dami-daming nagtsa-chat sa kanya [Gerald].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, alam naman nila na hindi nila ako makaka-chat, e, kaya sa kanya pumapasok kung anu-ano.”



LIFE IS SHORT. Kamakailan ay nagkasakit si Ai-Ai at naospital ng ilang linggo. Marami raw siyang natutunan sa pagkakasakit niyang ito.

Sabi niya, “[That] life is short.

“So, kumbaga, enjoy your life. Always be nice.

“Kasi, ‘di ba, hindi natin alam?

“Kailangan maging mabait lang tayo parati.

“Saka chill lang, huwag na tayong ma-stress. God is in control.”

Next month ay magse-celebrate ng kanyang birthday si Ai-Ai. May wish pa ba siya?

“Wala na... basta good health lang sa akin at sa mga bata, okey na yun.

“Sa lahat ng mahal ko sa buhay, good health lang, kasi wala na, sobrang suwerte ko na, ‘di ba?

“May career ako, may lovelife pa ako.

“Bihirang magsabay yun sa isang artista, ‘di ba?

“Meron lang nun si Sharon [Cuneta] at si Ate Vi [Vilma Santos].

“O, pangatlo na ako ngayon!” natatawa niyang sabi.

Patuloy ni Ai-Ai, “Totoo naman, e.

“Sino lang ang may magandang lovelife? Si Sharon at si Ate Vi, ‘di ba?

“Hindi nga lang ako kasal.

“Pero alam ko, masaya ako sa kanya. Maayos ang lovelife ko.

“Hindi pa kaya kami nag-aaway niyan,” pagmamalaki niya sa relasyon nila ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN